Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

Nilalaman ng Roma

  • A. INTRODUKSIYON (1:1-15)

    • Pagbati ni Pablo; ang pagiging apostol niya (1:1-7)

    • Gusto ni Pablo na makasama ang mga kapananampalataya niya sa Roma (1:8-15)

  • B. NAGIGING MATUWID ANG ISA DAHIL SA WALANG-KAPANTAY NA KABAITAN NG DIYOS AT PANANAMPALATAYA KAY JESU-KRISTO (1:16–11:36)

    • 1. Mahalaga ang pananampalataya para maligtas (1:16, 17)

      • “Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kaniyang pananampalataya” (1:16, 17)

    • 2. Galít ang Diyos sa lahat ng di-makadiyos at masama (1:18-32)

      • Walang maidadahilan ang mga tao para hindi nila luwalhatiin ang Diyos na Maylalang (1:18-23)

      • Pinabayaan ng Diyos ang di-makadiyos na mga tao na gumawa ng karumihan (1:24-27)

      • Ang masasamang resulta ng hindi pagkilala sa Diyos (1:28-32)

    • 3. Hatol ng Diyos sa mga Judio at Griego (2:1-16)

      • Babala laban sa paghatol sa iba; hindi nagtatangi ang Diyos at hahatulan niya ang lahat (2:1-11)

      • Ang mga nasa ilalim ng kautusan pero masuwayin ay hahatulan ayon sa kautusan (2:12, 13)

      • Ang mga tao ng ibang mga bansa ay may kautusan sa loob nila, ang konsensiya (2:14-16)

    • 4. Ang mga Judio at ang Kautusan (2:17–3:8)

      • Ang isa na nag-aangking sumusunod sa Kautusan pero lumalabag naman dito ay lumalapastangan sa Diyos (2:17-24)

      • Ang tunay na pagtutuli ay sa loob; ang tunay na Judio ay may pusong tuli (2:25-29)

      • Ipinagkatiwala sa mga Judio ang salita ng Diyos (3:1, 2)

      • “Mapatunayan nawang tapat ang Diyos, kahit pa magsinungaling ang lahat ng tao” (3:3-8)

    • 5. Naipakita ng Diyos ang katuwiran niya hindi sa pamamagitan ng kautusan (3:9-31)

      • Ang lahat ng tao, mga Judio at Gentil, ay nasa ilalim ng kasalanan (3:9-18)

      • Walang maipahahayag na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan (3:19, 20)

      • Lahat ng taong nananampalataya kay Kristo ay tatanggap ng walang-bayad na regalo—ipahahayag silang matuwid (3:21-28)

      • Ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga Judio, kundi ng mga tao ng lahat ng bansa (3:29-31)

    • 6. Ipinahayag na matuwid si Abraham dahil sa pananampalataya bago pa maibigay ang Kautusan (4:1-25)

      • Dahil sa pananampalataya ni Abraham, itinuring siyang matuwid kahit hindi pa siya tuli (4:1-12)

      • Tinanggap ni Abraham ang pangako sa pamamagitan ng pagiging matuwid dahil sa pananampalataya (4:13-15)

      • Tiyak ang katuparan ng pangako sa lahat ng may pananampalatayang gaya ng kay Abraham (4:16-25)

    • 7. Pakikipagkasundo sa Diyos; kamatayan dahil kay Adan, buhay dahil kay Kristo (5:1-21)

      • Ang mga ipinahayag na matuwid dahil sa pananampalataya ay nagiging maligaya at nagkakaroon ng pag-asa at mapayapang kaugnayan sa Diyos (5:1-5)

      • Ang mga dating makasalanan at kaaway ng Diyos ay naipagkasundo sa kaniya (5:6-11)

      • Dahil sa pagkakasala ni Adan, lumaganap ang kamatayan sa lahat at namahala bilang hari (5:12-14)

      • Dahil sa regalo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo, naipahayag na matuwid ang maraming tao (5:15-17)

      • Naghari ang walang-kapantay na kabaitan kapalit ng paghahari ng kasalanan (5:18-21)

    • 8. Bagong buhay sa pamamagitan ng bautismo kay Kristo (6:1-23)

      • Ang mga binautismuhan kay Kristo ay binautismuhan sa kaniyang kamatayan at may pag-asang mabuhay-muli na katulad ng sa kaniya (6:1-11)

      • Huwag hayaang maghari ang kasalanan sa inyong mga katawan (6:12-14)

      • Alipin ng Diyos mula sa pagiging alipin ng kasalanan (6:15-23)

    • 9. Natupad ang layunin ng Kautusan; isiniwalat ng kautusan na namamatay ang lahat ng tao dahil sa kasalanan (7:1-25)

      • Inilarawan ang paglaya mula sa Kautusan (7:1-6)

      • Nalaman kung ano ang kasalanan dahil sa Kautusan (7:7-12)

      • Pakikipaglaban sa kasalanan (7:13-25)

    • 10. Ang matuwid na katayuan ng mga kaisa ni Kristo (8:1-39)

      • Ang pamumuhay ayon sa espiritu ay nagpapalugod sa Diyos at umaakay sa buhay at kapayapaan (8:1-11)

      • Nagpapatotoo sa pag-aampon ang espiritu ng Diyos (8:12-17)

      • Hinihintay ng lahat ng tao ang pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos (8:18-21)

      • Dumaraing ang mga nilalang (8:22-25)

      • Ang espiritu ay nakikiusap sa Diyos para sa mga banal (8:26, 27)

      • Pinangyayari ng Diyos na magtulong-tulong ang lahat ng kaniyang gawa para sa mga umiibig sa kaniya (8:28-30)

      • “Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang lalaban sa atin?” (8:31-34)

      • Walang makapaghihiwalay sa mga matuwid sa pag-ibig ng Diyos (8:35-39)

    • 11. Ang kalooban ng Diyos bilang Kataas-taasan at ang likas na Israel (9:1-33)

      • Namimighati si Pablo dahil sa mga kamag-anak niya, ang mga Israelita (9:1-5)

      • Ang tunay na supling ni Abraham (9:6-13)

      • Hindi nakadepende ang pagpili ng Diyos sa kagustuhan o pagsisikap ng mga tao (9:14-18)

      • Hindi tamang kuwestiyunin ang pagpili ng Diyos, ang Magpapalayok (9:19-26)

      • Isang maliit na grupo lang ng likas na Israel ang maliligtas (9:27-29)

      • Natisod ang Israel dahil hindi sila nanampalataya (9:30-33)

    • 12. Kung paano magiging matuwid sa harap ng Diyos (10:1-21)

      • Si Kristo ang wakas ng Kautusan (10:1-4)

      • Katuwiran na resulta ng pananampalataya; hayagang pagsasabi ng mensahe para sa kaligtasan (10:5-10)

      • Kailangang tumawag ng mga Judio at Griego sa pangalan ni Jehova para maligtas (10:11-13)

      • Kailangang mangaral para ang iba ay makarinig, maniwala, at tumawag kay Jehova (10:14, 15)

      • Binigyan ng pagkakataon ang likas na Israel, pero hindi sila tumugon dahil sa kawalan ng pananampalataya (10:16-21)

    • 13. Inilarawan ang pagliligtas sa buong Israel sa pamamagitan ng ilustrasyon tungkol sa punong olibo (11:1-36)

      • Hindi buong likas na Israel ang itinakwil (11:1-16)

      • Dahil sa kawalan ng pananampalataya, ang ilang likas na sanga ng Israel ay pinutol at inihugpong ang “ligáw” na mga di-Israelita (11:17-24)

      • Isiniwalat ng sagradong lihim kung paano maliligtas ang buong espirituwal na Israel (11:25-32)

      • “Talagang kahanga-hanga ang saganang pagpapala, karunungan, at kaalaman ng Diyos!” (11:33-36)

  • C. MGA PAYO KUNG PAANO MAMUMUHAY ANG TUNAY NA MGA KRISTIYANO (12:1–15:13)

    • 1. Buong-pusong pagsamba sa Diyos at tamang pakikitungo sa mga kapananampalataya at sa iba (12:1-21)

      • Iharap ang inyong katawan bilang isang haing buháy at banal gamit ang inyong kakayahan sa pangangatuwiran (12:1, 2)

      • Ang mga Kristiyano ay may iba’t ibang kakayahan pero bahagi ng iisang katawan (12:3-8)

      • Mahalin at igalang ang mga kapananampalataya; maging masigasig, matiisin, at mapagpasakop habang naglilingkod kay Jehova (12:9-16)

      • “Patuloy na daigin ng mabuti ang masama” (12:17-21)

    • 2. Ang tunay na mga Kristiyano at ang gobyerno (13:1-7)

      • Magpasakop sa “nakatataas na mga awtoridad” na nagsisilbing lingkod ng Diyos (13:1-4)

      • Ibigay sa mga awtoridad ang nararapat sa kanila (13:5-7)

    • 3. Sundin ang kautusan ng pag-ibig at manatiling gising (13:8-14)

      • Huwag magkautang sa sinuman maliban sa pag-ibig; pag-ibig ang katuparan ng kautusan (13:8-10)

      • Kumilos nang disente gaya ng pagkilos ng mga tao kapag araw, at tularan si Jesus (13:11-14)

    • 4. Itaguyod ang pagkakaisa; ang Kaharian ng Diyos ay magdudulot ng katuwiran, kapayapaan, at kagalakan (14:1–15:13)

      • Huwag hatulan ang isa’t isa (14:1-12)

      • Huwag maging katitisuran sa iba (14:13-18)

      • Itaguyod ang kapayapaan at patibayin ang isa’t isa (14:19-23)

      • Tularan si Kristo, na hindi nagpalugod sa sarili (15:1-6)

      • “Malugod ninyong tanggapin ang isa’t isa”; luluwalhatiin ng mga bansa ang Diyos (15:7-13)

  • D. INALALA NI PABLO ANG MINISTERYO NIYA AT TUMINGIN SA HINAHARAP (15:14-29)

    • Nakibahagi si Pablo sa banal na gawain ng paghahayag ng mabuting balita ng Diyos (15:14-16)

    • Inilahad ni Pablo ang mga nagawa na niya (15:17-21)

    • Napangaralan na ni Pablo ang lahat ng teritoryo kaya gusto na niyang magpunta sa Espanya pagkadaan sa Roma (15:22-24)

    • Nagpunta si Pablo sa Jerusalem dala ang mga kontribusyon mula sa Macedonia at Acaya (15:25-29)

  • E. MGA HULING PAYO AT PAGBATI (15:30–16:27)

    • Pinakiusapan ni Pablo ang mga Kristiyano sa Roma na ipanalangin siya (15:30-33)

    • Ipinakilala ni Pablo si Febe, na naglilingkod sa kongregasyon sa Cencrea (16:1, 2)

    • Espesipikong binati ni Pablo ang mga Kristiyano sa Roma (16:3-16)

    • Babala laban sa pagkakabaha-bahagi (16:17-19)

    • Malapit nang durugin ng Diyos si Satanas (16:20)

    • Mga pagbati mula sa mga kamanggagawa ni Pablo (16:21-24)

    • Ibigay sa Diyos, na tanging marunong, ang kaluwalhatian sa pamamagitan ni Jesu-Kristo (16:25-27)