PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Gaano Kahalaga sa Iyo ang Salita ng Diyos?
Nasa Bibliya ang kaisipan at pananalita ng Diyos na Jehova, ang Awtor ng banal na aklat na ito. (2Pe 1:20, 21) Dahil nakapokus ito sa pagbabangong-puri sa soberanya ng Diyos sa pamamagitan ng Kaharian, nabibigyan tayo nito ng pag-asa na may magandang kinabukasang naghihintay sa atin. Ipinapakita rin ng Bibliya ang personalidad ng mapagmahal nating Ama sa langit, si Jehova.—Aw 86:15.
Magkakaiba tayo ng dahilan kung bakit natin pinapahalagahan ang Salita ni Jehova. Pero ipinapakita ba natin ang pagpapahalaga sa regalong iyan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya araw-araw at pagsasabuhay nito? Maipakita nawa natin na nadarama rin natin ang sinabi ng salmista: “Mahal na mahal ko ang kautusan mo!”—Aw 119:97.
PANOORIN ANG VIDEO NA PINAHALAGAHAN NILA ANG BIBLIYA—VIDEO CLIP (WILLIAM TYNDALE). PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Bakit isinalin ni William Tyndale ang mga bahagi ng Bibliya?
-
Bakit kahanga-hanga ang pagsisikap niya na maisalin ang Bibliya?
-
Paano naipasok nang palihim sa England ang mga kopya ng Bibliya ni Tyndale?
-
Paano maipapakita ng bawat isa sa atin na pinapahalagahan natin ang Salita ng Diyos?