2 JUAN 1-13; 3 JUAN 1-14–JUDAS 1-25
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS |Dapat Tayong Makipaglaban Para Makapanatili sa Katotohanan
Nagpayo si Jesus: “Magsikap kayo nang husto na makapasok sa makipot na pinto.” (Luc 13:24) Sinabi ni Jesus na kailangan ng matinding pagsisikap para matamo natin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ganiyan din ang isinulat ni Judas, na kapatid sa ina ni Jesus: “Makipaglaban nang husto para sa pananampalataya.” Kailangan ng pagsisikap para:
-
Tanggihan ang seksuwal na imoralidad.—Jud 6, 7
-
Igalang ang mga nasa awtoridad.—Jud 8, 9
-
Patibayin ang ating paniniwala sa “kabanal-banalang pananampalataya,” ang mga turo ni Jesus.—Jud 20, 21