Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Papatibayin ng Mag-asawa ang Kanilang Pagsasama

Kung Paano Papatibayin ng Mag-asawa ang Kanilang Pagsasama

Sina Abraham at Sara ay isang magandang halimbawa ng mag-asawang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa. (Gen 12:11-13; 1Pe 3:6) Pero hindi perpekto ang pagsasama nila, at may mga problema rin sila sa buhay. Ano ang matututuhan ng mga mag-asawa kina Abraham at Sara?

Palaging mag-usap. Mahinahong sumagot kahit na nakapagsalita ang iyong asawa dahil sa inis o galit. (Gen 16:5, 6) Maglaan ng panahon para sa isa’t isa. Ipadama sa salita at gawa na mahal mo ang iyong asawa. At higit sa lahat, tiyaking matibay ang kaugnayan ninyong dalawa kay Jehova sa pamamagitan ng pag-aaral, pananalangin, at pagsamba nang magkasama. (Ec 4:12) Ang matibay na pagsasama ng mag-asawa ay nagpaparangal kay Jehova, ang Tagapagpasimula ng sagradong kaayusang ito.

PANOORIN ANG VIDEO NA KUNG PAANO PAPATIBAYIN ANG BUKLOD NG PAG-AASAWA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sa pagsasadula, ano ang mga senyales na napapalayo na sa isa’t isa sina Shaan at Kiara?

  • Bakit napakahalaga na maging bukás ang komunikasyon ng mag-asawa?

  • Paano nakatulong kina Shaan at Kiara ang halimbawa nina Abraham at Sara?

  • Ano ang mga ginawa nina Shaan at Kiara para patibayin ang kanilang pagsasama?

  • Bakit hindi dapat asahan ng mag-asawa na magiging perpekto ang pagsasama nila?

Mapapatibay mo ang pagsasama ninyong mag-asawa!