Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Natulungan ang mga Kapatid sa Caribbean

Kung Paano Natulungan ang mga Kapatid sa Caribbean

Gaya noong unang siglo, pribilehiyo nating ipakita ang pag-ibig sa mga kapuwa Kristiyanong nasalanta ng sakuna. (Ju 13:34, 35) Panoorin ang video na Pag-ibig na Nakikita sa Gawa—Relief Work sa mga Isla at tingnan kung paano tumugon ang mga kapatid sa pangangailangan ng mga nasalanta sa Caribbean. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong:

  • Paano naapektuhan ng Bagyong Irma at Bagyong Maria ang mga kapatid sa Caribbean?

  • Paano ginamit ni Jehova ang mga kapatid para tulungan ang ating mga kapuwa Kristiyano sa Caribbean?

  • Paano nakaapekto sa mga nasalanta ng bagyo ang pag-ibig at pagkabukas-palad ng mga kapatid?

  • Gaano karaming kapatid ang tumulong sa mga biktima ng sakuna sa Caribbean?

  • Paano tayo makakatulong sa mga kapatid na nasalanta?

  • Pagkatapos mapanood ang video, ano ang nadarama mo bilang bahagi ng maibiging organisasyong ito?