Mga Awit 83:1-18
Awit ni Asap.+
83 O Diyos, huwag kang manahimik;+Huwag kang manatiling walang imik at walang ginagawa, O Diyos.
2 Dahil ang mga kaaway mo ay nagkakaingay;+Ang mga napopoot sa iyo ay nagmamataas.*
3 May katusuhan silang nagpapakana laban sa bayan mo;Nagsasabuwatan sila laban sa mga iniingatan* mo.
4 Sinasabi nila: “Halikayo, lipulin natin ang bansa nila,+Para hindi na maalaala pa ang pangalan ng Israel.”
5 Bumubuo sila ng isang pakana;*Nagsabuwatan sila* laban sa iyo+—
6 Ang mga Edomita at ang mga Ismaelita,* ang Moab+ at ang mga Hagrita,+
7 Ang Gebal at Ammon+ at Amalek,Ang Filistia,+ kasama ng mga nakatira sa Tiro.+
8 Sumama rin sa kanila ang Asirya;+Sinusuportahan nila ang* mga anak ni Lot.+ (Selah)
9 Gawin mo sa kanila ang ginawa mo sa Midian,+Gaya ng ginawa mo kay Sisera at kay Jabin sa ilog* ng Kison.+
10 Nalipol sila sa En-dor;+Naging dumi sila sa lupa.
11 Ang mga prominente sa kanila ay gawin mong gaya nina Oreb at Zeeb,+At ang matataas na opisyal* nila ay gawin mong gaya nina Zeba at Zalmuna,+
12 Dahil sinabi nila: “Kunin natin ang lupain na tinitirhan ng Diyos.”
13 O Diyos ko, gawin mo silang gaya ng dawag na gumugulong,+Gaya ng pinaggapasan na tinatangay ng hangin.
14 Gaya ng apoy na tumutupok sa kagubatan,At gaya ng liyab na sumusunog sa mga bundok,+
15 Gayon mo nawa sila tugisin ng iyong unos+At takutin ng iyong buhawi.+
16 Takpan* mo ng kahihiyan ang mga mukha nila,Para hanapin nila ang pangalan mo, O Jehova.
17 Mapahiya nawa sila at matakot magpakailanman;Mawalan nawa sila ng dangal at malipol;
18 Malaman nawa ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova,+Ikaw lang ang Kataas-taasan sa buong lupa.+
Talababa
^ O “nagtataas ng ulo nila.”
^ Lit., “itinago.”
^ Lit., “Nagsanggunian sila nang may puso.”
^ O “Gumawa sila ng tipan.”
^ Lit., “Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita.”
^ Lit., “Naging bisig sila ng.”
^ O “wadi.”
^ O “ang mga pinuno.”
^ Lit., “Punuin.”