Mayo 27–Hunyo 2
GALACIA 1-3
Awit 106 at Panalangin
Pambungad na Komento (3 min. o mas maikli)
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Sinaway Ko Siya Nang Harapan”: (10 min.)
[I-play ang video na Introduksiyon sa Galacia.]
Gal 2:11-13—Nang dalawin si Pedro ng mga Judiong Kristiyano, iniwasan niya ang mga kapatid na Gentil dahil sa takot sa tao (w17.04 27 ¶16)
Gal 2:14—Itinuwid ni Pablo si Pedro (w13 3/15 5 ¶12)
Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas: (8 min.)
Gal 2:20—Ano ang dapat mong maging pananaw sa pantubos, at bakit? (w14 9/15 16 ¶20-21)
Gal 3:1—Bakit sinabi ni Pablo na “hindi nag-iisip,” o hangal, ang mga taga-Galacia? (it-1 787-788)
Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jehova mula sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Ano pang espirituwal na hiyas ang natuklasan mo sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Pagbabasa ng Bibliya: (4 min. o mas maikli) Gal 2:11-21 (th aralin 10)
MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO
Video ng Ikalawang Pagdalaw-Muli: (5 min.) I-play at talakayin ang video.
Ikalawang Pagdalaw-Muli: (3 min. o mas maikli) Gamitin ang sampol na pakikipag-usap. (th aralin 2)
Pag-aaral sa Bibliya: (5 min. o mas maikli) bhs 202-203 ¶18-19 (th aralin 6)
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Kung Paano Natin Mapapangalagaan ang Ating mga Dako ng Pagsamba”: (15 min.) Pagtalakay ng isang elder. Pagkatapos panoorin ang video na Pag-aalaga sa Ating Dako ng Pagsamba at sagutin ang mga tanong, interbyuhin sa maikli ang kinatawan ng kongregasyon sa operating committee at itanong sa kaniya ang mga sumusunod. (Kung walang kinatawan ang inyong kongregasyon, interbyuhin ang koordineytor ng lupon ng matatanda. Kung ang inyong kongregasyon lang ang gumagamit ng Kingdom Hall, interbyuhin ang koordineytor sa pagmamantini.) Nasusunod ba natin ang ating regular na iskedyul sa pagmamantini? Ligtas ba tayong nagtatrabaho? Anong pagmamantini ang naisagawa kamakailan, at ano pa ang mga planong gawin sa hinaharap? Kung ang isa ay may kasanayan sa pagmamantini o gustong sumama sa may kasanayan para matuto, ano ang dapat niyang gawin? Anuman ang kalagayan natin, ano ang maaari nating gawin para mapangalagaan ang Kingdom Hall?
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: (30 min.) jy kab. 68
Repaso at mga Aabangan sa Susunod na Linggo (3 min.)
Awit 72 at Panalangin