Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LUCAS 10-11

Ang Talinghaga Tungkol sa Mapagkawanggawang Samaritano

Ang Talinghaga Tungkol sa Mapagkawanggawang Samaritano

10:25-37

Ginamit ni Jesus ang talinghagang ito para sagutin ang tanong: “Sino ba talaga ang aking kapuwa?” (Luc 10:25-29) Alam niya na magiging bahagi ng kongregasyong Kristiyano ang “lahat ng uri ng tao”—kasama na ang mga Samaritano at Gentil. (Ju 12:32) Itinuturo ng talinghagang ito na dapat ibigin ng kaniyang mga tagasunod ang kanilang kapuwa, kahit naiiba ang mga ito sa kanila.

TANUNGIN ANG SARILI:

  • ‘Ano ang nadarama ko sa mga kapatid na iba ang kultura?’

  • ‘Ang lagi ko bang kasama ay mga taong kapareho ko?’

  • ‘Puwede ba akong magpalawak at kilalanin pa ang mga kapuwa Kristiyano na iba ang pinagmulan?’ (2Co 6:13)

Sino ang puwede kong yayain na . . .

  •  sumama sa akin sa ministeryo?

  •  kumain sa bahay namin?

  •  sumali sa susunod na pampamilyang pagsamba namin?