Nehemias 10:1-39
10 Ito ang mga nagpatibay sa kasunduan sa pamamagitan ng kanilang tatak:+
Si Nehemias na gobernador,* na anak ni Hacalias;Kasama rin sina Zedekias,
2 Seraias, Azarias, Jeremias,
3 Pasur, Amarias, Malkias,
4 Hatus, Sebanias, Maluc,
5 Harim,+ Meremot, Obadias,
6 Daniel,+ Gineton, Baruc,
7 Mesulam, Abias, Mijamin,
8 Maazias, Bilgai, at Semaias; ito ang mga saserdote.
9 Kasama rin ang mga Levita: si Jesua na anak ni Azanias, si Binui na mula sa mga anak ni Henadad, si Kadmiel,+
10 at ang kanilang mga kapatid na sina Sebanias, Hodias, Kelita, Pelaias, Hanan,
11 Mica, Rehob, Hasabias,
12 Zacur, Serebias,+ Sebanias,
13 Hodias, Bani, at Beninu.
14 Ang mga pinuno ng bayan: sina Paros, Pahat-moab,+ Elam, Zatu, Bani,
15 Bunni, Azgad, Bebai,
16 Adonias, Bigvai, Adin,
17 Ater, Hezekias, Azur,
18 Hodias, Hasum, Bezai,
19 Harip, Anatot, Nebai,
20 Magpias, Mesulam, Hezir,
21 Mesezabel, Zadok, Jadua,
22 Pelatias, Hanan, Anaias,
23 Hosea, Hananias, Hasub,
24 Halohes, Pilha, Sobek,
25 Rehum, Hasabna, Maaseias,
26 Ahias, Hanan, Anan,
27 Maluc, Harim, at Baanah.
28 Ang lahat ng iba pa sa bayan—ang mga saserdote, mga Levita, mga bantay ng pintuang-daan, mga mang-aawit, mga lingkod sa templo,* at ang lahat ng humiwalay sa mga bayan sa lupain para sundin ang Kautusan ng tunay na Diyos,+ kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ang lahat ng may kaalaman at unawa*—
29 ay sumama sa kanilang mga kapatid, na mga prominenteng tao, at gumawa ng isang panata na puwedeng magdala ng sumpa sa kanila kung hindi nila tutuparin ang Kautusan ng tunay na Diyos, na ibinigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos, at kung hindi nila susunding mabuti ang lahat ng batas, kahatulan, at patakaran ni Jehova na aming Panginoon.
30 Hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan sa lupain, at hindi namin kukunin ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalaki.+
31 Kung ang mga bayan sa lupain ay magdadala ng paninda at iba’t ibang uri ng butil para ipagbili sa araw ng Sabbath, hindi kami bibili ng anuman mula sa kanila kapag Sabbath+ o sa iba pang banal na araw.+ Sa ikapitong taon, hindi kami magsasaka+ at hindi na namin sisingilin ang lahat ng utang sa amin.+
32 Nanata rin ang bawat isa sa amin na magbibigay kami ng sangkatlo ng isang siklo* taon-taon bilang suporta sa paglilingkod sa bahay* ng aming Diyos,+
33 para sa magkakapatong na tinapay,*+ sa araw-araw na paghahain ng handog na mga butil,*+ sa handog na sinusunog tuwing Sabbath+ at bagong buwan,+ at para sa mga nakatakdang kapistahan,+ sa mga banal na bagay, sa mga handog para sa kasalanan+ bilang pambayad-sala ng Israel, at para sa lahat ng gawain sa bahay ng aming Diyos.
34 Nagpalabunutan din kami para pagpasiyahan kung kailan magdadala ng kahoy para sa bahay ng aming Diyos ang bawat angkan ng mga saserdote, Levita, at iba pa sa bayan taon-taon. Ang kahoy ay susunugin sa altar ni Jehova na aming Diyos, ayon sa nakasulat sa Kautusan.+
35 Dadalhin din namin sa bahay ni Jehova ang mga unang hinog na bunga ng aming lupain at ang mga unang hinog na bunga ng bawat uri ng puno taon-taon,+
36 pati na ang panganay sa aming mga anak at alagang hayop+—ayon sa nakasulat sa Kautusan—at ang panganay sa aming mga bakahan at kawan. Dadalhin namin ang mga iyon sa bahay ng aming Diyos, sa mga saserdote na naglilingkod sa bahay ng aming Diyos.+
37 Gayundin, ang aming magaspang na harina mula sa mga unang bunga,+ ang aming mga abuloy, bunga ng bawat uri ng puno,+ bagong alak, at langis+ ay dadalhin namin sa mga saserdote, sa mga silid-imbakan* sa bahay ng aming Diyos.+ At dadalhin namin sa mga Levita ang ikasampu* mula sa aming lupain,+ dahil ang mga Levita ang nangongolekta ng ikasampu mula sa lahat ng lunsod namin na may sakahan.
38 At ang saserdote, na anak ni Aaron, ay sasama sa mga Levita kapag kinokolekta ng mga Levita ang ikasampu; at ang mga Levita naman ay maghahandog ng ikasampu ng ikasampu sa bahay ng aming Diyos,+ sa mga silid* sa imbakan.
39 Dadalhin ng mga Israelita at ng mga Levita ang abuloy na butil, bagong alak, at langis+ sa mga silid-imbakan*+ na pinaglalagyan ng mga kagamitan ng templo at kung saan tumutuloy ang naglilingkod na mga saserdote, ang mga bantay ng pintuang-daan, at ang mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.+
Talababa
^ O “Tirsata,” titulong Persiano para sa gobernador ng isang distrito.
^ O “mga Netineo.” Lit., “mga ibinigay.”
^ O posibleng “lahat ng kaya nang umunawa.”
^ O “templo.”
^ O “handog na pagkain.”
^ Tinapay na pantanghal.
^ O “ikapu.”
^ O “silid-kainan.”
^ O “silid-kainan.”
^ O “silid-kainan.”