Sampol na Presentasyon
GUMISING!
Tanong: Bakit mahalagang paghandaan ang sakuna?
Teksto: Kaw 27:12
Alok: Ipinakikita sa magasing ito kung ano ang dapat nating gawin bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.
ITURO ANG KATOTOHANAN
Tanong: Paano natin maipakikita ang pag-ibig sa Diyos?
Teksto: 1Ju 5:3
Katotohanan: Maipakikita natin ang pag-ibig sa Diyos kapag sinusunod natin ang kaniyang mga utos.
PUWEDE PA BANG MABUHAY ANG MGA PATAY? (T-35)
Tanong: Maraming tao sa buong mundo ang nagdiriwang ng mga kapistahan taon-taon para parangalan ang mga patay. Makikita pa ba natin ang mga mahal natin sa buhay na namatay na?
Teksto: Gaw 24:15
Alok: Ipinaliliwanag sa tract na ito kung ano ang magagawa para sa iyo ng pag-asang pagkabuhay-muli. [Kung posible, i-play ang video na May Pag-asa Ba ang mga Patay?]
GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON
Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.