PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pagkabuhay-Muli—Naging Posible Dahil sa Pantubos
Ang panahon ng Memoryal ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong bulay-bulayin ang mga pagpapala sa hinaharap na naging posible dahil sa pantubos, gaya ng pagkabuhay-muli. Hindi kailanman nilayon ni Jehova na mamatay ang mga tao. Kaya naman napakasakit na mamatayan ng isang mahal sa buhay. (1Co 15:26) Lungkot na lungkot si Jesus nang makita niyang nagdadalamhati ang kaniyang mga alagad sa pagkamatay ni Lazaro. (Ju 11:33-35) Dahil si Jesus ay katulad na katulad ng kaniyang Ama, makatitiyak tayong nalulungkot din si Jehova kapag nakikita niya tayong nagdadalamhati sa pagkamatay ng ating mga mahal sa buhay. (Ju 14:7) Nananabik si Jehova sa panahong bubuhayin niyang muli ang mga lingkod niyang namatay, at dapat na ganoon din tayo.
Yamang si Jehova ay Diyos ng kaayusan, makatuwiran lang na maniwalang magaganap nang maayos ang pagkabuhay-muli. (1Co 14:33, 40) Sa halip na mga libing, baka magkaroon ng mga kaayusan sa pagsalubong sa mga binuhay-muli. Binubulay-bulay mo ba ang pagkabuhay-muli, lalo na sa panahon ng pagdadalamhati? (2Co 4:17, 18) Pinasasalamatan mo ba si Jehova sa paglalaan ng pantubos at sa pagsisiwalat sa Kasulatan na mabubuhay-muli ang mga namatay?
-
Sino sa mga kaibigan at kamag-anak mo ang pinanabikan mong makitang muli?
-
Sino sa mga tauhan sa Bibliya ang gustong-gusto mong makita at makausap?