Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Aklat ng Isaias

Kabanata

Nilalaman

  • 1

    • Isang amang may mapagrebeldeng mga anak (1-9)

    • Napopoot si Jehova sa pakitang-taong pagsamba (10-17)

    • “Ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin” (18-20)

    • Gagawin muling isang tapat na lunsod ang Sion (21-31)

  • 2

    • Gagawing mas mataas ang bundok ni Jehova (1-5)

      • Ang mga espada ay gagawing araro (4)

    • Mapapahiya sa araw ni Jehova ang mga hambog (6-22)

  • 3

    • Inililigaw ng mga pinuno ng Juda ang bayan (1-15)

    • Hinatulan ang mapang-akit na mga anak na babae ng Sion (16-26)

  • 4

    • Pitong babae sa isang lalaki (1)

    • Ang pasisibulin ni Jehova ay magiging maluwalhati (2-6)

  • 5

    • Awit tungkol sa ubasan ni Jehova (1-7)

    • Kaawa-awa ang ubasan ni Jehova (8-24)

    • Nagalit ang Diyos sa bayan niya (25-30)

  • 6

    • Nakita sa pangitain si Jehova na nasa kaniyang templo (1-4)

      • “Banal, banal, banal si Jehova” (3)

    • Nilinis ang mga labi ni Isaias (5-7)

    • Inatasan si Isaias (8-10)

      • “Narito ako! Isugo mo ako!” (8)

    • “Hanggang kailan, O Jehova?” (11-13)

  • 7

    • Mensahe kay Haring Ahaz (1-9)

      • Sear-jasub (3)

    • Tanda ni Emmanuel (10-17)

    • Resulta ng pagiging di-tapat (18-25)

  • 8

    • Ang nalalapit na pagsalakay ng Asirya (1-8)

      • Maher-salal-has-baz (1-4)

    • Huwag matakot—‘sumasaatin ang Diyos!’ (9-17)

    • Si Isaias at ang mga anak niya ay gaya ng mga tanda (18)

    • Sumangguni sa kautusan, hindi sa mga demonyo (19-22)

  • 9

    • Matinding liwanag sa lupain ng Galilea (1-7)

      • Pagsilang ng “Prinsipe ng Kapayapaan” (6, 7)

    • Ang kamay ng Diyos ay laban sa Israel (8-21)

  • 10

    • Ang kamay ng Diyos laban sa Israel (1-4)

    • Asirya—pamalo ng Diyos na nagpapakita ng galit niya (5-11)

    • Parusa sa Asirya (12-19)

    • Isang nalabi ng Jacob ang babalik (20-27)

    • Hahatulan ng Diyos ang Asirya (28-34)

  • 11

    • Matuwid na pamamahala ng maliit na sanga ni Jesse (1-10)

      • Magpapahingang magkasama ang lobo at ang kordero (6)

      • Mapupuno ang lupa ng kaalaman tungkol kay Jehova (9)

    • Titipunin ang mga natira sa bayan (11-16)

  • 12

    • Awit ng pasasalamat (1-6)

      • “Si Jah Jehova ang lakas ko” (2)

  • 13

    • Mensahe laban sa Babilonya (1-22)

      • Ang araw ni Jehova ay malapit na! (6)

      • Pababagsakin ng mga Medo ang Babilonya (17)

      • Hindi na titirhan kailanman ang Babilonya (20)

  • 14

    • Titira sa sariling lupain ang Israel (1, 2)

    • Panunuya laban sa hari ng Babilonya (3-23)

      • Ang nagniningning ay mahuhulog mula sa langit (12)

    • Dudurugin ng kamay ni Jehova ang Asiryano (24-27)

    • Mensahe laban sa Filistia (28-32)

  • 15

    • Mensahe laban sa Moab (1-9)

  • 16

    • Karugtong ng mensahe laban sa Moab (1-14)

  • 17

    • Mensahe laban sa Damasco (1-11)

    • Sasawayin ni Jehova ang mga bansa (12-14)

  • 18

    • Mensahe laban sa Etiopia (1-7)

  • 19

    • Mensahe laban sa Ehipto (1-15)

    • Makikilala ng Ehipto si Jehova (16-25)

      • Isang altar para kay Jehova sa Ehipto (19)

  • 20

    • Tanda laban sa Ehipto at Etiopia (1-6)

  • 21

    • Mensahe laban sa ilang ng dagat (1-10)

      • Patuloy na nagbabantay sa bantayan (8)

      • “Bumagsak na ang Babilonya!” (9)

    • Mensahe laban sa Duma at tigang na kapatagan (11-17)

      • “Tagapagbantay, gaano pa katagal ang gabi?” (11)

  • 22

    • Mensahe tungkol sa Lambak ng Pangitain (1-14)

    • Pinalitan ni Eliakim ang katiwalang si Sebna (15-25)

      • Makasagisag na pako (23-25)

  • 23

    • Mensahe laban sa Tiro (1-18)

  • 24

    • Aalisan ni Jehova ng laman ang lupain (1-23)

      • Si Jehova ang Hari sa Sion (23)

  • 25

    • Saganang pagpapala sa bayan ng Diyos (1-12)

      • Handaan ng mainam na alak mula kay Jehova (6)

      • Wala nang kamatayan (8)

  • 26

    • Awit tungkol sa pagtitiwala at kaligtasan (1-21)

      • Si Jah Jehova ang walang-hanggang Bato (4)

      • Matututo ng katuwiran ang mga tao sa lupa (9)

      • “Ang iyong mga patay ay mabubuhay” (19)

      • Pumasok sa mga kaloob-loobang silid at magtago (20)

  • 27

    • Pinatay ni Jehova ang Leviatan (1)

    • Awit tungkol sa Israel na ikinumpara sa ubasan (2-13)

  • 28

    • Kaawa-awa ang mga lasenggo ng Efraim! (1-6)

    • Sumusuray-suray ang saserdote at ang propeta ng Juda (7-13)

    • ‘Nakipagtipan sa Kamatayan’ (14-22)

      • Mahalagang batong-panulok sa Sion (16)

      • Ang pambihirang gawain ni Jehova (21)

    • Inilarawan ang matalinong paraan ng pagdidisiplina ni Jehova (23-29)

  • 29

    • Kaawa-awa ang Ariel! (1-16)

      • Kinondena ang paglilingkod sa pamamagitan lang ng labi (13)

    • Makaririnig ang mga bingi; at makakakita ang mga bulag (17-24)

  • 30

    • Wala talagang maitutulong ang Ehipto (1-7)

    • Ayaw tanggapin ng mga tao ang mensahe ng mga propeta (8-14)

    • Lakas mula sa pagtitiwala (15-17)

    • Nagpakita ng awa si Jehova sa bayan niya (18-26)

      • Si Jehova ang Dakilang Tagapagturo (20)

      • “Ito ang daan” (21)

    • Maglalapat ng hatol si Jehova sa Asirya (27-33)

  • 31

    • Ang Diyos ang talagang makatutulong, hindi ang mga tao (1-9)

      • Ang mga kabayo ng Ehipto ay laman (3)

  • 32

    • Isang hari at mga prinsipe ang mamamahala para sa tunay na katarungan (1-8)

    • Babala sa mga babaeng kampante (9-14)

    • Mga pagpapala kapag ibinuhos ang espiritu (15-20)

  • 33

    • Hatol at pag-asa para sa mga matuwid (1-24)

      • Si Jehova ang Hukom, Tagapagbigay-Batas, at Hari (22)

      • Walang magsasabi: “May sakit ako” (24)

  • 34

    • Ang paghihiganti ni Jehova sa mga bansa (1-4)

    • Magiging tiwangwang ang Edom (5-17)

  • 35

    • Ibinalik ang paraiso (1-7)

      • Makakakita ang bulag; makaririnig ang bingi (5)

    • Daan ng Kabanalan para sa mga tinubos (8-10)

  • 36

    • Sinalakay ni Senakerib ang Juda (1-3)

    • Tinuya ng Rabsases si Jehova (4-22)

  • 37

    • Humingi ng tulong si Hezekias kay Jehova sa pamamagitan ni Isaias (1-7)

    • Pinagbantaan ni Senakerib ang Jerusalem (8-13)

    • Panalangin ni Hezekias (14-20)

    • Sinabi ni Isaias ang sagot ng Diyos (21-35)

    • Pumatay ng 185,000 Asiryano ang isang anghel (36-38)

  • 38

    • Nagkasakit si Hezekias at gumaling (1-22)

      • Awit ng pasasalamat (10-20)

  • 39

    • Mga mensahero mula sa Babilonya (1-8)

  • 40

    • Kaaliwan para sa bayan ng Diyos (1-11)

      • Isang tinig sa ilang (3-5)

    • Kadakilaan ng Diyos (12-31)

      • Ang mga bansa ay gaya ng isang patak mula sa timba (15)

      • Ang Diyos ay nakatira sa ibabaw ng “bilog na lupa” (22)

      • Ang lahat ng bituin ay tinatawag sa pangalan (26)

      • Hindi napapagod ang Diyos (28)

      • Ang mga umaasa kay Jehova ay muling lalakas (29-31)

  • 41

    • Mananakop mula sa sikatan ng araw (1-7)

    • Pinili ang Israel bilang lingkod ng Diyos (8-20)

      • ‘Si Abraham na kaibigan ko’ (8)

    • Hinamon ang ibang mga diyos (21-29)

  • 42

    • Ang lingkod ng Diyos at ang misyon niya (1-9)

      • ‘Jehova ang pangalan ko’ (8)

    • Bagong awit ng papuri kay Jehova (10-17)

    • Bulag at bingi ang Israel (18-25)

  • 43

    • Muling tinipon ni Jehova ang bayan niya (1-7)

    • Paglilitis sa mga diyos (8-13)

      • “Kayo ang mga saksi ko” (10, 12)

    • Paglaya mula sa Babilonya (14-21)

    • “Iharap natin ang kaso natin laban sa isa’t isa” (22-28)

  • 44

    • Mga pagpapala sa piniling bayan ng Diyos (1-5)

    • Walang ibang Diyos bukod kay Jehova (6-8)

    • Kahangalan ang paggawa ng mga idolo (9-20)

    • Si Jehova, ang Manunubos ng Israel (21-23)

    • Pagsasauli sa pamamagitan ni Ciro (24-28)

  • 45

    • Pinili si Ciro para talunin ang Babilonya (1-8)

    • Hindi kayang labanan ng luwad ang Magpapalayok (9-13)

    • Kikilalanin ng ibang bansa ang Israel (14-17)

    • Mapagkakatiwalaan ang Diyos sa paglalang at pagsisiwalat (18-25)

      • Nilalang ng Diyos ang lupa para tirhan (18)

  • 46

    • Mga idolo ng Babilonya laban sa Diyos ng Israel (1-13)

      • Sinasabi ni Jehova ang mangyayari sa hinaharap (10)

      • Isang ibong maninila mula sa sikatan ng araw (11)

  • 47

    • Pagbagsak ng Babilonya (1-15)

      • Mabubunyag na walang silbi ang mga astrologo (13-15)

  • 48

    • Sinaway at dinalisay ang Israel (1-11)

    • Kikilos si Jehova laban sa Babilonya (12-16a)

    • Kapaki-pakinabang ang turo ng Diyos (16b-19)

    • “Lumabas kayo mula sa Babilonya!” (20-22)

  • 49

    • Atas ng lingkod ni Jehova (1-12)

      • Liwanag ng mga bansa (6)

    • Kaaliwan para sa Israel (13-26)

  • 50

    • Nagbunga ng mga problema ang pagkakasala ng Israel (1-3)

    • Ang masunuring lingkod ni Jehova (4-11)

      • Dila at tainga ng mga naturuan (4)

  • 51

    • Ang Sion ay ginawang gaya ng hardin ng Eden (1-8)

    • Kaaliwan mula sa makapangyarihang Maylikha ng Sion (9-16)

    • Kopa ng galit ni Jehova (17-23)

  • 52

    • Gumising ka, O Sion! (1-12)

      • Magagandang paa ng mga nagdadala ng mabuting balita (7)

      • Sabay-sabay na humiyaw ang mga bantay ng Sion (8)

      • Dapat na malinis ang mga nagdadala ng kagamitan ni Jehova (11)

    • Luluwalhatiin ang lingkod ni Jehova (13-15)

      • Nasirang hitsura (14)

  • 53

    • Pagdurusa, kamatayan, at libing ng lingkod ni Jehova (1-12)

      • Hinamak at iniwasan (3)

      • Nagdala ng aming mga sakit at kirot (4)

      • ‘Dinala sa katayan gaya ng isang tupa’ (7)

      • Dinala niya ang kasalanan ng marami (12)

  • 54

    • Magkakaroon ng maraming anak ang baog na Sion (1-17)

      • Si Jehova ang asawa ng Sion (5)

      • Tuturuan ni Jehova ang mga anak ng Sion (13)

      • Mabibigo ang mga sandata laban sa Sion (17)

  • 55

    • Paanyayang kumain at uminom nang walang bayad (1-5)

    • Hanapin si Jehova at ang mapagkakatiwalaan niyang salita (6-13)

      • Mas mataas ang pamamaraan ng Diyos kaysa sa pamamaraan ng tao (8, 9)

      • Siguradong magtatagumpay ang salita ng Diyos (10, 11)

  • 56

    • Mga pagpapala sa mga dayuhan at bating (1-8)

      • Bahay-panalanginan para sa lahat (7)

    • Bulag na mga bantay, mga asong pipi (9-12)

  • 57

    • Namamatay ang matuwid at ang tapat (1, 2)

    • Inilantad ang espirituwal na prostitusyon ng Israel (3-13)

    • Kaaliwan para sa mga hamak (14-21)

      • Ang masasama ay gaya ng maligalig na dagat (20)

      • Walang kapayapaan para sa masasama (21)

  • 58

    • Tunay at pakitang-taong pag-aayuno (1-12)

    • Nalulugod sa pangingilin ng Sabbath (13, 14)

  • 59

    • Nahiwalay sa Diyos ang Israel dahil sa mga kasalanan nila (1-8)

    • Pagtatapat ng mga kasalanan (9-15a)

    • Namagitan si Jehova para sa mga nagsisisi (15b-21)

  • 60

    • Sumisikat sa Sion ang kaluwalhatian ni Jehova (1-22)

      • Parang mga kalapati na papunta sa bahay nila (8)

      • Ginto sa halip na tanso (17)

      • Ang munti ay magiging isang libo (22)

  • 61

    • Inatasang maghayag ng mabuting balita (1-11)

      • “Taon ng kabutihang-loob ni Jehova” (2)

      • “Malalaking puno ng katuwiran” (3)

      • Tutulong ang mga dayuhan (5)

      • “Mga saserdote ni Jehova” (6)

  • 62

    • Bagong pangalan ng Sion (1-12)

  • 63

    • Paghihiganti ni Jehova sa mga bansa (1-6)

    • Tapat na pag-ibig ni Jehova sa lumipas na panahon (7-14)

    • Panalangin ng pagsisisi (15-19)

  • 64

    • Pagpapatuloy ng panalangin ng pagsisisi (1-12)

      • Si Jehova ang “aming Magpapalayok” (8)

  • 65

    • Hatol ni Jehova sa mga sumasamba sa idolo (1-16)

      • Mga diyos ng Suwerte at Tadhana (11)

      • “Ang mga lingkod ko ay kakain” (13)

    • Bagong langit at bagong lupa (17-25)

      • Magtatayo ng mga bahay; magtatanim ng ubas (21)

      • Walang magpapagod nang walang saysay (23)

  • 66

    • Tunay at huwad na pagsamba (1-6)

    • Inang Sion at ang mga anak niya (7-17)

    • Tinipon ang mga tao para sumamba sa Jerusalem (18-24)