Jeremias 14:1-22
14 Ito ang salita ni Jehova na dumating kay Jeremias may kinalaman sa mga tagtuyot:+
2 Ang Juda ay nagdadalamhati,+ at ang mga pintuang-daan nito ay nasira.
Nakalugmok na ang mga ito sa lupa at lumong-lumo.At may hiyaw na nanggagaling sa Jerusalem.
3 At isinusugo ng mga panginoon ang mga lingkod nila para umigib ng tubig.
Pumupunta sila sa mga imbakan ng tubig* pero wala silang makitang tubig.
Bumabalik silang walang laman ang mga lalagyan nila.
Nahihiya sila at nalulungkot,At tinatakpan nila ang ulo nila.
4 Nagkabitak-bitak ang lupaDahil hindi umuulan sa lupain.+Kaya ang mga magsasaka ay nalulungkot at nagtatakip ng ulo.
5 Iniiwan kahit ng babaeng usa sa parang ang bagong-silang niyaDahil walang damo.
6 Nakatayo ang mga asno sa tuktok ng mga burol.
Humihingal sila na parang mga chakal;Nanlalabo ang mga mata nila dahil walang pananim.+
7 Kahit na ang mga pagkakamali namin ay tumetestigo laban sa amin,O Jehova, kumilos ka alang-alang sa pangalan mo.+
Dahil marami kaming nagawang pagtataksil,+At sa iyo kami nagkasala.
8 O pag-asa ng Israel, ang Tagapagligtas niya+ sa panahon ng paghihirap,Bakit para kang isang dayuhan sa lupain,Gaya ng manlalakbay na tumitigil lang para magpalipas ng gabi?
9 Bakit gaya ka ng isang lalaking natitigilan,Gaya ng isang malakas na lalaki na hindi makapagligtas?
Kasama ka namin, O Jehova,+At tinatawag kami sa pangalan mo.+
Huwag mo kaming iwan.
10 Ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa bayang ito: “Gustong-gusto nilang magpagala-gala;+ hindi nila pinipigilan ang mga paa nila.+ Kaya hindi nalulugod sa kanila si Jehova.+ Ngayon ay aalalahanin niya ang pagkakamali nila at pananagutin sila sa mga kasalanan nila.”+
11 At sinabi ni Jehova sa akin: “Huwag kang mananalangin na mapabuti ang bayang ito.+
12 Kapag nag-aayuno* sila, hindi ko pinakikinggan ang mga pakiusap nila,+ at kapag naghahandog sila ng buong handog na sinusunog at ng handog na mga butil, hindi ako nalulugod sa mga iyon;+ sa pamamagitan ng espada, ng taggutom, at ng salot* ay lilipulin ko sila.”+
13 At sinabi ko: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Sinasabi sa kanila ng mga propeta, ‘Hindi kayo makakakita ng espada, at hindi kayo daranas ng taggutom; sa halip ay bibigyan ko kayo ng tunay na kapayapaan sa lugar na ito.’”+
14 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: “Ang mga propeta ay humuhula ng mga kasinungalingan sa pangalan ko.+ Hindi ko sila isinugo o inutusan o kinausap.+ Sinungaling na pangitain at walang-saysay na panghuhula at panlilinlang ng sarili nilang puso ang sinasabi nila sa inyo.+
15 Kaya ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa mga propetang nanghuhula sa pangalan ko, kahit na hindi ko sila isinugo, at nagsasabing walang espada o taggutom na darating sa lupaing ito: ‘Sa pamamagitan ng espada at ng taggutom ay mamamatay ang mga propetang iyon.+
16 At ang mga taong sinasabihan nila ng hula nila ay itatapon sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutom at sa espada, at walang maglilibing sa kanila+—sa kanila, sa kanilang mga asawa, sa kanilang mga anak na lalaki, o sa kanilang mga anak na babae—dahil magpapasapit ako ng kapahamakang nararapat sa kanila.’+
17 “Sabihin mo ito sa kanila,‘Umagos nawa ang luha sa mga mata ko araw at gabi, huwag nawa itong tumigil,+Dahil ang anak na dalaga ng bayan ko ay hinampas nang malakas+At nasugatan nang malubha.
18 Kapag pumupunta ako sa parang at nagmamasid,Nakikita ko ang mga namatay sa espada!+
At kapag pumupunta ako sa lunsod,Nakikita ko ang mga sakit na dulot ng taggutom!+
Ang propeta at ang saserdote ay pagala-gala sa isang lupain na hindi nila alam.’”+
19 Lubusan mo na bang itinakwil ang Juda o kinamuhian ang Sion?+
Bakit mo kami sinaktan at wala na kami ngayong pag-asang gumaling?+
Naghintay kami ng kapayapaan, pero walang dumating na mabuti,Ng panahon ng pagpapagaling, pero takot ang nararamdaman namin!+
20 O Jehova, inaamin namin ang kasamaan naminAt ang pagkakamali ng mga ninuno namin,Dahil nagkasala kami laban sa iyo.+
21 Alang-alang sa pangalan mo, huwag mo kaming itakwil;+Huwag mong hamakin ang maluwalhati mong trono.
Alalahanin mo ang tipan mo sa amin, at huwag mo itong sirain.+
22 Mayroon bang sinuman sa walang-silbing mga idolo ng mga bansa na makapagpapaulan,O may sarili bang kakayahan ang langit na magbuhos ng ulan?
Hindi ba ikaw lang, O Jehova na aming Diyos, ang makagagawa nito?+
At umaasa kami sa iyo,Dahil ikaw lang ang gumagawa ng lahat ng ito.