Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | 2 CORINTO 11-13

Ang “Tinik sa Laman” ni Pablo

Ang “Tinik sa Laman” ni Pablo

12:7-10

Sa Bibliya, madalas gamitin ang mga tinik bilang sagisag ng mga tao o bagay na nagdudulot ng pinsala at problema. (Bil 33:55; Kaw 22:5; Eze 28:24) Nang isulat ni Pablo ang tungkol sa kaniyang “tinik sa laman,” maaaring tinutukoy niya ang mga huwad na apostol at iba pang humahamon sa kaniyang gawain at pagkaapostol. Ano pa ang posibleng “tinik sa laman” ni Pablo na tinutukoy sa mga teksto sa ibaba?

Ano ang iyong “tinik sa laman”?

Paano mo maipapakitang nananalig ka sa tulong ni Jehova?