Kung Paano Dadaigin ang Poot
Kayang tulungan ng Bibliya—ang Salita ng Diyos—ang mga tao na magbago. (Hebreo 4:12) Natulungan nito ang maraming tao na madaig ang poot na nararamdaman nila sa iba. Alamin natin ang apat na turo ng Bibliya na nakatulong sa marami na magawa ito.