Mga Awit 73:1-28

Awit ni Asap.+ 73  Ang Diyos ay talagang mabuti sa Israel, sa mga malinis ang puso.+  2  Pero ako, muntik nang maligaw ang mga paa ko;Muntik na akong madulas sa mga hakbang ko.+  3  Dahil nainggit ako sa mga hambog*Kapag nakikita ko ang kapayapaan ng masasama.+  4  Dahil hindi sila naghihirap sa kamatayan nila;Malulusog ang katawan* nila.+  5  Hindi sila namomroblema gaya ng ibang tao,+At hindi sila nagdurusa gaya ng iba.+  6  Kaya pagmamataas ang kuwintas nila;+Karahasan ang damit nila.  7  Lumuluwa ang mga mata nila dahil sa kasaganaan;*Taglay nila ang higit pa sa kayang isipin ng puso.  8  Nanghahamak sila at nagsasalita ng masasama.+ May kayabangan silang nagbabanta ng pamiminsala.+  9  Nagsasalita sila na para bang kasintaas sila ng langit,Ang dila nila ay nagmamalaki sa buong lupa. 10  Kaya ang bayan niya ay bumabaling sa kanilaAt umiinom sa saganang tubig nila. 11  Sinasabi nila: “Paano malalaman ng Diyos?+ May alam ba talaga ang Kataas-taasan?” 12  Ganiyan ang masasama, na laging maginhawa ang buhay.+ Patuloy silang nagpapayaman.+ 13  Talagang walang saysay na pinanatili kong malinis ang puso koAt hinugasan ko ang mga kamay ko para ipakitang wala akong kasalanan.+ 14  At buong araw akong naghihirap;+Tuwing umaga ay itinutuwid ako.+ 15  Pero kung sinabi ko ang mga ito,Naging taksil na ako sa bayan* mo. 16  Nang subukan kong unawain iyon,Nabagabag ako, 17  Hanggang sa pumasok ako sa maringal na santuwaryo ng Diyos,At naunawaan ko ang magiging kinabukasan nila. 18  Talagang inilalagay mo sila sa madulas na lugar+Para bumagsak sila at mapuksa.+ 19  Bigla silang mapapahamak!+ Bigla silang sasapit sa kakila-kilabot na wakas! 20  Gaya ng panaginip na nakakalimutan pagkagising, O Jehova,Gayon mo sila kalilimutan* sa pagbangon mo. 21  Pero mapait ang puso ko,+At naghihirap ang kalooban* ko. 22  Wala akong unawa at hindi ako makaintindi;Gaya ako ng isang walang-isip na hayop sa harap mo. 23  Pero ngayon, lagi kitang kasama;Hawak mo ang kanang kamay ko.+ 24  Pinapatnubayan mo ako ng iyong payo,+At pagkatapos ay aakayin mo ako sa kaluwalhatian.+ 25  May iba pa ba sa langit na tutulong sa akin? At bukod sa iyo ay wala na akong iba pang kailangan sa lupa.+ 26  Maaaring manghina ang katawan at puso ko,Pero ang Diyos ang bato ng puso ko at ang bahagi ko magpakailanman.+ 27  Tiyak na malilipol ang mga nananatiling malayo sa iyo. Pupuksain* mo ang lahat ng nagtataksil* sa iyo.+ 28  Pero sa akin, nakakabuti ang paglapit sa Diyos.+ Ginawa kong kanlungan ang Kataas-taasang* Panginoong Jehova,Para ipahayag ang lahat ng iyong gawa.+

Talababa

O “nagyayabang.”
O “Malalaki ang tiyan.”
Lit., “katabaan.”
Lit., “henerasyon ng mga anak.”
Lit., “Gayon mo hahamakin ang larawan nila.”
Lit., “mga bato.”
Lit., “Patatahimikin.”
O “gumagawi nang imoral at umiiwan.”
O “Soberanong.”

Study Notes

Media