PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
May Goal Ka Na Ba sa Darating na Memoryal?
Inaabangan taon-taon ng mga lingkod ng Diyos ang pag-alaala sa kamatayan ni Jesus. Sa mga linggo bago at pagkatapos ng Memoryal, may pribilehiyo tayong ipakita na nagpapasalamat tayo kay Jehova at pinupuri natin siya dahil sa regalong pantubos. (Efe 1:3, 7) Halimbawa, ginagawa natin ang lahat para imbitahan ang iba sa okasyong ito. Nakakagawa naman ng paraan ang ilan para makapag-auxiliary pioneer at umabót ng 30 o 50 oras sa Marso o Abril. Goal mo rin bang dagdagan ang panahon mo sa ministeryo sa mga buwang ito? Paano mo maaabot iyon?
Malaki ang posibilidad na maabot natin ang goal natin kung maaga tayong magpaplano. (Kaw 21:5) Dahil malapit na ang Memoryal, magplano ka na. Pag-isipan kung paano mo madadagdagan ang panahon mo sa pangangaral, at ang mga magagawa mo para maabot iyon. Huwag kalimutang hilingin kay Jehova na pagpalain ka.—1Ju 5:14, 15.
Anong mga goal ang naiisip mo para dagdagan ang panahon mo sa ministeryo sa darating na Memoryal?