Mga Awit 22:1-31

Sa direktor; sa himig ng “Ang Babaeng Usa sa Bukang-Liwayway.”* Awit ni David. 22  Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?+ Bakit hindi ka dumarating para iligtas ako?Bakit hindi mo naririnig ang pagdaing ko?+  2  Diyos ko, patuloy akong tumatawag kung araw, pero hindi ka sumasagot;+At sa gabi ay hindi ako nananahimik.  3  Pero ikaw ay banal,+Pinupuri ka ng buong Israel.  4  Sa iyo nagtiwala ang aming mga ama;+Nagtiwala sila, at lagi mo silang inililigtas.+  5  Sa iyo sila dumaing, at nakaligtas sila;Nagtiwala sila sa iyo, at hindi sila nabigo.*+  6  Pero ako ay isang uod at hindi tao,Iniinsulto at hinahamak ng mga tao.+  7  Pinagtatawanan ako ng lahat ng nakakakita sa akin;+Pailing-iling sila at nilalait ako:+  8  “Ipinagkatiwala niya ang sarili niya kay Jehova. Iligtas Niya siya! Iligtas Niya siya, tutal mahal na mahal Niya siya!”+  9  Ikaw ang naglabas sa akin mula sa sinapupunan,+Ang nagpadama sa akin ng kapanatagan habang nasa dibdib ako ng aking ina. 10  Ipinagkatiwala* ako sa iyo mula nang isilang ako;Mula pa sa sinapupunan ng aking ina, ikaw na ang aking Diyos. 11  Huwag kang manatiling malayo sa akin, dahil narito na ang kapahamakan+At walang ibang tutulong sa akin.+ 12  Pinalibutan ako ng maraming batang toro;+Pinaligiran ako ng malalakas na toro ng Basan.+ 13  Nakabuka nang malaki ang bibig nila laban sa akin,+Gaya ng umuungal na leong lumalapa sa nahuli nito.+ 14  Ibinuhos akong parang tubig;Nalinsad ang lahat ng buto ko. Ang puso ko ay naging parang pagkit;*+Natunaw ito sa loob ko.+ 15  Ang lakas ko ay natuyong gaya ng piraso ng basag na palayok;+Dumikit na ang dila ko sa aking gilagid;+Ibinababa mo ako sa alabok ng kamatayan.+ 16  Pinapalibutan ako ng mga aso;+Sinusukol ako ng pangkat ng masasamang tao.+Kinakagat nila ang kamay at paa ko na gaya ng leon.+ 17  Mabibilang ko ang lahat ng buto ko.+ Tumitingin sila at tumititig sa akin. 18  Pinaghahati-hatian nila ang damit ko,At pinagpapalabunutan nila ang kasuotan ko.+ 19  Pero ikaw, O Jehova, huwag kang manatiling malayo.+ Ikaw ang lakas ko; magmadali ka at tulungan mo ako.+ 20  Iligtas mo ako mula sa espada,Ang mahalaga kong buhay* mula sa pangalmot* ng mga aso;+ 21  Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon+ at sa sungay ng mga torong-gubat;Dinggin mo ako at iligtas. 22  Ipahahayag ko ang pangalan mo sa mga kapatid ko;+Sa gitna ng kongregasyon ay pupurihin kita.+ 23  Kayong mga natatakot kay Jehova, purihin ninyo siya! Kayong mga supling* ni Jacob, luwalhatiin ninyo siya!+ Magbigay-galang kayo sa kaniya, kayong mga supling* ni Israel. 24  Dahil hindi niya hinahamak o binabale-wala ang pagdurusa ng naaapi;+Hindi niya itinatago ang mukha niya rito.+ Nang humingi ito ng tulong sa kaniya, nakinig siya.+ 25  Pupurihin kita sa malaking kongregasyon;+Tutuparin ko ang mga panata ko sa harap ng mga natatakot sa iyo. 26  Ang maaamo ay kakain at mabubusog;+Ang mga humahanap kay Jehova ay pupuri sa kaniya.+ Mabuhay ka nawa* magpakailanman. 27  Maaalaala ng buong lupa si Jehova at lalapit sa kaniya. Ang lahat ng pamilya ng mga bansa ay yuyukod sa harap mo.+ 28  Dahil ang paghahari ay kay Jehova;+Namamahala siya sa mga bansa. 29  Ang lahat ng mayayaman* sa mundo ay kakain at yuyukod;Ang lahat ng bumababa sa alabok ay luluhod sa harap niya;Walang sinuman sa kanila ang makapagliligtas ng kaniyang buhay.* 30  Maglilingkod sa kaniya ang kanilang mga inapo;*Ibabalita sa darating na henerasyon ang tungkol kay Jehova. 31  Darating sila at sasabihin ang tungkol sa matuwid niyang mga gawa. Sasabihin nila sa mga taong isisilang pa lang ang tungkol sa mga ginawa niya.

Talababa

Posibleng isang himig o istilo ng musika.
O “napahiya.”
Lit., “Inihagis.”
Sa Ingles, wax.
Lit., “Ang kaisa-isa ko,” na tumutukoy sa buhay niya.
Lit., “kamay.”
Lit., “kayong binhi.”
Lit., “Kayong binhi.”
Lit., “Mabuhay nawa ang puso mo.”
Lit., “matataba.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “ang isang binhi.”

Study Notes

Media