PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Maging Kontento . . . sa mga Bagay na Mayroon Kayo”
Kung kapos tayo sa materyal, baka matukso tayong gumawa ng isang bagay na makakasira sa kaugnayan natin kay Jehova. Halimbawa, baka magkaroon tayo ng oportunidad na kumita nang malaki pero manganganib naman ang espirituwalidad natin. Makakatulong kung pag-iisipan natin ang Hebreo 13:5.
“Huwag nawang makita sa pamumuhay ninyo ang pag-ibig sa pera”
-
Manalangin at suriin kung gaano kahalaga sa iyo ang pera, at pag-isipan ang halimbawang ipinapakita mo sa mga anak mo.—g 9/15 6.
“Maging kontento na kayo sa mga bagay na mayroon kayo”
-
Baguhin ang pananaw mo pagdating sa kung ano talaga ang kailangan mo.—w16.07 7 ¶1-2.
“Hinding-hindi kita iiwan, at hinding-hindi kita pababayaan”
-
Magtiwala na ilalaan ni Jehova ang lahat ng kailangan mo kung patuloy mong uunahin ang Kaharian.—w14 4/15 21 ¶17.
PANOORIN ANG VIDEO NA KUNG PAANO NARARANASAN NG MGA KAPATID ANG KAPAYAPAAN KAHIT MAY PROBLEMA SA PINANSIYAL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
Ano ang natutuhan mo sa karanasan ni Miguel Novoa?