“Patuloy Ninyong Pasiglahin ang Isa’t Isa at Patibayin ang Isa’t Isa”
Ang bawat Kristiyano ay may kakayahang magpatibay sa iba. Halimbawa, napapatibay natin ang mga kapananampalataya natin kapag hindi tayo pumapalya sa mga pulong at sa ministeryo, marahil “nang may matinding pakikipagpunyagi” dahil sa mahinang kalusugan o iba pang problema. (1Te 2:2, tlb.) Kapag patiuna tayong naghahanda at nagre-research pa nga, mapapatibay natin ang mga kapananampalatayang pinanghihinaan ng loob.
Saan ka makakakuha ng impormasyon para mapatibay ang isang may pinagdaraanang problema?
Sino sa mga kakongregasyon mo ang gusto mong patibayin?