PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Puwede Kang Magtagumpay sa Kabila ng Iyong “Tinik sa Laman”!
Sa mga huling araw na ito na mapanganib at mahirap ang kalagayan, iba’t ibang problema ang nararanasan ng lahat ng lingkod ng Diyos. (2Ti 3:1) Paano natin maipapakitang nananalig tayo kay Jehova para mapagtagumpayan ang mga problemang ito? Panoorin ang video na “Madidilat ang mga Mata ng mga Bulag” at alamin kung ano ang ginawa ni Talita Alnashi at ng kaniyang mga magulang. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong:
-
Ano ang “tinik sa laman” ni Talita?
-
Anong mga pangako sa Bibliya ang nakatulong kay Talita at sa mga magulang niya na manatiling positibo?
-
Paano ipinakita ng mga magulang ni Talita na nananalig sila kay Jehova pagkatapos ng operasyon niya?
-
Paano ginamit ng mga magulang ni Talita ang teokratikong mga paglalaan para maikintal sa puso ni Talita ang pag-ibig sa Diyos?
-
Paano ipinakita ni Talita na sumusulong siya sa espirituwal sa kabila ng kaniyang “tinik sa laman”?
-
Paano ka napatibay ng halimbawa ni Talita?