Pebrero 15-21
NEHEMIAS 9-11
Awit 84 at Panalangin
Pambungad na Komento (3 min. o mas maikli)
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Sinusuportahan ng Tapat na mga Mananamba ang Teokratikong mga Kaayusan”: (10 min.)
Ne 10:28-30—Sumang-ayon sila na hindi makikipag-asawa sa “mga bayan ng lupain” (w98 10/15 21 ¶11)
Ne 10:32-39—Nagpasiya silang suportahan ang tunay na pagsamba sa iba’t ibang paraan (w98 10/15 21 ¶11-12)
Ne 11:1, 2—Kusang-loob nilang sinuportahan ang isang pantanging teokratikong kaayusan (w06 2/1 11 ¶6; w98 10/15 22 ¶13)
Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas: (8 min.)
Ne 9:19-21—Paano pinatutunayan ni Jehova na pinaglalaanan niyang mabuti ang kaniyang bayan? (w13 9/15 9 ¶9-10)
Ne 9:6-38—Anong magandang halimbawa ang matututuhan natin sa mga Levita may kaugnayan sa panalangin? (w13 10/15 22-23 ¶6-7)
Ano ang natutuhan ko tungkol kay Jehova mula sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Anong mga punto mula sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito ang magagamit ko sa ministeryo?
Pagbabasa ng Bibliya: Ne 11:15-36 (4 min. o mas maikli)
MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO
Unang Pag-uusap: (2 min. o mas maikli) Itampok ang kasalukuyang Gumising! gamit ang artikulong “Tulong Para sa Pamilya—Kung Paano Magkakaroon ng Tunay na Kaibigan.” Ilatag ang pundasyon para sa pagdalaw-muli.
Pagdalaw-Muli: (4 min. o mas maikli) Itanghal ang isang pagdalaw-muli sa isa na nagpakita ng interes sa artikulong “Tulong Para sa Pamilya—Kung Paano Magkakaroon ng Tunay na Kaibigan” na nasa kasalukuyang Gumising! Ilatag ang pundasyon para sa susunod na pagdalaw.
Pag-aaral sa Bibliya: (6 min. o mas maikli) Itanghal ang isang pag-aaral sa Bibliya. (bh 32-33 ¶13-14)
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“The Best Talaga ang Buhay Ko!”: (15 min.) Pagtalakay. I-play muna ang video. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong. Interbyuhin sa maikli ang isang mamamahayag, may asawa o wala, na sinamantala ang pagiging walang asawa noon para higit na makapaglingkod kay Jehova. (1Co 7:35) Anong mga pagpapala ang tinanggap niya?
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: ia kab. 9 ¶1-13 (30 min.)
Repaso at mga Aabangan sa Susunod na Linggo (3 min.)
Awit 76 at Panalangin