Mga Bilang 34:1-29
34 Sinabi pa ni Jehova kay Moises:
2 “Sabihin mo sa mga Israelita ang mga tagubiling ito: ‘Pagpasok ninyo sa Canaan,+ ito ang lupain na mamanahin ninyo, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan nito.+
3 “‘Ang hangganan ninyo sa timog ay mula sa ilang ng Zin sa tabi ng Edom, at ang silangang bahagi ng hangganan sa timog ay mula sa dulo ng Dagat Asin.*+
4 Mag-iiba ng direksiyon ang hangganan ninyo; dadaan ito sa timog ng paakyat na daan ng Akrabim+ at magpapatuloy hanggang sa Zin, at ang dulo nito ay ang timog ng Kades-barnea.+ Dadaan ito sa Hazar-addar+ at magpapatuloy sa Azmon.
5 Mula sa Azmon, mag-iiba ng direksiyon ang hangganan papuntang Wadi* ng Ehipto, at ang dulo nito ay sa Dagat.*+
6 “‘Ang hangganan ninyo sa kanluran ay ang Malaking Dagat* at ang baybayin. Ito ang hangganan sa kanluran.+
7 “‘Ito ang hangganan ninyo sa hilaga: mula sa Malaking Dagat hanggang sa Bundok Hor.
8 Ang hangganan ay mula sa Bundok Hor papuntang Lebo-hamat,*+ at ang dulo ay sa Zedad.+
9 Ang hangganan ay magpapatuloy sa Zipron, at ang dulo nito ay ang Hazar-enan.+ Ito ang hangganan sa hilaga.
10 “‘Ang hangganan ninyo sa silangan ay mula sa Hazar-enan hanggang sa Sepam.
11 Ang hangganan ay magpapatuloy mula sa Sepam hanggang sa Ribla sa silangan ng Ain, at ang hangganan ay bababa at tatawid ng silangang dalisdis ng Lawa ng Kineret.*+
12 Ang hangganan ay magpapatuloy sa Jordan, at ang dulo nito ay ang Dagat Asin.+ Ito ang inyong lupain+ at ang mga hangganan nito.’”
13 Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita: “Ito ang mamanahin ninyong lupain na paghahati-hatian ninyo sa pamamagitan ng palabunutan,+ gaya ng iniutos ni Jehova na ibigay sa siyam at kalahating tribo,
14 dahil nakakuha na ng mana ang tribo ng mga Rubenita ayon sa kanilang angkan, ang tribo ng mga Gadita ayon sa kanilang angkan, at ang kalahati ng tribo ni Manases.+
15 Kinuha na ng dalawa at kalahating tribo ang kanilang mana sa silangan ng rehiyon ng Jordan sa tabi ng Jerico, sa sikatan ng araw.”+
16 Sinabi pa ni Jehova kay Moises:
17 “Ito ang mga lalaki na maghahati-hati ng lupaing mamanahin ninyo: si Eleazar+ na saserdote at si Josue+ na anak ni Nun.
18 At kukuha kayo ng isang pinuno mula sa bawat tribo para maghati-hati ng lupaing mamanahin ninyo.+
19 Ito ang mga pangalan ng mga lalaki: mula sa tribo ni Juda,+ si Caleb+ na anak ni Jepune;
20 mula sa tribo ng mga anak ni Simeon,+ si Semuel na anak ni Amihud;
21 mula sa tribo ni Benjamin,+ si Elidad na anak ni Kislon;
22 mula sa tribo ng mga anak ni Dan,+ ang anak ni Jogli na si Buki, isang pinuno;
23 mula sa mga anak ni Jose,+ mula sa tribo ng mga anak ni Manases,+ ang anak ni Epod na si Haniel, isang pinuno;
24 mula sa tribo ng mga anak ni Efraim,+ ang anak ni Siptan na si Kemuel, isang pinuno;
25 mula sa tribo ng mga anak ni Zebulon,+ ang anak ni Parnac na si Elisapan, isang pinuno;
26 mula sa tribo ng mga anak ni Isacar,+ ang anak ni Azan na si Paltiel, isang pinuno;
27 mula sa tribo ng mga anak ni Aser,+ ang anak ni Selomi na si Ahihud, isang pinuno;
28 mula sa tribo ng mga anak ni Neptali,+ ang anak ni Amihud na si Pedahel, isang pinuno.”
29 Ito ang mga inutusan ni Jehova na maghati-hati sa lupain ng Canaan para sa mga Israelita.+
Talababa
^ Dagat na Patay.
^ Malaking Dagat, ang Mediteraneo.
^ Dagat Mediteraneo.
^ O “pasukan ng Hamat.”
^ Lawa ng Genesaret, o Lawa ng Galilea.