Nilalaman ng Gawa
A. Paghahanda Para sa Pangangaral sa Buong Mundo (1:1-8)
Para kay Teofilo (1:1, 2)
Nagpakita si Jesus sa loob ng 40 araw at nagsalita tungkol sa Kaharian ng Diyos (1:3)
Sinabihan ni Jesus ang mga apostol na manatili sa Jerusalem at hintayin ang ipinangakong banal na espiritu (1:4, 5)
Sinagot ni Jesus ang mga apostol kung kailan ibabalik ang kaharian sa Israel (1:6, 7)
Inatasan ni Jesus ang mga apostol na maging mga saksi niya hanggang sa pinakadulo ng lupa (1:8)
B. Pag-akyat ni Jesus sa Langit Hanggang sa Pagbubuhos ng Banal na Espiritu Noong Pentecostes 33 C.E. (1:9–2:13)
Umakyat si Jesus sa langit, at ipinangako niyang babalik siya sa katulad na paraan (1:9-11)
Nagtipon-tipon ang mga apostol para manalangin, kasama ang ina at mga kapatid ni Jesus (1:12-14)
Napili si Matias na kapalit ni Hudas sa 12 apostol (1:15-26)
Ibinuhos ang banal na espiritu sa mga alagad, at nagsimula silang magsalita ng wika ng mga dayuhan (2:1-4)
Narinig ng mga Judio mula sa lahat ng panig ng Imperyo ng Roma ang tungkol sa makapangyarihang mga gawa ng Diyos (2:5-13)
C. Pagpapatotoo sa Jerusalem (2:14–3:26)
Sinipi ni Pedro ang hula ni Joel tungkol sa pagbubuhos ng banal na espiritu at sa maluwalhating araw ni Jehova (2:14-21)
Nagbigay si Pedro ng mga katibayan mula sa Kasulatan na binuhay-muli si Jesus at naging Panginoon at Kristo (2:22-36)
Tumugon ang mga tao sa sinabi ni Pedro; mga 3,000 ang nabautismuhan (2:37-41)
Nasiyahan ang mga alagad sa turo ng mga apostol at sa pakikipagsamahan sa isa’t isa (2:42-47)
Pinagaling ni Pedro ang isang lumpong pulubi sa pinto ng templo na tinatawag na Maganda (3:1-10)
Nagsalita si Pedro sa Kolonada ni Solomon (3:11-18)
Sinabihan ni Pedro ang mga tao na magsisi at manumbalik (3:19-26)
D. Nangangaral Kahit Pinag-uusig (4:1–5:42)
Hinuli sina Pedro at Juan; umabot na nang mga 5,000 lalaki ang mga mánanampalatayá (4:1-4)
Ang pagtatanggol ni Pedro sa harap ng Sanedrin (4:5-22)
Nanalangin ang mga alagad na patuloy nilang maipangaral ang salita ng Diyos nang may katapangan (4:23-31)
Ibinahagi ng mga alagad sa isa’t isa ang mga pag-aari nila (4:32-37)
Sinubok nina Ananias at Sapira ang espiritu ni Jehova (5:1-11)
Maraming isinasagawang tanda ang mga apostol (5:12-16)
Ibinilanggo ang mga apostol pero pinalaya ng anghel ni Jehova (5:17-21a)
Dinala ulit ang mga apostol sa Sanedrin (5:21b-32)
Nagpayo si Gamaliel na mag-ingat para hindi ‘maging kalaban ng Diyos’ (5:33-40)
Nangaral ang mga apostol sa templo at sa bahay-bahay (5:41, 42)
E. Hindi Dapat Pabayaan ang Pagtuturo ng Salita (6:1–7:1)
F. Ipinagtanggol ni Esteban ang Pananampalataya Niya sa Harap ng Sanedrin (7:2-60)
Isinalaysay ang panahon ng mga patriyarka (7:2-16)
Isinalaysay ang kabataan at pamumuno ni Moises at ang idolatriya ng Israel (7:17-43)
Sinabing hindi nakatira ang Diyos sa mga templong gawa ng tao (7:44-50)
Pinaratangan ang mga nang-uusig sa kaniya na nilalabanan nila ang banal na espiritu (7:51-53)
Nakita si Jesus at si Jehova sa isang pangitain; pinagbabato ng mga mang-uusig hanggang mamatay (7:54-60)
G. Pangangaral sa Samaria at sa Iba Pang Lugar; Nakumberte si Saul (8:1–9:43)
Pinag-usig ang mga Kristiyano sa Jerusalem; nangalat ang mga kapatid (8:1-4)
Mabungang ministeryo ni Felipe sa Samaria (8:5-13)
Isinugo sina Pedro at Juan sa Samaria; tumanggap ng banal na espiritu ang mga Samaritano (8:14-17)
Sinubukang bilhin ng dating mahiko na si Simon ang walang-bayad na regalo ng banal na espiritu (8:18-24)
Isinugo si Felipe para pangaralan ang mataas na opisyal na Etiope (8:25-40)
Nagpunta sa Damasco si Saul para pag-usigin ang mga alagad (9:1, 2)
Suminag ang liwanag mula sa langit, at nagpakilala si Jesus kay Saul (9:3-9)
Isinugo ang alagad na si Ananias para tulungan si Saul (9:10-19a)
Nangaral si Saul sa Damasco tungkol kay Jesus (9:19b-25)
Nagpunta si Saul sa Jerusalem at nagsalita nang may katapangan sa pangalan ni Jesus (9:26-30)
Nakaranas ng isang yugto ng kapayapaan ang kongregasyon sa buong Judea, Galilea, at Samaria (9:31)
Naglingkod si Pedro sa mga lunsod na malapit sa baybayin; pinagaling si Eneas sa Lida (9:32-35)
Binuhay-muli ni Pedro ang bukas-palad na si Dorcas sa Jope (9:36-43)
H. Napangaralan ang mga Di-tuling Gentil sa Cesarea at sa Antioquia ng Sirya (10:1–12:25)
Nakakita ng pangitain ang opisyal ng hukbo na si Cornelio at ipinasundo si Pedro (10:1-8)
Pangitain ni Pedro tungkol sa mga hayop na nilinis na (10:9-16)
Pumunta si Pedro kay Cornelio, at sinabi ni Cornelio ang tungkol sa pangitain niya (10:17-33)
Inihayag ni Pedro ang mabuting balita sa mga Gentil; “hindi nagtatangi ang Diyos” (10:34-43)
Tumanggap ng banal na espiritu ang mga Gentil at nabautismuhan (10:44-48)
Nagbalita si Pedro sa mga apostol sa Jerusalem (11:1-18)
Nangaral sina Bernabe at Saul sa mga Griego sa Antioquia ng Sirya, kung saan unang tinawag na Kristiyano ang mga alagad (11:19-26)
Inihula ng Kristiyanong propeta na si Agabo ang isang taggutom; nagpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea (11:27-30)
Ipinapatay ni Haring Herodes si Santiago at ipinabilanggo si Pedro (12:1-5)
Pinalaya si Pedro ng isang anghel ni Jehova (12:6-19)
Sinaktan ng isang anghel ni Jehova si Herodes (12:20-25)
I. Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (13:1–14:28)
Isinugo sina Bernabe at Saul bilang misyonero (13:1-3)
Ministeryo sa Ciprus; ang proconsul na si Sergio Paulo at ang mangkukulam na si Elimas (13:4-12)
Mga sinabi ni Pablo sa Antioquia ng Pisidia (13:13-41)
Hula tungkol sa utos na bumaling sa ibang mga bansa (13:42-52)
Pagsulong at pag-uusig sa Iconio (14:1-7)
Napagkamalan ng mga taga-Listra sina Pablo at Bernabe na mga diyos (14:8-18)
Nakaligtas si Pablo matapos pagbabatuhin (14:19, 20)
Pinatibay nina Pablo at Bernabe ang mga kongregasyon (14:21-23)
Bumalik sina Pablo at Bernabe sa Antioquia ng Sirya (14:24-28)
J. Pagpupulong sa Jerusalem Tungkol sa Isyu ng Pagtutuli (15:1-35)
Dinala sa Jerusalem ang usapin sa Antioquia tungkol sa pagtutuli (15:1-5)
Nag-usap ang mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem; mga testimonya nina Pedro, Pablo, at Bernabe (15:6-12)
Mungkahi ni Santiago batay sa Kasulatan (15:13-21)
Liham mula sa lupong tagapamahala sa Jerusalem (15:22-29)
Napatibay ng liham ang mga kongregasyon (15:30-35)
K. Ikalawang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (15:36–18:22)
Naghiwalay ng landas sina Pablo at Bernabe (15:36-41)
Pinili ni Pablo si Timoteo para makasama sa paglalakbay (16:1-5)
Pangitain tungkol sa lalaking taga-Macedonia; lumaganap ang mensahe sa Europa (16:6-10)
Pagkakumberte ni Lydia sa Filipos (16:11-15)
Nabilanggo sina Pablo at Silas sa Filipos (16:16-24)
Nabautismuhan ang tagapagbilanggo at ang sambahayan niya (16:25-34)
Gusto ni Pablo na pormal na humingi ng paumanhin ang mga opisyal (16:35-40)
Sina Pablo at Silas sa Tesalonica (17:1-9)
Sina Pablo at Silas sa Berea (17:10-15)
Si Pablo sa Atenas (17:16-22a)
Pahayag ni Pablo sa Areopago (17:22b-31)
Iba-ibang reaksiyon sa pahayag ni Pablo; naging mánanampalatayá ang ilan (17:32-34)
Ministeryo ni Pablo sa Corinto (18:1-17)
Dumaan si Pablo sa Efeso pabalik sa Antioquia ng Sirya (18:18-22)
L. Ikatlong Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (18:23–21:17)
Pumunta si Pablo sa Galacia at Frigia (18:23)
Si Apolos na mahusay magsalita ay tinulungan nina Priscila at Aquila; nagpunta siya sa Acaya (18:24-28)
Dumating si Pablo sa Efeso; muling binautismuhan ang ilang alagad, ngayon sa pangalan ni Jesus (19:1-7)
Pagtuturo ni Pablo sa Efeso (19:8-10)
Tagumpay ng salita ni Jehova sa kabila ng demonismo sa Efeso (19:11-20)
Gulo sa Efeso; sumugod ang mga tao sa teatro (19:21-34)
Pinatahimik ng pinuno ng lunsod ng Efeso ang mga tao (19:35-41)
Si Pablo sa Macedonia at Gresya (20:1-6)
Binuhay-muli si Eutico sa Troas (20:7-12)
Umalis si Pablo sa Troas at pumunta sa Mileto (20:13-16)
Pinayuhan ni Pablo ang matatandang lalaki sa Efeso na bigyang-pansin ang kanilang sarili at ang kawan ng Diyos (20:17-38)
Papuntang Jerusalem (21:1-14)
Dumating sa Jerusalem (21:15-17)
M. Pagkabilanggo ni Pablo sa Jerusalem (21:18–23:35)
Nakinig si Pablo sa payo ng matatandang lalaki (21:18-26)
Gulo sa templo; inaresto ng mga Romano si Pablo (21:27-36)
Pinayagan si Pablo na magsalita sa mga tao (21:37-40)
Ipinagtanggol ni Pablo ang sarili sa harap ng mga tao; isinalaysay kung paano siya nakumberte (22:1-21)
Ginamit ni Pablo ang pagiging Romano niya (22:22-29)
Nagtipon ang Sanedrin (22:30)
Nagsalita si Pablo sa harap ng Sanedrin (23:1-10)
Pinatibay ng Panginoon si Pablo (23:11)
Pagsasabuwatan para patayin si Pablo (23:12-22)
Dinala si Pablo ng mga Romanong sundalo sa Cesarea (23:23-35)
N. Pagkabilanggo ni Pablo sa Cesarea (24:1–26:32)
Mga paratang kay Pablo (24:1-9)
Pagtatanggol ni Pablo sa harap ni Felix (24:10-21)
Dalawang taóng ipinagpaliban ang kaso ni Pablo (24:22-27)
Paglilitis kay Pablo sa harap ni Festo; “Umaapela ako kay Cesar!” (25:1-12)
Kumonsulta si Festo kay Haring Agripa (25:13-22)
Pagtatanggol ni Pablo sa harap ni Agripa (25:23–26:11)
Isinalaysay ni Pablo sa harap ni Agripa ang pagkakumberte niya (26:12-23)
Tugon nina Festo at Agripa (26:24-32)
O. Nagpunta si Pablo sa Roma (27:1–28:16)
Umalis si Pablo sa Cesarea papuntang Roma sakay ng isang barko mula sa Adrameto (27:1-12)
Inabutan ng unos ang barko (27:13-38)
Nawasak ang barko (27:39-44)
Napadpad sa Malta; nakaligtas si Pablo sa kagat ng ahas (28:1-6)
Pinagaling ni Pablo ang ama ni Publio at ang iba pa (28:7-10)
Dumaan sa Siracusa, Regio, at Puteoli papuntang Roma (28:11-16)
P. Si Pablo sa Roma (28:17-31)