Job 21:1-34
21 Sumagot si Job:
2 “Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko;Ito na lang ang hihilingin ko sa inyo.
3 Magtiis muna kayo habang nagsasalita ako;Pagkatapos, puwede na ninyo akong tuyain.+
4 Sa tao ba ako nagrereklamo?
Kung oo, nainip na sana ako!
5 Tumingin kayo sa akin at mamangha;Takpan ninyo ng kamay ang bibig ninyo.
6 Kapag iniisip ko ito, nababagabag ako,At nanginginig ang buong katawan ko.
7 Bakit patuloy na nabubuhay ang masama,+Tumatanda, at yumayaman?*+
8 Lagi nilang kasama ang mga anak nila,At inaabutan pa nila ang mga apo nila.
9 Ligtas ang mga bahay nila, malaya sila sa takot,+At hindi sila pinaparusahan ng Diyos gamit ang pamalo niya.
10 Tuloy-tuloy ang pagdami ng toro nila;Nanganganak ang mga baka nila at hindi nakukunan.
11 Nagtatakbuhan sa labas ang mga anak nilang lalaki gaya ng isang kawan,At palukso-lukso ang mga anak nila.
12 Kumakanta sila sa saliw ng tamburin at alpa,At nasisiyahan sila sa tunog ng plawta.*+
13 Kontento sila sa buong buhay nila,At bumababa sila sa Libingan* nang payapa.*
14 Pero sinasabi nila sa tunay na Diyos, ‘Huwag mo kaming pakialaman!
Ayaw naming alamin ang mga daan mo.+
15 Sino ba ang Makapangyarihan-sa-Lahat para maglingkod kami sa kaniya?+
Ano ang mapapala namin kung makikilala namin siya?’+
16 Pero alam kong hindi nila kontrolado ang kasaganaan nila.+
Malayo sa kaisipan* ng masama ang kaisipan ko.+
17 Gaano ba kadalas patayin ang lampara ng masasama?+
Gaano ba sila kadalas dumanas ng kapahamakan?
Gaano ba kadalas puksain ng Diyos ang masasama dahil sa galit niya?
18 Nagiging gaya ba sila ng dayami na nililipad ng hanginAt ng ipa na tinatangay ng bagyo?
19 Ang parusa sa isang tao ay ipapataw ng Diyos sa mga anak niya.
Pero pagbayarin din sana siya para maramdaman niya ang galit ng Diyos.+
20 Makita sana ng sarili niyang mga mata ang pagbagsak niyaAt siya mismo ang uminom ng pagngangalit ng Makapangyarihan-sa-Lahat.+
21 Dahil maiisip pa ba niya ang mangyayari sa sambahayan niya kapag wala na siya,Kapag pinaikli ang buhay niya?*+
22 May makapagtuturo ba* sa Diyos,+Gayong Siya ang humahatol kahit sa mga nakatataas?+
23 May taong namamatay kahit napakalakas pa niya,+Habang panatag siya at malaya sa álalahanín,+
24 Habang nagtatabaan ang mga hita niyaAt malalakas ang mga buto niya.*
25 Pero mayroon namang namamatay habang labis na naghihirap,Na hindi man lang nakatikim ng mabubuting bagay.
26 Magkasama silang hihiga sa alabok,+At pareho silang kakainin ng mga uod.+
27 Alam na alam ko ang iniisip ninyoAt ang mga pakana ninyo laban* sa akin.+
28 Dahil sinasabi ninyo, ‘Nasaan ang bahay ng prominenteng tao,At nasaan ang tolda ng masama?’+
29 Hindi ba kayo nagtanong sa mga manlalakbay?
Hindi ba ninyo pinag-aralang mabuti ang mga obserbasyon* nila,
30 Na ang masama ay hindi namamatay sa araw ng kapahamakan,At inililigtas siya sa araw ng galit?
31 Sino ang sasaway sa kaniya nang mukhaan dahil sa landasin niya?At sino ang gaganti sa kaniya dahil sa mga ginawa niya?
32 Kapag dinala na siya sa libingan,May magbabantay sa puntod niya.
33 Hihimlay siyang payapa sa lupa,*+At susunod sa kaniya ang buong sangkatauhan,*+Gaya ng di-mabilang na nauna sa kaniya.
34 Kaya bakit pa ninyo ako inaaliw ng walang-saysay na mga salita?+
Puro panlilinlang ang mga sagot ninyo!”
Talababa
^ O “nagiging makapangyarihan?”
^ O “tipano.”
^ O “sa isang sandali,” ibig sabihin, mamamatay nang mabilis at hindi nahihirapan.
^ O “payo; pakana.”
^ O “Kapag hinati sa dalawa ang bilang ng mga buwan niya?”
^ O “May makapagtuturo ba ng kaalaman . . . ?”
^ O “At sariwa ang utak sa buto niya.”
^ O posibleng “pakana ninyo na maging marahas.”
^ Lit., “tanda.”
^ Lit., “Magiging matamis para sa kaniya ang lupa ng lambak.”
^ Lit., “At hihilahin niya ang buong sangkatauhan.”