Mga Awit 94:1-23
94 O Diyos ng paghihiganti, O Jehova,+O Diyos ng paghihiganti, suminag ka!
2 Tumayo ka, O Hukom ng lupa.+
Ibigay mo sa mga hambog ang nararapat sa kanila.+
3 Hanggang kailan, O Jehova,Hanggang kailan magsasaya ang masasama?+
4 Salita sila nang salita at nagyayabang;Ipinagmamalaki ng masasama ang sarili nila.
5 Inaapi nila ang bayan mo, O Jehova,+At pinagmamalupitan nila ang iyong mana.
6 Pinapatay nila ang biyuda at ang dayuhang nakikipanirahan,Pati na ang mga batang walang ama.
7 Sinasabi nila: “Hindi iyon nakikita ni Jah;+Hindi iyon pinapansin ng Diyos ni Jacob.”+
8 Intindihin ninyo ito, kayong mga walang unawa;Kayong mga mangmang, kailan kayo magpapakita ng kaunawaan?+
9 Ang gumawa ng tainga, hindi ba siya makaririnig?
Ang gumawa ng mata, hindi ba siya makakakita?+
10 Ang nagtutuwid sa mga bansa, hindi ba siya makasasaway?+
Siya ang nagbibigay ng kaalaman sa tao!+
11 Alam ni Jehova ang kaisipan ng tao,Na ito ay gaya lang ng isang hininga.+
12 Maligaya ang taong itinutuwid mo, O Jah,+At tinuturuan mo ng iyong kautusan,+
13 Para bigyan siya ng kapayapaan sa panahon ng kapahamakan,Hanggang sa magawa ang hukay para sa masasama.+
14 Dahil hindi pababayaan ni Jehova ang bayan niya,+At hindi niya iiwan ang kaniyang mana.+
15 Dahil ang hatol ay muling magiging matuwid,At susundin ito ng lahat ng may tapat na puso.
16 Sino ang tutulong sa akin sa paglaban sa masasama?
Sino ang papanig sa akin laban sa mga gumagawa ng mali?
17 Kung hindi ako tinulungan ni Jehova,Wala na ako ngayon.*+
18 Nang sabihin ko: “Nadudulas ang paa ko,”
Ang tapat na pag-ibig mo, O Jehova, ay patuloy na umalalay sa akin.+
19 Noong maraming gumugulo sa isip ko,Pinayapa mo ang kalooban ko at pinaginhawa mo ako.+
20 Magiging kaalyado mo ba ang trono* ng katiwalianNa nagpapakana ng kapahamakan sa ngalan ng batas?+
21 Malupit nilang sinasalakay ang matuwid+At hinahatulan ng kamatayan ang inosente.*+
22 Pero si Jehova ay magiging ligtas na kanlungan* ko;Ang aking Diyos, siya ang aking batong kanlungan.+
23 Ibabalik niya sa kanila ang masasama nilang ginagawa.+
Lilipulin* niya sila sa pamamagitan ng sarili nilang kasamaan.
Lilipulin* sila ni Jehova na ating Diyos.+
Talababa
^ Lit., “Nanirahan na ako sa katahimikan.”
^ O “mga tagapamahala; mga hukom.”
^ Lit., “At ang dugo ng inosente ay ipinahahayag nilang nagkasala (masama).”
^ O “magiging mataas at ligtas na lugar.”
^ Lit., “Patatahimikin.”
^ Lit., “Patatahimikin.”