Mga Awit 74:1-23
Maskil.* Awit ni Asap.+
74 O Diyos, bakit mo kami itinakwil magpakailanman?+
Bakit nag-aapoy* ang galit mo sa kawan ng iyong pastulan?+
2 Alalahanin mo ang bayan* na pinili mo noong unang panahon,+Ang tribo na tinubos mo bilang iyong mana.+
Alalahanin mo ang Bundok Sion, kung saan ka nanirahan.+
3 Puntahan mo ang lugar na lubusang nawasak.+
Winasak ng kaaway ang lahat ng bagay sa banal na lugar.+
4 Sumigaw nang napakalakas ang mga kaaway mo sa loob ng iyong pulungan.+
Inilagay nila roon ang kanilang mga bandera bilang mga palatandaan.
5 Para silang mga lalaking namamalakol ng puno sa kagubatan.
6 Winasak nila ng palakol at pamalong bakal ang lahat ng inukit na bagay+ roon.
7 Sinunog nila ang iyong santuwaryo.+
Nilapastangan nila ang tabernakulo na nagtataglay ng pangalan mo at ibinagsak iyon.
8 Sila at ang mga anak nila ay nagsabi sa sarili:
“Dapat sunugin ang lahat ng lugar ng pagsamba sa Diyos sa lupain.”
9 Wala kaming nakikitang palatandaan;Wala nang propeta,At wala sa aming nakaaalam kung hanggang kailan ito magpapatuloy.
10 O Diyos, hanggang kailan manghahamak ang kalaban?+
Lalapastanganin ba ng kaaway ang pangalan mo magpakailanman?+
11 Bakit mo pinipigilan ang kamay mo, ang kanang kamay mo?+
Ilabas mo iyon mula sa iyong dibdib* at lipulin mo sila.
12 Pero ang Diyos ang aking Hari mula pa noong unang panahon,Ang dakilang tagapagligtas sa lupa.+
13 Sa iyong lakas, pinadaluyong mo ang dagat;+Binasag mo ang mga ulo ng dambuhalang mga hayop sa dagat.
14 Dinurog mo ang mga ulo ng Leviatan;*Ibinigay mo ito sa bayan, sa mga nakatira sa disyerto, para makain nila.
15 Binuksan mo ang lupa para umagos ang tubig sa bukal at ilog;+Tinuyo mo ang mga ilog na umaagos nang tuloy-tuloy.+
16 Sa iyo ang araw, pati ang gabi.
Ginawa mo ang liwanag* at ang araw.+
17 Ikaw ang nagtatag ng lahat ng hangganan ng lupa;+Ginawa mo ang tag-araw at ang taglamig.+
18 Alalahanin mo ang panghahamak ng kaaway, O Jehova,Kung paano nilalapastangan ng mangmang na bayan ang pangalan mo.+
19 Huwag mong isuko sa mababangis na hayop ang buhay ng iyong batubato.
Huwag mong limutin magpakailanman ang buhay ng nagdurusa mong bayan.
20 Alalahanin mo ang tipan,Dahil ang madidilim na lugar sa lupa ay naging pugad ng karahasan.
21 Ang inaapi ay huwag nawang bumalik na napahiya;+Purihin nawa ng mga hamak at dukha ang pangalan mo.+
22 O Diyos, ipagtanggol mo ang kaso mo.
Alalahanin mo ang buong-araw na pang-iinsulto sa iyo ng mangmang.+
23 Huwag mong kalimutan ang sinasabi ng mga kaaway mo.
Palakas nang palakas ang ingay ng mga lumalaban sa iyo.