Mga Awit 63:1-11

Awit ni David, noong nasa ilang siya ng Juda.+ 63  O Diyos, ikaw ang aking Diyos, lagi kitang hinahanap.+ Nauuhaw ako sa iyo.+ Nanghihina ako* sa pananabik sa iyoSa isang lupaing tuyo at walang tubig.+  2  Kaya pinagmasdan kita sa banal na lugar;Nakita ko ang iyong lakas at kaluwalhatian.+  3  Dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay mas mabuti kaysa sa buhay,+Luluwalhatiin ka ng mga labi ko.+  4  Pupurihin kita habang nabubuhay ako;Sa pangalan mo ay itataas ko ang mga kamay ko.  5  Nasisiyahan ako dahil pinakamabuti ang ibinibigay mo sa akin. Kaya pupurihin kita nang may galak sa mga labi ko.+  6  Inaalaala kita sa higaan ko;Iniisip-isip* kita sa buong magdamag.*+  7  Dahil ikaw ang tumutulong sa akin,+At humihiyaw ako nang may kagalakan sa lilim ng iyong mga pakpak.+  8  Nakakapit ako sa iyo;Mahigpit na nakahawak sa akin ang kanang kamay mo.+  9  Pero ang mga nagtatangkang pumatay sa akinAy bababa sa kailaliman ng lupa. 10  Ibibigay sila sa kapangyarihan ng espada;Magiging pagkain sila ng mga chakal.* 11  Pero ang hari ay magsasaya dahil sa Diyos. Ang bawat isang nananata sa pamamagitan Niya ay magagalak,*Dahil ititikom ang bibig ng mga nagsisinungaling.

Talababa

Lit., “ang laman ko.”
O “Binubulay-bulay.”
O “sa mga yugto ng pagbabantay sa gabi.”
O “asong-gubat,” na sa Ingles ay fox.
O “magmamalaki.”

Study Notes

Media