PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ano ang Matututuhan Natin sa mga Nilalang Tungkol sa Lakas ng Loob?
Tinuturuan tayo ni Jehova kung paano ipapakita ang mga katangian niya sa tulong ng halimbawa ng mga tauhan sa Bibliya. Pero tinuturuan din tayo ni Jehova sa pamamagitan ng mga nilalang niya. (Job 12:7, 8) Ano ang matututuhan natin sa leon, kabayo, mongoose, hummingbird, at elepante tungkol sa lakas ng loob?
PANOORIN ANG VIDEO NA MATUTO NG LAKAS NG LOOB MULA SA MGA NILALANG. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano nagpapakita ng lakas ng loob ang nanay na leon kapag pinoprotektahan ang mga anak niya?
-
Paano sinasanay ang mga kabayo para maging malakas ang loob nila sa labanan?
-
Bakit hindi natatakot ang mongoose sa makamandag na ahas?
-
Paano nagpapakita ng lakas ng loob ang maliliit na hummingbird?
-
Paano nagpapakita ng lakas ng loob ang mga elepante kapag pinoprotektahan nila ang isa’t isa?
-
Ano ang matututuhan mo sa mga nilalang na ito tungkol sa lakas ng loob?