Hindi Namalayan ng Mayabang na Paraon na Tinutupad Niya ang Layunin ng Diyos
Diyos ang tingin ng mga paraon sa sarili nila. Kaya naman hindi nakinig ang mayabang na Paraon kina Moises at Aaron at kahit sa mga mahikong saserdote niya.
Pinapakinggan mo ba ang opinyon ng iba? Natutuwa ka ba kapag may nagpayo sa iyo? O pakiramdam mo, lagi kang tama? “Ang pagmamataas ay humahantong sa pagbagsak.” (Kaw 16:18) Kaya hindi tayo dapat maging mapagmataas!