Jeremias 49:1-39
49 Para sa mga Ammonita,+ ito ang sinabi ni Jehova:
“Wala bang mga anak ang Israel?
Wala ba siyang tagapagmana?
Bakit inagaw ni Malcam+ ang Gad?+
At bakit nakatira ang bayan niya sa mga lunsod ng Israel?”
2 “‘Kaya darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova,‘Na magpapatunog ako ng hudyat ng digmaan* laban sa Raba+ ng mga Ammonita.+
Siya ay magiging tiwangwang na kaguhuan,At ang katabing mga nayon niya* ay susunugin.’
‘At sasakupin ng Israel ang mga sumakop sa lupain niya,’+ ang sabi ni Jehova.
3 ‘Humagulgol ka, O Hesbon, dahil ang Ai ay winasak!
Humiyaw kayo, O katabing mga nayon ng Raba.
Magsuot kayo ng telang-sako.
Humagulgol kayo at magparoo’t parito sa gitna ng mga batong kural,*Dahil si Malcam ay ipatatapon,Kasama ang kaniyang mga saserdote at matataas na opisyal.+
4 Bakit mo ipinagyayabang ang mga lambak,*Ang mabunga* mong kapatagan, O anak na babaeng di-tapat,Na nagtitiwala sa mga kayamanan niyaAt nagsasabi: “Sino ang sasalakay sa akin?”’”
5 “‘Pasasapitin ko sa iyo ang isang nakapangingilabot na bagay,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,‘Mula sa lahat ng nasa palibot mo.
Pangangalatin kayo kung saan-saan,At walang magtitipon sa mga tumatakas.’”
6 “‘Pero pagkatapos nito, titipunin ko ang mga bihag na Ammonita,’ ang sabi ni Jehova.”
7 Para sa Edom, ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:
“Wala na bang karunungan sa Teman?+
Wala na bang mabuting payo ang mga may unawa?
Nabulok na ba ang karunungan nila?
8 Tumakas kayo! Umatras kayo!
Magtago kayo sa kalaliman, kayong mga taga-Dedan!+
Dahil magpapasapit ako ng kapahamakan sa EsauKapag panahon na para ibaling ko sa kaniya ang aking pansin.
9 Kung puntahan ka ng mga tagapitas ng ubas,Hindi ba magtitira sila?
Kung ang mga magnanakaw ay dumating sa gabi,Maninira lang sila hanggang sa masiyahan sila.+
10 Pero huhubaran ko ang Esau.
Ilalantad ko ang mga taguan niya,Para hindi siya makapagtago.
Ang kaniyang mga anak at mga kapatid at mga kapitbahay ay malilipol,+At siya ay mawawala na.+
11 Ipaubaya mo sa akin ang iyong mga batang walang ama,At iingatan ko silang buháy,At ang iyong mga biyuda ay magtitiwala sa akin.”
12 Dahil ito ang sinabi ni Jehova: “Kung ang mga hindi hinatulang uminom sa kopa ay iinom nito, ikaw ba ay hahayaang hindi napaparusahan? Hindi ka makaliligtas sa parusa, dahil iinumin mo iyon.”+
13 “Dahil ipinanunumpa ko ang sarili ko,” ang sabi ni Jehova, “na ang Bozra ay magiging isang bagay na nakapangingilabot,+ hinahamak, wasak, at isinumpa; at ang lahat ng lunsod niya ay magiging wasak magpakailanman.”+
14 May narinig akong ulat mula kay Jehova,Isang mensahero ang ipinadala sa mga bansa para sabihin:
“Magtipon kayo, at salakayin ninyo siya;Maghanda kayo sa pakikipaglaban.”+
15 “Dahil ginawa kitang mahina sa gitna ng mga bansa,Hinahamak ng mga tao.+
16 Dinaya ka ng pangangatog na idinulot mo,Ng kayabangan ng puso mo,Ikaw na protektado ng malalaking bato,Na nakatira sa pinakamataas na burol.
Kahit gumawa ka ng pugad sa mataas na lugar gaya ng agila,
Ibabagsak kita mula roon,” ang sabi ni Jehova.
17 “At ang Edom ay magiging isang bagay na nakapangingilabot.+ Ang lahat ng dumadaan sa kaniya ay mapapatitig at mangingilabot at mapapasipol dahil sa lahat ng salot na dumating sa kaniya.
18 Gaya noong mawasak ang Sodoma at ang Gomorra at ang kalapít na mga bayan nito,”+ ang sabi ni Jehova, “walang titira doon; wala nang maninirahan doon.+
19 “Sa ligtas na mga pastulan ay may sasalakay na parang leon+ mula sa makakapal na palumpong* sa kahabaan ng Jordan, pero bigla ko silang patatakasin mula sa lupain nila. At aatasan kong mamahala rito ang pinili ko. Dahil sino ang gaya ko, at sino ang hahamon sa akin? Sinong pastol ang makatatayo sa harap ko?+
20 Kaya pakinggan ninyo ang pasiya* ni Jehova laban sa Edom at ang iniisip niya laban sa mga nakatira sa Teman:+
Tiyak na kakaladkarin ang maliliit sa kawan.
Gagawin niyang tiwangwang ang tinitirhan nila dahil sa kanila.+
21 Sa ingay ng pagbagsak nila ay nayanig ang lupa.
May hiyawan!
Narinig ito hanggang sa Dagat na Pula.+
22 Gaya ng agila ay lilipad siya at mandaragit,+At ibubuka niya ang mga pakpak niya sa ibabaw ng Bozra.+
Sa araw na iyon, ang puso ng mga mandirigma ng EdomAy magiging gaya ng puso ng babaeng nanganganak.”
23 Para sa Damasco:+
“Ang Hamat+ at ang Arpad ay napahiya,Dahil may narinig silang masamang balita.
Natunaw ang puso nila sa takot.
Maligalig ang dagat at hindi ito mapakalma.
24 Ang Damasco ay nawalan ng lakas ng loob.
Tatakas na siya, pero nadaig siya ng takot.
Napuno siya ng paghihirap at kirotGaya ng babaeng nanganganak.
25 Bakit hindi pa iniiwan ang maluwalhating lunsod,Ang lunsod na punô ng pagsasaya?
26 Dahil ang kalalakihan niya ay mabubuwal sa mga liwasan* niya,At ang lahat ng sundalo ay mamamatay sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
27 “Sisilaban ko ang pader ng Damasco,At matutupok ang matitibay na tore ni Ben-hadad.”+
28 Para sa Kedar+ at sa mga kaharian ng Hazor, na pinabagsak ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, ito ang sinabi ni Jehova:
“Pumunta kayo sa Kedar,At puksain ninyo ang mga anak ng Silangan.
29 Ang mga tolda at kawan nila ay kukunin,Ang kanilang mga telang pantolda at ang lahat ng gamit nila.
Ang mga kamelyo nila ay tatangayin,At sisigaw sila sa kanila, ‘Nakakatakot sa buong palibot!’”
30 “Tumakas kayo! Lumayo kayo!
Magtago kayo sa kalaliman, kayong mga taga-Hazor,” ang sabi ni Jehova.
“Dahil si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ay may pakana laban sa inyo,At may plano siya laban sa inyo.”
31 “Salakayin ninyo ang bansang payapa,Na namumuhay nang panatag!” ang sabi ni Jehova.
“Wala itong mga pinto at halang; namumuhay sila nang nakabukod.
32 Ang mga kamelyo nila ay nanakawin,At ang marami nilang alagang hayop ay sasamsamin.
Pangangalatin ko sila sa lahat ng direksiyon,*Sila na ang mga buhok sa sentido ay ginupit,+At pasasapitan ko sila ng kapahamakan mula sa lahat ng direksiyon,” ang sabi ni Jehova.
33 “At ang Hazor ay magiging tirahan ng mga chakal,Isang tiwangwang na lugar magpakailanman.
Walang titira doon;Wala nang maninirahan sa kaniya.”
34 Ito ang salita ni Jehova na dumating sa propetang si Jeremias tungkol sa Elam+ sa pasimula ng pamamahala ni Haring Zedekias+ ng Juda:
35 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Babaliin ko ang pana ng Elam,+ ang pinagmumulan* ng lakas nila.
36 Dadalhin ko sa Elam ang apat na hangin mula sa apat na dulo ng langit, at pangangalatin ko sila sa lahat ng direksiyon ng hanging ito. Walang bansa na hindi mararating ng mga nangalat mula sa Elam.’”
37 “Dudurugin ko ang mga Elamita sa harap ng mga kaaway nila at sa harap ng mga gustong pumatay sa kanila; at magpapasapit ako sa kanila ng kapahamakan, ang nag-aapoy kong galit,” ang sabi ni Jehova. “At magsusugo ako ng espada sa kanila hanggang sa malipol ko sila.”
38 “At ilalagay ko sa Elam ang aking trono,+ at pupuksain ko mula roon ang hari at ang matataas na opisyal,” ang sabi ni Jehova.
39 “Pero sa huling bahagi ng mga araw, titipunin ko ang mga binihag mula sa Elam,” ang sabi ni Jehova.
Talababa
^ O posibleng “ng sigaw ng pakikipagdigma.”
^ O “ang mga nayong nakadepende sa kaniya.”
^ O “mga kural ng tupa.”
^ O “mababang kapatagan.”
^ Lit., “inaagusan.”
^ Mga halaman at maliliit na puno.
^ O “kalooban.”
^ O “plaza.”
^ Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
^ Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
^ Lit., “hangin.”
^ Lit., “pasimula.”