Mga Kawikaan 6:1-35

6  Anak ko, kung ginarantiyahan mo ang kapuwa mo,*+Kung nakipagkamay* ka sa isang estranghero,+  2  Kung nabitag ka ng sarili mong pangakoAt nasilo ng pananalita ng iyong bibig,+  3  Gawin mo ito, anak ko, para makalaya ka,Dahil nahulog ka sa kamay ng iyong kapuwa: Magpakumbaba ka at magmakaawa agad sa iyong kapuwa.+  4  Huwag mong ipikit ang mga mata mo para matulog,At huwag mong hayaang sumara ang mga talukap nito.  5  Iligtas mo ang sarili mo na gaya ng gasela* sa kamay ng mangangasoAt gaya ng isang ibon sa kamay ng manghuhuli ng ibon.  6  Matuto ka sa langgam, ikaw na tamad;+Tingnan mong mabuti ang ginagawa nito at magiging marunong ka.  7  Kahit wala itong kumandante, opisyal, o tagapamahala,  8  Nag-iimbak ito ng pagkain kapag tag-araw,+At nagtitipon ito ng pagkain sa panahon ng pag-aani.  9  Ikaw na tamad, hanggang kailan ka hihiga riyan? Kailan ka babangon mula sa pagtulog? 10  Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,Kaunti pang paghahalukipkip para magpahinga,+ 11  At biglang darating sa iyo ang kahirapan na parang magnanakaw,At ang kakapusan na parang armadong lalaki.+ 12  Di-tapat ang pananalita ng isang taong walang kabuluhan at masama;+ 13  Kumikindat siya,+ sumesenyas gamit ang paa, at ipinantuturo ang mga daliri niya. 14  Masama ang puso niya,Kaya lagi siyang nagpapakana ng masama+ at naghahasik ng pagtatalo.+ 15  Kaya bigla na lang siyang mapapahamak;Sa isang iglap, mapipinsala siya at hindi na gagaling.+ 16  May anim na bagay na kinapopootan si Jehova;Oo, pitong bagay na kasuklam-suklam sa kaniya: 17  Mapagmataas na mga mata,+ sinungaling na dila,+ at mga kamay na pumapatay ng inosente,+ 18  Pusong nagpapakana ng nakapipinsala,+ at mga paang nagmamadali sa paggawa ng masama, 19  Isang testigo na laging nagsisinungaling,+At sinumang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.+ 20  Anak ko, sundin mo ang utos ng iyong ama,At huwag mong kalimutan ang tagubilin* ng iyong ina.+ 21  Lagi mong isapuso ang mga iyon;Itali mo ang mga iyon sa leeg mo. 22  Kapag lumalakad ka, papatnubayan ka nito;Kapag nakahiga ka, babantayan ka nito;At kapag gisíng ka na, tuturuan* ka nito. 23  Dahil ang utos ay isang lampara,+At ang kautusan ay liwanag,+At ang pagsaway at disiplina ay daan ng buhay.+ 24  Iingatan ka ng mga ito mula sa masamang babae,+Mula sa mapang-akit na pananalita ng imoral na* babae.+ 25  Huwag mong nasain sa iyong puso ang kagandahan niya,+At huwag kang magpabihag sa mapang-akit niyang mata, 26  Dahil tinapay lang ang natitira sa isang lalaki kapag sumiping siya sa isang babaeng bayaran,+Pero mahalagang buhay ang nawawala kapag sumiping siya sa asawa ng ibang lalaki. 27  Makapaglalagay ba ng apoy ang isang tao sa dibdib niya nang hindi nasusunog ang damit niya?+ 28  O makalalakad ba ang isang tao sa ibabaw ng mga baga nang hindi napapaso ang mga paa niya? 29  Ganiyan din ang sinumang nakikipagtalik sa asawa ng kapuwa niya;Tiyak na mapaparusahan ang sinumang sumisiping dito.*+ 30  Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakawKapag nagnakaw siya para masapatan ang gutom niya. 31  Pero kapag nahuli siya, ibabalik niya ito nang pitong ulit;Ibibigay niya ang lahat ng mahahalagang gamit sa bahay niya.+ 32  Ang nangangalunya sa isang babae ay kulang sa unawa;*Ang gumagawa nito ay nagpapahamak sa sarili niya.+ 33  Kirot* at kasiraang-puri lang ang mapapala niya,+At hindi mabubura ang kahihiyan niya.+ 34  Dahil nagpapagalit sa asawang lalaki ang selos;Hindi siya magpapakita ng awa kapag naghiganti siya.+ 35  Hindi siya tatanggap ng bayad;*Hindi mapahuhupa ang galit niya gaano man kalaki ang regalo mo.

Talababa

Nakipagkamay para sa isang kasunduan.
O “kung nanagot ka para sa kapuwa mo.”
Isang hayop na parang usa.
O “kautusan.”
O “kakausapin.”
Lit., “banyagang.” Tingnan ang Kaw 2:16.
Lit., “humihipo rito.”
Lit., “kapos ang puso.”
O “Sugat.”
O “pantubos.”

Study Notes

Media