Mikas 2:1-13

2  “Kaawa-awa ang mga may masamang balak,Na nagpaplano ng kasamaan habang nasa kanilang higaan! Sa pagsikat ng araw ay ginagawa nila iyon,Dahil kayang-kaya nilang gawin iyon.+  2  Kapag gusto nila ang isang bukid, inaagaw nila iyon,+Kapag nagustuhan nila ang isang bahay, kinukuha nila iyon;Nandaraya sila para makuha ang bahay ng isang tao,+At makuha ang mana nito.  3  Kaya ito ang sinabi ni Jehova: ‘May inihahanda akong kapahamakan laban sa inyo+ na hindi ninyo matatakasan.*+ Hindi na kayo lalakad nang may kayabangan,+ dahil panahon iyon ng kapahamakan.+  4  Sa araw na iyon, ang mga tao ay bibigkas ng isang kasabihan tungkol sa inyo,At magdadalamhati sila nang husto dahil sa inyo.+ Sasabihin nila: “Lubusan kaming nawasak!+ Kinuha niya ang parte ng aming bayan at ibinigay sa iba!+ Sa di-tapat ay ibinigay niya ang aming mga bukid.”  5  Kaya walang sinuman sa kongregasyon ni Jehova ang mag-uunat ng taliPara sukatin ang lupaing pinaghati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan.  6  “Huwag kayong mangaral,” ang ipinangangaral nila,“Hindi nila dapat ipangaral ang mga bagay na ito;Hindi kami malalagay sa kahihiyan!”  7  O sambahayan ni Jacob, sinasabi ba ng mga tao: “Naubos na ba ang pasensiya ni Jehova? Siya ba ang gumawa ng mga ito?” Hindi ba ang mga salita ko ay para sa kabutihan ng mga namumuhay nang matuwid?  8  Pero nitong huli, ang sarili kong bayan ay naging isang kaaway. Harap-harapan ninyong kinukuha ang magandang palamuti kasama ng* damitMula sa mga taong dumadaan nang panatag, gaya ng mga umuuwi mula sa digmaan.  9  Pinalalayas ninyo ang mga babae ng aking bayan mula sa kanilang komportableng tirahan;Inalis ninyo ang aking kaluwalhatian mula sa kanilang mga anak magpakailanman. 10  Tumayo kayo at umalis, dahil hindi na kayo magiging panatag dito. Dahil sa karumihan,+ dumating ang pagkapuksa, isang nakapipighating pagkapuksa.+ 11  Kapag ang isang tao ay sumusunod sa hangin at kabulaanan at nagsasabi ng kasinungalingang ito: “Pangangaralan ko kayo tungkol sa alak at inuming nakalalasing,” Siya ang mángangarál na nababagay sa bayang ito!+ 12  Tiyak na titipunin ko kayong lahat, O Jacob;Talagang pagsasama-samahin ko ang mga natira sa Israel.+ Pagkakaisahin ko sila, gaya ng mga tupa sa kulungan,Gaya ng isang kawan sa pastulan nito;+Magiging maingay ito dahil sa mga tao.’+ 13  Ang magbubukas ng daan ay mauuna sa kanila;Makalalaya sila at dadaan sa pintuang-daan at lalabas mula roon.+ Ang hari nila ay mauuna sa kanila,At si Jehova ang mangunguna sa kanila.”+

Talababa

Lit., “na mula rito ay hindi ninyo maiaalis ang leeg ninyo.”
O posibleng “mula sa.”

Study Notes

Media