Job 28:1-28

28  “May minahan ng pilakAt ng ginto na dinadalisay;+  2  Ang bakal ay kinukuha sa lupa,At ang tanso ay kinukuha* mula sa mga bato.+  3  Dinaraig* ng tao ang dilim;Pinupuntahan niya maging ang pinakamadilim na lugarPara maghanap ng mina.*  4  Humuhukay siya ng madadaanan, malayo sa tinitirhan ng tao,Sa mga lugar na nalimutan na, malayo sa nilalakaran ng tao;May mga bumababa gamit ang lubid at nagtatrabaho nang nakabitin.  5  Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang pinagmumulan ng pagkain;Pero ang ilalim ay wasak, na para bang dinaanan ng apoy.*  6  Sa mga bato ay may safiro,At sa alabok ay may ginto.  7  Hindi alam ng mga ibong maninila ang daang papunta rito;Hindi pa ito nakikita ng mata ng itim na lawin.  8  Hindi pa ito nalalakaran ng mababangis na hayop;Hindi pa ito napupuntahan ng malakas na leon.  9  Dinudurog ng tao ang matigas na bato;*Pinababagsak niya ang mga bundok mula sa pundasyon nito. 10  Gumagawa siya ng lagusan ng tubig+ sa bato;Walang mahalagang bagay na nakakalampas sa mata niya. 11  Hinaharangan niya ang mga pinagmumulan ng ilogAt dinadala sa liwanag ang nakatagong mga bagay. 12  Pero ang karunungan—saan ito makikita,+At nasaan ang pinagmumulan ng unawa?+ 13  Hindi nakikita ng tao ang halaga nito,+At hindi ito makikita saanman sa mundo.* 14  Sinasabi ng malalim na katubigan, ‘Wala iyon sa akin!’ At sinasabi ng dagat, ‘Wala iyon sa akin!’+ 15  Hindi ito mabibili ng purong ginto,At hindi rin ito matutumbasan ng pilak.+ 16  Hindi ito mabibili ng ginto ng Opir+O ng mamahaling onix at safiro. 17  Hindi maikukumpara dito ang ginto at salamin,At hindi ito kayang palitan ng lalagyang yari sa purong* ginto.+ 18  Wala sa kalingkingan nito ang korales at kristal,+Dahil ang isang supot ng karunungan ay nakahihigit sa isang supot ng perlas. 19  Hindi ito matatapatan ng topacio+ ng Cus;Hindi ito mabibili kahit ng purong ginto. 20  Pero saan ba nanggagaling ang karunungan,At nasaan ang pinagmumulan ng unawa?+ 21  Itinago ito sa paningin ng lahat ng may buhay+At sa mga ibon sa langit. 22  Sinasabi ng pagkapuksa at kamatayan,‘Bali-balita lang tungkol doon ang narinig namin.’ 23  Alam ng Diyos kung paano ito hanapin;Siya lang ang nakaaalam kung nasaan ito,+ 24  Dahil tumitingin siya hanggang sa pinakadulo ng lupa,At nakikita niya ang lahat ng nasa ilalim ng langit.+ 25  Nang bigyan niya ng lakas* ang hangin+At timbangin ang lahat ng tubig,+ 26  Nang magtakda siya ng tuntunin para sa ulan+At ng dadaanan ng ulap na may dalang bagyo at kulog,+ 27  Nakita niya ang karunungan at ipinaliwanag ito;Siya ang nagpasimula ng karunungan, at sinubok niya ito. 28  At sinabi niya sa tao: ‘Tingnan mo! Ang pagkatakot kay Jehova—iyan ang karunungan,+At ang paglayo sa kasamaan—iyan ang unawa.’”+

Talababa

O “tinutunaw.” Lit., “ibinubuhos.”
O “Pinagliliwanag.”
Lit., “bato.”
Malamang na tumutukoy sa nangyayari kapag nagmimina.
O “ang batong pingkian.”
Lit., “sa lupain ng mga buháy.”
O “dinalisay na.”
Lit., “bigat.”

Study Notes

Media