Jeremias 22:1-30

22  Ito ang sinabi ni Jehova: “Pumunta ka sa bahay* ng hari ng Juda, at dalhin mo ang mensaheng ito. 2  Sabihin mo, ‘Pakinggan mo ang salita ni Jehova, O hari ng Juda na nakaupo sa trono ni David, ikaw at ang mga lingkod mo at ang bayan mo, ang mga pumapasok sa mga pintuang-daang ito. 3  Ito ang sinabi ni Jehova: “Itaguyod ninyo ang katarungan at katuwiran. Iligtas ninyo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya. Huwag ninyong pagmamalupitan ang dayuhang naninirahang kasama ninyo, at huwag ninyong gagawan ng masama ang batang walang ama* o ang biyuda.+ At huwag kayong magpapadanak ng dugo ng taong inosente sa lugar na ito.+ 4  Dahil kung susundin ninyong mabuti ang salitang ito, ang mga haring nakaupo sa trono ni David+ ay papasok sa mga pintuang-daan ng bahay na ito, sakay ng mga karwahe at mga kabayo, sila at ang mga lingkod nila at ang bayan nila.”’+ 5  “‘Pero kung hindi ninyo susundin ang mga salitang ito, ipinanunumpa ko ang sarili ko,’ ang sabi ni Jehova, ‘ang bahay na ito ay magiging isang wasak na lugar.’+ 6  “Dahil ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa bahay ng hari ng Juda,‘Ikaw ay gaya ng Gilead sa akin,Gaya ng tuktok ng Lebanon. Pero gagawin kitang ilang;Walang isa man sa mga lunsod mo ang titirhan.+  7  At mag-aatas* ako laban sa iyo ng mga tagawasak,Na ang bawat isa ay may mga sandata.+ Puputulin nila ang pinakamagaganda mong punong sedroAt ibabagsak ang mga iyon sa apoy.+ 8  “‘At maraming bansa ang dadaan sa lunsod na ito at magsasabi sa isa’t isa: “Bakit ito ginawa ni Jehova sa dakilang lunsod na ito?”+ 9  At sasabihin nila: “Dahil iniwan nila ang tipan ni Jehova na kanilang Diyos at yumukod sila sa ibang mga diyos at naglingkod sa mga ito.”’+ 10  Huwag ninyong iyakan ang patay,At huwag kayong magdadalamhati para sa kaniya. Sa halip, humagulgol kayo para sa aalis,Dahil hindi na siya babalik at hindi na niya makikita ang lupaing sinilangan niya. 11  “Dahil ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa anak ni Josias na si Salum,*+ ang hari ng Juda na namamahala kahalili ng ama niyang si Josias+ at wala na sa lugar na ito: ‘Hindi na siya babalik pa roon. 12  Dahil mamamatay siya sa lugar kung saan siya ipinatapon, at hindi na niya makikita ang lupaing ito.’+ 13  Kaawa-awa ang nagtatayo ng bahay nang walang katuwiranAt ng mga silid sa itaas nang walang katarungan.Pinagtatrabaho niya ang kapuwa niya nang walang kapalit;Ayaw niyang ibigay ang suweldo nito;+ 14  Sinasabi niya, ‘Magtatayo ako para sa sarili ko ng malaking bahay,Na maraming maluluwang na silid sa itaas. Lalagyan ko iyon ng mga bintana at ng dingding na sedro,At pipinturahan ko iyon ng pula.’ 15  Patuloy ka bang maghahari dahil mas maraming sedro ang ginagamit mo kaysa sa iba? Kumain at uminom din ang ama mo,Pero itinaguyod niya ang katarungan at katuwiran,+At napabuti siya. 16  Ipinagtanggol niya ang karapatan ng naaapi at ng dukha,At mabuti ang ibinunga nito. ‘Hindi ba ganiyan ang nakakakilala sa akin?’ ang sabi ni Jehova. 17  ‘Pero ang mga mata at puso mo ay nakatuon sa panlilinlang para makinabang,Sa pagpapadanak ng dugo ng mga inosente,At sa pandaraya at pangingikil.’ 18  “Kaya ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa anak ni Josias na si Jehoiakim,+ na hari ng Juda,‘Hindi sila magdadalamhati para sa kaniya: “Kapatid ko! Kapatid ko!” Hindi sila magdadalamhati para sa kaniya: “O panginoon ko! O Kamahalan!” 19  Ililibing siyang gaya ng asno,+Na kinakaladkad at itinataponSa labas ng mga pintuang-daan ng Jerusalem.’+ 20  Umakyat ka sa Lebanon at sumigaw,Ilakas mo ang tinig mo sa Basan,At sumigaw ka mula sa Abarim,+Dahil ang lahat ng kalaguyo mo ay nilipol.+ 21  Kinausap kita noong tiwasay ka. Pero sinabi mo, ‘Hindi ako susunod.’+ Ganiyan ka na mula pa noong kabataan ka;Hindi ka nakikinig sa tinig ko.+ 22  Isang hangin ang magpapastol sa lahat ng pastol mo,+At ang mga kalaguyo mo ay mabibihag. Pagkatapos ay mapapahiya ka at mawawalan ng dangal dahil sa lahat ng iyong kapahamakan. 23  O ikaw na nakatira sa Lebanon,+Na namumugad sa mga sedro,+Daraing ka nang husto kapag dumating sa iyo ang paghihirap,Na gaya ng kirot na nararamdaman ng babaeng nanganganak!”+ 24  “‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ni Jehova, ‘kahit ikaw pa, Conias,*+ na anak ni Jehoiakim+ at hari ng Juda, ang singsing na pantatak sa kanang kamay ko, tatanggalin pa rin kita! 25  Ibibigay kita sa kamay ng mga gustong pumatay sa iyo, sa kamay ng mga kinatatakutan mo, sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, at sa kamay ng mga Caldeo.+ 26  At ikaw at ang iyong ina na nagsilang sa iyo ay itatapon ko sa ibang lupain, kung saan hindi ka isinilang, at doon kayo mamamatay. 27  At hindi sila kailanman makababalik sa lupaing inaasam nila.+ 28  Ang lalaki bang ito na si Conias ay isa lamang hinahamak at basag na palayok,Isang sisidlang hindi gusto ng sinuman? Bakit siya itinapon, pati ang mga inapo niya,Sa isang lupaing hindi nila alam?’+ 29  O lupa,* lupa, lupa, pakinggan mo ang salita ni Jehova. 30  Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Isulat ninyo na walang anak ang lalaking ito,Isang taong hindi magtatagumpay habambuhay,*Dahil wala sa mga inapo niya ang hahaliliSa pag-upo sa trono ni David at muling mamamahala sa Juda.’”+

Talababa

O “palasyo.”
O “ang ulila.”
Lit., “magpapabanal.”
Tinatawag ding Jehoahaz.
Tinatawag ding Jehoiakin at Jeconias.
Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
O “lupain.”
Lit., “sa mga araw niya.”

Study Notes

Media