Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mayo 27–Hunyo 2

AWIT 42-44

Mayo 27–Hunyo 2

Awit Blg. 86 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Makinabang Nang Lubusan sa Edukasyong Mula sa Diyos

(10 min.)

Samantalahin ang bawat pagkakataong sambahin si Jehova kasama ang iba, at gawin ito in person kung posible (Aw 42:4, 5; w06 6/1 9 ¶4)

Manalangin bago mag-aral ng Salita ng Diyos (Aw 42:8; w12 1/15 15 ¶2)

Magpagabay sa Bibliya anuman ang ginagawa mo (Aw 43:3)

Dahil sa edukasyong mula sa Diyos, nagkakaroon tayo ng lakas para maharap ang mga pagsubok at matupad ang pangako nating paglingkuran si Jehova magpakailanman.​—1Pe 5:10; w16.09 5 ¶11-12.

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 44:19—Saan posibleng tumutukoy ang pananalitang “tinitirhan ng mga chakal”? (it-1 490 ¶2)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Aw 44:1-26 (th aralin 11)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(4 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 5: #5)

5. Pagdalaw-Muli

(5 min.) BAHAY-BAHAY. Imbitahan ang kausap sa susunod na pahayag pangmadla. Ipakita at talakayin (pero huwag i-play) ang video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall? (lmd aralin 7: #5)

6. Pahayag

(3 min.) lmd apendise A: #4—Tema: Mawawala Na ang Sakit at Kapansanan. (th aralin 2)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 21

7. Gumawa ng Mabubuting Desisyon Tungkol sa Trabaho at Edukasyon

(15 min.) Pagtalakay.

Bilang kabataan, iniisip mo na ba kung ano ang gagawin mo pagkatapos ng high school? Baka may naiisip ka nang trabaho na makakatulong para makapagpayunir ka. O baka naiisip mong mag-aral ng isang skill para makakuha ka ng lisensiya o diploma na makakatulong sa iyo na makahanap ng trabaho. Nakaka-excite ito! Pero baka hindi ka sigurado kung ano ang gagawin mo dahil sa dami ng pagpipilian o dahil natatakot kang ma-disappoint ang iba. Paano ka makakagawa ng mabubuting desisyon?

Basahin ang Mateo 6:32, 33. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit magandang magkaroon muna ng espirituwal na tunguhin bago gumawa ng mabibigat na desisyon tungkol sa trabaho at edukasyon?

  • Paano matutulungan ng mga magulang ang mga anak nila na masunod ang Mateo 6:32, 33?​—Aw 78:4-7

Mag-ingat na hindi makaimpluwensiya sa magiging desisyon mo ang kagustuhan mong kumita ng malaking pera o maging kilalá. (1Ju 2:15, 17) Hindi ba, nahihirapan nga ang ilan na matanggap ang mensahe ng Kaharian dahil mayaman sila? (Luc 18:24-27) Kung sisikapin ng isang tao na maging mayaman, mahihirapan siyang magkaroon ng matibay na pananampalataya at magpokus sa paglilingkod kay Jehova.​—Mat 6:24; Mar 8:36.

I-play ang VIDEO na Huwag Magtiwala sa mga Bagay na Nabibigo!—Kayamanan. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  •   Paano makakatulong sa iyo ang Kawikaan 23:4, 5 para makagawa ng mabubuting desisyon?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) bt kab. 10 ¶5-12

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 47 at Panalangin