Job 35:1-16

35  Patuloy na sumagot si Elihu:  2  “Talaga bang kumbinsido kang tama ka kaya sinasabi mo,‘Mas matuwid ako sa Diyos’?+  3  Sinasabi mo, ‘Ano ang silbi nito sa iyo?* Mas napabuti pa ba ako dahil hindi ako nagkasala?’+  4  Sasagot ako sa iyoAt sa mga kasamahan+ mo.  5  Tumingala ka sa langit at tingnan mo,Masdan mo ang mga ulap,+ na mas matataas kaysa sa iyo.  6  Kapag nagkakasala ka, napipinsala mo ba siya?+ Kapag dumarami ang pagsuway mo, ano ang nagagawa mo sa kaniya?+  7  Kung matuwid ka, ano ang naibibigay mo sa kaniya;Ano ang natatanggap niya mula sa iyo?+  8  Ang kasamaan mo ay nakaaapekto lang sa taong gaya mo,At ang pagiging matuwid mo ay nakaaapekto lang sa isang anak ng tao.  9  Dumaraing ang mga tao kapag inaapi sila;Humihingi sila ng tulong dahil sa panggigipit* ng mga makapangyarihan.+ 10  Pero walang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos, na aking Dakilang Maylikha,+Ang dahilan kung bakit umaawit ang mga tao sa gabi?’+ 11  Mas tinuturuan niya tayo+ kaysa sa mga hayop sa lupa,+At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga ibon sa langit. 12  Dumaraing ang mga tao, pero hindi siya sumasagot,+Dahil sa pagmamataas ng masasama.+ 13  Tiyak na hindi pinakikinggan ng Diyos ang walang-saysay na pag-iyak;*+Hindi iyon pinapansin ng Makapangyarihan-sa-Lahat. 14  Gaano pa kaya kung nagrereklamo kang hindi ka niya pinapansin!+ Naiharap na sa kaniya ang kaso mo, kaya dapat mo siyang hintayin.+ 15  Dahil hindi nagalit ang Diyos, at hindi ka niya pinarusahan;Masyado kang naging padalos-dalos, pero hindi niya iyon binigyang-pansin.+ 16  Walang saysay ang lumalabas sa bibig ni Job;Salita siya nang salita pero hindi niya naiintindihan ang sinasabi niya.”+

Talababa

Malamang na tumutukoy sa Diyos.
Lit., “bisig.”
O “ang isang kasinungalingan.”

Study Notes

Media