Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

Nilalaman

  • 1

    • Pinagkumpara ang dalawang daan

      • Maligaya ang nagbabasa ng kautusan ng Diyos (2)

      • Ang matuwid ay gaya ng mabungang puno (3)

      • Ang masama ay gaya ng ipa na tinatangay ng hangin (4)

  • 2

    • Si Jehova at ang pinili niya

      • Pinagtatawanan ni Jehova ang lahat ng bansa (4)

      • Iniluklok ni Jehova ang haring pinili niya (6)

      • Parangalan ang anak (12)

  • 3

    • Pagtitiwala sa Diyos sa harap ng panganib

      • “Bakit napakarami kong kaaway?” (1)

      • “Si Jehova ang tagapagligtas” (8)

  • 4

    • Panalangin ng nagtitiwala sa Diyos

      • “Magalit man kayo, huwag kayong magkasala” (4)

      • ‘Matutulog ako nang payapa’ (8)

  • 5

    • Si Jehova, kanlungan ng mga matuwid

      • Napopoot ang Diyos sa kasamaan (4, 5)

      • “Akayin mo ako sa matuwid mong daan” (8)

  • 6

    • Paghingi ng tulong

      • Hindi mapupuri ng mga patay ang Diyos (5)

      • Pinakikinggan ng Diyos ang paghingi ng tulong (9)

  • 7

    • Si Jehova ay isang matuwid na Hukom

      • “Hatulan mo ako, O Jehova” (8)

  • 8

    • Kaluwalhatian ng Diyos at karangalan ng tao

      • “Napakadakila ng pangalan mo!” (1, 9)

      • ‘Ano ang halaga ng hamak na tao?’ (4)

      • Kinoronahan ng karangalan ang tao (5)

  • 9

    • Ihayag ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos

      • Si Jehova, isang ligtas na kanlungan (9)

      • Ang nakaaalam sa pangalan ng Diyos ay nagtitiwala sa kaniya (10)

  • 10

    • Si Jehova ang tumutulong sa mga walang kalaban-laban

      • Sinasabi ng masasama: “Walang Diyos” (4)

      • Lumalapit kay Jehova ang mga walang kalaban-laban (14)

      • “Si Jehova ay Hari magpakailanman” (16)

  • 11

    • “Kay Jehova ako nanganganlong”

      • “Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo” (4)

      • Napopoot ang Diyos sa sinumang mahilig sa karahasan (5)

  • 12

    • Kikilos si Jehova

      • Dalisay ang salita ng Diyos (6)

  • 13

    • Nasasabik sa pagliligtas ni Jehova

      • ‘Hanggang kailan, O Jehova?’ (1, 2)

      • Sagana ang pagpapala ni Jehova (6)

  • 14

    • Inilarawan ang mangmang

      • “Walang Jehova” (1)

      • “Walang gumagawa ng mabuti” (3)

  • 15

    • Sino ang puwedeng maging panauhin sa tolda ni Jehova?

      • Nagsasabi siya ng totoo sa puso niya (2)

      • Hindi siya naninirang-puri (3)

      • Hindi siya sumisira sa pangako kahit pa makasamâ ito sa kaniya (4)

  • 16

    • Galing kay Jehova ang lahat ng mabubuting bagay

      • “Si Jehova ang aking bahagi” (5)

      • ‘Sa gabi, itinutuwid ako ng aking isip’ (7)

      • ‘Nasa kanan ko si Jehova’ (8)

      • “Hindi mo ako iiwan sa Libingan” (10)

  • 17

    • Panalangin para sa proteksiyon

      • “Sinuri mo ang puso ko” (3)

      • “Sa lilim ng iyong mga pakpak” (8)

  • 18

    • Pagpuri sa Diyos dahil sa pagliligtas niya

      • “Si Jehova ang aking malaking bato” (2)

      • Si Jehova, tapat sa mga tapat sa kaniya (25)

      • Perpekto ang daan ng Diyos (30)

      • “Nagiging dakila ako dahil sa iyong kapakumbabaan” (35)

  • 19

    • Ang mga nilikha at kautusan ng Diyos ay nagpapatotoo

      • “Ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos” (1)

      • Ang perpektong kautusan ng Diyos ay nagbabalik ng lakas (7)

      • “Mga kasalanang hindi ko alam na nagawa ko” (12)

  • 20

    • Pagliligtas sa haring pinili ng Diyos

      • Nagtitiwala ang ilan sa mga karwahe at kabayo, “pero kami ay tumatawag sa pangalan ni Jehova” (7)

  • 21

    • Mga pagpapala sa haring nagtitiwala kay Jehova

      • Binigyan ng mahabang buhay ang hari (4)

      • Matatalo ang mga kaaway ng Diyos (8-12)

  • 22

    • Paghingi ng tulong at pagpuri

      • “Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (1)

      • “Pinagpapalabunutan nila ang kasuotan ko” (18)

      • Pagpuri sa Diyos sa kongregasyon (22, 25)

      • Sasambahin ng buong lupa ang Diyos (27)

  • 23

    • “Si Jehova ang aking Pastol”

      • “Hindi ako magkukulang ng anuman” (1)

      • “Pinagiginhawa niya ako” (3)

      • “Punong-puno ang aking kopa” (5)

  • 24

    • Pumapasok sa pintuang-daan ang maluwalhating Hari

      • “Kay Jehova ang lupa” (1)

  • 25

    • Panalangin para sa gabay at kapatawaran

      • “Ituro mo sa akin ang iyong mga landas” (4)

      • ‘Matalik na pakikipagkaibigan kay Jehova’ (14)

      • “Patawarin mo ang lahat ng kasalanan ko” (18)

  • 26

    • Lumalakad nang tapat

      • “O Jehova, suriin mo ako” (2)

      • Umiiwas sa masasamang kasama (4, 5)

      • ‘Lalakad ako sa palibot ng altar ng Diyos’ (6)

  • 27

    • Si Jehova ang moog ng buhay ko

      • Pagpapahalaga sa templo ng Diyos (4)

      • Kukupkupin ni Jehova kapag iniwan ng mga magulang (10)

      • “Umasa ka kay Jehova” (14)

  • 28

    • Dininig ang panalangin ng salmista

      • ‘Si Jehova ang aking lakas at kalasag’ (7)

  • 29

    • Makapangyarihan ang tinig ni Jehova

      • Sumamba nang may banal na kasuotan (2)

      • “Ang tinig ng maluwalhating Diyos ay gaya ng kulog” (3)

      • Pinalalakas ni Jehova ang bayan niya (11)

  • 30

    • Ang pagdadalamhati ay napalitan ng pagsasaya

      • Ang kabaitan ng Diyos ay panghabambuhay (5)

  • 31

    • Panganganlong kay Jehova

      • “Ipinagkakatiwala ko ang buhay ko sa kamay mo” (5)

      • ‘Si Jehova ang Diyos ng katotohanan’ (5)

      • Napakasagana ng kabutihan ng Diyos (19)

  • 32

    • Maligaya ang mga pinatawad

      • “Ipinagtapat ko sa iyo ang kasalanan ko” (5)

      • Bibigyan ka ng Diyos ng kaunawaan (8)

  • 33

    • Purihin ang Maylalang

      • “Umawit kayo sa kaniya ng bagong awit” (3)

      • Lumalang si Jehova sa pamamagitan ng kaniyang salita at espiritu (6)

      • Maligaya ang bayan ni Jehova (12)

      • Nagbabantay ang mga mata ni Jehova (18)

  • 34

    • Inililigtas ni Jehova ang mga lingkod niya

      • “Sama-sama nating luwalhatiin ang pangalan niya” (3)

      • Nagbibigay ng proteksiyon ang anghel ni Jehova (7)

      • “Subukan ninyo si Jehova at makikita ninyong mabuti siya” (8)

      • ‘Walang isa man sa mga buto niya ang nabali’ (20)

  • 35

    • Panalanging iligtas mula sa mga kaaway

      • Itataboy ang mga kaaway (5)

      • Pagpuri sa Diyos sa gitna ng maraming tao (18)

      • Kinapopootan nang walang dahilan (19)

  • 36

    • Napakahalaga ng tapat na pag-ibig ng Diyos

      • Ang masama ay hindi natatakot sa Diyos (1)

      • Ang Diyos ang bukal ng buhay (9)

      • ‘Sa iyong liwanag ay nakakakita kami ng liwanag’ (9)

  • 37

    • Pagpapalain ang mga nagtitiwala kay Jehova

      • Huwag kang magalit dahil sa masasama (1)

      • “Magkaroon ka ng masidhing kasiyahan kay Jehova” (4)

      • “Ipagkatiwala mo kay Jehova ang landasin mo” (5)

      • “Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa” (11)

      • Hindi mawawalan ng tinapay ang mga matuwid (25)

      • Ang mga matuwid ay titira sa lupa magpakailanman (29)

  • 38

    • Panalangin ng isang nagsisisi

      • “Naghihirap ang kalooban ko at lumong-lumo ako” (6)

      • Pinakikinggan ni Jehova ang mga naghihintay sa kaniya (15)

      • “Nababagabag ako dahil sa kasalanan ko” (18)

  • 39

    • Maikli ang buhay

      • Ang tao ay gaya lang ng isang hininga (5, 11)

      • “Huwag mong bale-walain ang mga luha ko” (12)

  • 40

    • Pasasalamat sa Diyos na walang katulad

      • Pasasalamat sa Diyos na walang katulad (5)

      • Hindi mga handog ang pinakamahalaga sa Diyos (6)

      • “Kaligayahan kong gawin ang kalooban mo” (8)

  • 41

    • Panalangin mula sa banig ng karamdaman

      • Inaalalayan ng Diyos ang mga maysakit (3)

      • Pinagtaksilan ng malapít na kaibigan (9)

  • 42

    • Pagpuri sa Diyos bilang Dakilang Tagapagligtas

      • Nauuhaw sa Diyos gaya ng usang nauuhaw sa tubig (1, 2)

      • “Bakit napakalungkot ko?” (5, 11)

      • “Maghihintay ako sa Diyos” (5, 11)

  • 43

    • Ang Diyos ay isang hukom na nagliligtas

      • ‘Isugo mo ang iyong liwanag at katotohanan’ (3)

      • “Bakit napakalungkot ko?” (5)

      • “Maghihintay ako sa Diyos” (5)

  • 44

    • Panalangin para sa tulong

      • “Ikaw ang nagligtas sa amin” (7)

      • Gaya ng “mga tupang papatayin” (22)

      • “Bumangon ka at tulungan mo kami!” (26)

  • 45

    • Kasal ng piniling hari

      • Kahali-halina ang pananalita (2)

      • “Ang Diyos ang trono mo magpakailanman” (6)

      • Nananabik ang hari sa kagandahan ng mapapangasawa niya (11)

      • Ang mga anak ang magiging matataas na opisyal sa buong lupa (16)

  • 46

    • “Ang Diyos ang ating kanlungan”

      • Kamangha-manghang mga gawa ng Diyos (8)

      • Pinatitigil ng Diyos ang mga digmaan sa buong lupa (9)

  • 47

    • Ang Diyos ang Hari sa buong lupa

      • ‘Si Jehova ay kamangha-mangha’ (2)

      • Umawit kayo ng mga papuri sa Diyos (6, 7)

  • 48

    • Sion, ang lunsod ng Dakilang Hari

      • Ang kagalakan ng buong lupa (2)

      • Suriin ninyo ang lunsod at ang mga tore nito (11-13)

  • 49

    • Walang saysay ang magtiwala sa kayamanan

      • Walang taong makatutubos sa kapuwa niya (7, 8)

      • Tinutubos ng Diyos ang mga nasa Libingan (15)

      • Ang kayamanan ay hindi makapagliligtas mula sa kamatayan (16, 17)

  • 50

    • Humahatol ang Diyos sa pagitan ng tapat at ng masama

      • Tipan ng Diyos sa pamamagitan ng handog (5)

      • “Ang Diyos mismo ay Hukom” (6)

      • Sa Diyos ang lahat ng hayop (10, 11)

      • Inilalantad ng Diyos ang masasama (16-21)

  • 51

    • Panalangin ng nagsisisi

      • Makasalanan mula pa nang ipaglihi (5)

      • “Dalisayin mo ako mula sa kasalanan ko” (7)

      • “Dalisayin mo ang puso ko” (10)

      • Nakalulugod sa Diyos ang durog na puso (17)

  • 52

    • Pagtitiwala sa tapat na pag-ibig ng Diyos

      • Babala sa nagyayabang ng kasamaan (1-5)

      • Sa kayamanan nagtitiwala ang mga di-makadiyos (7)

  • 53

    • Inilarawan ang mga mangmang

      • “Walang Jehova” (1)

      • “Walang gumagawa ng mabuti” (3)

  • 54

    • Pananalangin para sa tulong kapag napapalibutan ng kaaway

      • “Ang Diyos ang tumutulong sa akin” (4)

  • 55

    • Panalangin nang pagtaksilan ng kaibigan

      • Hinamak ng isang matalik na kaibigan (12-14)

      • “Ihagis mo kay Jehova ang pasanin mo” (22)

  • 56

    • Panalangin nang pag-usigin

      • “Sa Diyos ako nagtitiwala” (4)

      • “Ang mga luha ko sa iyong sisidlang balat” (8)

      • “Ano ang magagawa sa akin ng hamak na tao?” (4, 11)

  • 57

    • Humiling na kaawaan

      • Kanlungan sa lilim ng mga pakpak ng Diyos (1)

      • Nahulog sa sariling bitag ang mga kaaway (6)

  • 58

    • May Diyos na humahatol sa lupa

      • Panalangin na parusahan ang masasama (6-8)

  • 59

    • Ang Diyos, sanggalang at kanlungan

      • ‘Huwag kang magpakita ng awa sa mga taksil’ (5)

      • “Aawit ako tungkol sa iyong kalakasan” (16)

  • 60

    • Tinatalo ng Diyos ang mga kaaway

      • Walang saysay na umasa sa pagliligtas ng tao (11)

      • “Bibigyan kami ng Diyos ng lakas” (12)

  • 61

    • Ang Diyos ay isang matibay na tore laban sa kaaway

      • “Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda” (4)

  • 62

    • Ang tunay na kaligtasan ay nagmumula sa Diyos

      • “Tahimik akong naghihintay sa Diyos” (1, 5)

      • ‘Ibuhos ninyo sa Diyos ang laman ng puso ninyo’ (8)

      • Ang mga tao ay parang hininga lang (9)

      • Huwag magtiwala sa kayamanan (10)

  • 63

    • Nananabik sa Diyos

      • “Ang iyong tapat na pag-ibig ay mas mabuti kaysa sa buhay” (3)

      • ‘Nasisiyahan dahil sa pinakamabuti’ (5)

      • Iniisip-isip ang Diyos sa magdamag (6)

      • ‘Nakakapit ako sa Diyos’ (8)

  • 64

    • Proteksiyon mula sa lihim na pagsalakay

      • “Papanain sila ng Diyos” (7)

  • 65

    • Pinangangalagaan ng Diyos ang lupa

      • “Dumirinig ng panalangin” (2)

      • ‘Maligaya ang pinipili mo’ (4)

      • Saganang kabutihan ng Diyos (11)

  • 66

    • Kamangha-manghang mga gawa ng Diyos

      • “Halikayo at tingnan ninyo ang mga gawa ng Diyos” (5)

      • “Tutuparin ko ang mga panata ko sa iyo” (13)

      • Dinirinig ng Diyos ang mga panalangin (18-20)

  • 67

    • Matatakot sa Diyos ang mga tao sa buong lupa

      • Malalaman ng buong lupa ang daan ng Diyos (2)

      • ‘Purihin nawa ng lahat ng bayan ang Diyos’ (3, 5)

      • “Pagpapalain tayo ng Diyos” (6, 7)

  • 68

    • ‘Mangalat nawa ang mga kaaway ng Diyos’

      • “Ama ng mga batang walang ama” (5)

      • “Ang Diyos ay nagbibigay ng tahanan sa mga nag-iisa” (6)

      • Ang mga babae ay naghahayag ng mabuting balita (11)

      • Mga tao bilang regalo (18)

      • ‘Dinadala ni Jehova ang pasan natin araw-araw’ (19)

  • 69

    • Panalangin para maligtas

      • “Nag-aalab ang sigasig ko para sa iyong bahay” (9)

      • “Sagutin mo ako agad” (17)

      • “Sukà ang ibinigay nila sa akin” (21)

  • 70

    • Paghiling ng agarang tulong

      • “Kumilos ka agad para sa akin” (5)

  • 71

    • Ang pinagtitiwalaan ng mga may-edad

      • Nagtitiwala sa Diyos mula pa sa pagkabata (5)

      • “Kapag mahina na ako” (9)

      • ‘Tinuruan ako ng Diyos mula pa sa pagkabata’ (17)

  • 72

    • Ang mapayapang pamamahala ng haring pinili ng Diyos

      • “Mamumukadkad ang matuwid” (7)

      • Mga sakop mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat (8)

      • Sasagipin mula sa karahasan (14)

      • Saganang butil sa lupa (16)

      • Pupurihin ang pangalan ng Diyos magpakailanman (19)

  • 73

    • Bumalik ang espirituwal na pananaw ng isang makadiyos na tao

      • “Muntik nang maligaw ang mga paa ko” (2)

      • “Buong araw akong naghihirap” (14)

      • ‘Hanggang sa pumasok ako sa santuwaryo ng Diyos’ (17)

      • Nasa madulas na lugar ang masasama (18)

      • Nakakabuti ang paglapit sa Diyos (28)

  • 74

    • Panalangin na alalahanin ng Diyos ang bayan niya

      • Inalaala ang mga pagliligtas ng Diyos (12-17)

      • “Alalahanin mo ang panghahamak ng kaaway” (18)

  • 75

    • Humahatol nang patas ang Diyos

      • Iinumin ng masasama ang nasa kopa ni Jehova (8)

  • 76

    • Tagumpay ng Diyos laban sa mga kaaway ng Sion

      • Inililigtas ng Diyos ang maaamo (9)

      • Ibababa ang hambog na mga kaaway (12)

  • 77

    • Panalangin sa panahon ng pagdurusa

      • Pagbubulay-bulay sa mga gawa ng Diyos (11, 12)

      • ‘Sino ang kasindakila mo, O Diyos?’ (13)

  • 78

    • Pangangalaga ng Diyos at kawalan ng pananampalataya ng Israel

      • Sabihin sa susunod na henerasyon (2-8)

      • “Hindi sila nanampalataya sa Diyos” (22)

      • “Butil mula sa langit” (24)

      • “Sinaktan nila ang Banal ng Israel” (41)

      • Mula sa Ehipto papunta sa Lupang Pangako (43-55)

      • “Patuloy nilang hinamon ang Diyos” (56)

  • 79

    • Panalangin nang salakayin ng mga bansa ang bayan ng Diyos

      • “Hinahamak kami” (4)

      • ‘Tulungan mo kami alang-alang sa iyong pangalan’ (9)

      • “Gantihan mo nang pitong ulit ang kalapít naming mga bansa” (12)

  • 80

    • Panalangin na tanggaping muli ng Pastol ng Israel

      • “O Diyos, tanggapin mo kaming muli” (3)

      • Israel bilang punong ubas ng Diyos (8-15)

  • 81

    • Payo na sumunod sa Diyos

      • Huwag sumamba sa diyos ng mga banyaga (9)

      • ‘Kung makikinig ka lang’ (13)

  • 82

    • Maging matuwid sa paghatol

      • Humahatol ang Diyos sa gitna ng “mga diyos” (1)

      • ‘Ipagtanggol ang mahihina’ (3)

      • “Kayo ay mga diyos” (6)

  • 83

    • Panalangin nang mapaharap sa mga kaaway

      • “O Diyos, huwag kang manahimik” (1)

      • Ang mga kaaway ay gaya ng dawag na gumugulong (13)

      • Ang pangalan ng Diyos ay Jehova (18)

  • 84

    • Nananabik sa maringal na tabernakulo ng Diyos

      • Gusto ng Levita na maging gaya ng ibon (3)

      • “Isang araw sa mga looban mo” (10)

      • ‘Ang Diyos ay araw at kalasag’ (11)

  • 85

    • Panalangin para muling tanggapin ng Diyos

      • Maghahayag ang Diyos ng kapayapaan sa mga tapat (8)

      • Magkikita ang tapat na pag-ibig at katapatan (10)

  • 86

    • Walang diyos na gaya ni Jehova

      • Handang magpatawad si Jehova (5)

      • Lahat ng bansa ay sasamba kay Jehova (9)

      • “Turuan mo ako tungkol sa iyong daan” (11)

      • “Tulungan mo akong matakot sa pangalan mo nang buong puso” (11)

  • 87

    • Sion, ang lunsod ng tunay na Diyos

      • Ang mga ipinanganak sa Sion (4-6)

  • 88

    • Panalangin na iligtas sa kamatayan

      • “Ang buhay ko ay napakalapit na sa Libingan” (3)

      • “Bawat umaga ay nananalangin ako sa iyo” (13)

  • 89

    • Awit tungkol sa tapat na pag-ibig ni Jehova

      • Tipan kay David (3)

      • Mananatili magpakailanman ang supling ni David (4)

      • Ang Diyos ay tinatawag na “Ama” ng kaniyang pinili (26)

      • Hindi masisira ang tipan kay David (34-37)

      • Hindi matatakasan ng tao ang Libingan (48)

  • 90

    • Walang-hanggang Diyos at tao na maikli ang buhay

      • ‘Ang isang libong taon ay tulad ng isang araw na nagdaan’ (4)

      • Ang buhay ng tao ay 70-80 taon (10)

      • “Ituro mo sa amin kung paano bibilangin ang mga araw namin” (12)

  • 91

    • Proteksiyon sa lihim na lugar ng Diyos

      • Iniligtas mula sa manghuhuli ng ibon (3)

      • Manganlong sa ilalim ng mga pakpak ng Diyos (4)

      • Ligtas kahit libo-libo ang nabubuwal (7)

      • Inutusan ang mga anghel na magbantay (11)

  • 92

    • Dadakilain si Jehova magpakailanman

      • Ang kaniyang dakilang mga gawa at malalim na kaisipan (5)

      • “Ang matuwid ay yayabong na gaya ng puno” (12)

      • Magiging mabunga pa rin kahit sa pagtanda (14)

  • 93

    • Maringal na pamamahala ni Jehova

      • “Si Jehova ay naging Hari!” (1)

      • “Mapagkakatiwalaan ang mga paalaala mo” (5)

  • 94

    • Panalangin para maghiganti ang Diyos

      • “Hanggang kailan magsasaya ang masasama?” (3)

      • Maligaya ang itinutuwid ni Jah (12)

      • Hindi pababayaan ng Diyos ang bayan niya (14)

      • “Nagpapakana ng kapahamakan sa ngalan ng batas” (20)

  • 95

    • Tunay na pagsamba at pagsunod

      • “Ngayon, kung nakikinig kayo sa tinig niya” (7)

      • “Huwag ninyong patigasin ang puso ninyo” (8)

      • “Hindi sila papasok sa kapahingahan ko” (11)

  • 96

    • “Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit”

      • ‘Si Jehova ay karapat-dapat sa lahat ng papuri’ (4)

      • Walang silbi ang mga diyos ng mga bansa (5)

      • Sumamba nang may banal na kasuotan (9)

  • 97

    • Nakatataas si Jehova sa iba pang diyos

      • “Si Jehova ay naging Hari!” (1)

      • Ibigin si Jehova, kapootan ang kasamaan (10)

      • Liwanag para sa mga matuwid (11)

  • 98

    • Si Jehova, Tagapagligtas at matuwid na Hukom

      • Ipinakita ni Jehova ang kaniyang pagliligtas (2, 3)

  • 99

    • Si Jehova ang banal na Hari

      • Nakaupo sa trono sa ibabaw ng mga kerubin (1)

      • Diyos na nagpapaumanhin at nagpaparusa (8)

  • 100

    • Magpasalamat sa Maylalang

      • “Maglingkod kayo nang masaya kay Jehova” (2)

      • ‘Ang Diyos ang gumawa sa atin’ (3)

  • 101

    • Tapat na tagapamahala

      • ‘Hindi ko kukunsintihin ang pagmamataas’ (5)

      • “Titingin ako sa mga tapat” (6)

  • 102

    • Panalangin ng nagdurusa at pinanghihinaan ng loob

      • “Para akong ibong nag-iisa” (7)

      • ‘Ang mga araw ko ay aninong naglalaho’ (11)

      • “Muling itatayo ni Jehova ang Sion” (16)

      • Si Jehova ay mananatili magpakailanman (26, 27)

  • 103

    • “Pupurihin ko si Jehova”

      • Inilalayo ng Diyos ang mga kasalanan natin (12)

      • Nagpapakita ng awa ang Diyos gaya ng isang ama (13)

      • Inaalaala ng Diyos na tayo ay alabok (14)

      • Ang trono at paghahari ni Jehova (19)

      • Tinutupad ng mga anghel ang salita ng Diyos (20)

  • 104

    • Pagpuri sa Diyos dahil sa kamangha-mangha niyang paglalang

      • Mananatili magpakailanman ang lupa (5)

      • Alak at tinapay para sa tao (15)

      • “Napakarami ng mga gawa mo!” (24)

      • ‘Kapag inalis ang hininga, namamatay sila’ (29)

  • 105

    • Tapat si Jehova sa bayan niya

      • Naaalaala ng Diyos ang tipan niya (8-10)

      • “Huwag ninyong sasaktan ang mga pinili ko” (15)

      • Ginamit ng Diyos si Jose, na naging alipin (17-22)

      • Mga himala ng Diyos sa Ehipto (23-36)

      • Pag-alis ng Israel sa Ehipto (37-39)

      • Naalaala ng Diyos ang pangako niya kay Abraham (42)

  • 106

    • Hindi nagpahalaga ang Israel

      • Nakalimutan nila agad ang mga ginawa ng Diyos (13)

      • Ipinagpalit sa imahen ng toro ang kaluwalhatian ng Diyos (19, 20)

      • Hindi sila nanampalataya sa pangako ng Diyos (24)

      • Sumama sila sa pagsamba kay Baal (28)

      • Inihandog ang mga anak sa mga demonyo (37)

  • 107

    • Magpasalamat sa Diyos dahil sa kamangha-mangha niyang mga gawa

      • Inakay niya sila sa tamang daan (7)

      • Pinainom niya ang uhaw at binusog ang gutom (9)

      • Inilabas niya sila mula sa kadiliman (14)

      • Isinugo niya ang salita niya para pagalingin sila (20)

      • Pinoprotektahan niya ang mahihirap mula sa pang-aapi (41)

  • 108

    • Panalangin para magtagumpay laban sa mga kaaway

      • Walang saysay na umasa sa pagliligtas ng tao (12)

      • “Bibigyan kami ng Diyos ng lakas” (13)

  • 109

    • Panalangin ng taong naghihirap ang kalooban

      • “Kunin nawa ng iba ang katungkulan niya” (8)

      • Tumatayo ang Diyos sa tabi ng dukha (31)

  • 110

    • Hari at saserdote gaya ni Melquisedec

      • ‘Mamahala ka sa mga kaaway mo’ (2)

      • Mga kabataang nagkukusang-loob gaya ng mga patak ng hamog (3)

  • 111

    • Purihin si Jehova dahil dakila ang mga gawa niya

      • Banal at lubhang kagalang-galang ang pangalan ng Diyos (9)

      • Ang pagkatakot kay Jehova ay karunungan (10)

  • 112

    • Natatakot kay Jehova ang taong matuwid

      • Ang bukas-palad na nagpapahiram ay sasagana (5)

      • “Ang matuwid ay aalalahanin magpakailanman” (6)

      • Ang bukas-palad ay nagbibigay sa dukha (9)

  • 113

    • Ang Diyos sa kaitaasan ay nagbabangon sa mga hamak

      • Pupurihin magpakailanman ang pangalan ni Jehova (2)

      • Yumuyuko ang Diyos (6)

  • 114

    • Iniligtas ang Israel mula sa Ehipto

      • Tumakas ang dagat (5)

      • Naglulukso ang mga bundok na gaya ng barakong tupa (6)

      • Ginawang bukal ang matigas na bato (8)

  • 115

    • Sa Diyos lang ang kaluwalhatian

      • Walang-buhay na mga idolo (4-8)

      • Ibinigay ang lupa sa tao (16)

      • “Hindi pumupuri kay Jah ang mga patay” (17)

  • 116

    • Awit ng pasasalamat

      • “Ano ang igaganti ko kay Jehova?” (12)

      • “Kukunin ko ang kopa ng kaligtasan” (13)

      • “Tutuparin ko ang mga panata ko kay Jehova” (14, 18)

      • Napakalaking kawalan ang kamatayan ng mga tapat (15)

  • 117

    • Panawagan sa lahat ng bansa na purihin si Jehova

      • Ang tapat na pag-ibig ng Diyos ay dakila (2)

  • 118

    • Pasasalamat sa tagumpay ni Jehova

      • ‘Tumawag ako kay Jah, at sumagot siya’ (5)

      • “Kakampi ko si Jehova” (6, 7)

      • Ang bato na itinakwil ay magiging pangunahing batong-panulok (22)

      • “Ang dumarating sa pangalan ni Jehova” (26)

  • 119

    • Pagpapasalamat sa napakahalagang salita ng Diyos

      • ‘Paano mapananatiling malinis ng kabataan ang landas niya?’ (9)

      • “Kalugod-lugod sa akin ang mga paalaala mo” (24)

      • “Ang salita mo ang pag-asa ko” (74, 81, 114)

      • “Mahal na mahal ko ang kautusan mo!” (97)

      • “Mas may unawa ako kaysa sa lahat ng guro ko” (99)

      • “Ang salita mo ay lampara sa aking paa” (105)

      • “Katotohanan ang diwa ng salita mo” (160)

      • May kapayapaan ang mga umiibig sa kautusan ng Diyos (165)

  • 120

    • Dayuhang naghahangad ng kapayapaan

      • ‘Iligtas mo ako sa mapandayang dila’ (2)

      • “Ako ay para sa kapayapaan” (7)

  • 121

    • Binabantayan ni Jehova ang bayan niya

      • “Si Jehova ang tumutulong sa akin” (2)

      • Hindi natutulog si Jehova (3, 4)

  • 122

    • Panalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem

      • Masayang pumunta sa bahay ni Jehova (1)

      • Isang lunsod na pinagkaisa (3)

  • 123

    • Umaasa kay Jehova para sa awa

      • ‘Gaya ng mga lingkod, nakatingin tayo kay Jehova’ (2)

      • “Labis-labis na kaming hinahamak” (3)

  • 124

    • “Kung hindi pumanig sa atin si Jehova”

      • Nakatakas sa nasirang bitag (7)

      • “Ang kaligtasan natin ay nasa pangalan ni Jehova” (8)

  • 125

    • Pinoprotektahan ni Jehova ang bayan niya

      • “Kung paanong napapalibutan ng mga bundok ang Jerusalem” (2)

      • “Magkaroon nawa ng kapayapaan sa Israel” (5)

  • 126

    • Masayang pagbabalik sa Sion

      • “Si Jehova ay gumawa ng dakilang mga bagay” (3)

      • Ang pag-iyak ay mapapalitan ng kagalakan (5, 6)

  • 127

    • Kung wala ang Diyos, walang saysay ang lahat ng bagay

      • “Kung hindi si Jehova ang nagtatayo ng bahay” (1)

      • Ang mga anak ay gantimpala mula sa Diyos (3)

  • 128

    • Maligaya ang natatakot kay Jehova

      • Ang asawang babae ay gaya ng mabungang punong ubas (3)

      • “Makita mo nawa ang kasaganaan ng Jerusalem” (5)

  • 129

    • Pinahirapan pero hindi natalo

      • Ipinahiya ang mga napopoot sa Sion (5)

  • 130

    • “Mula sa kalaliman ay tumatawag ako sa iyo”

      • “Kung mga pagkakamali ang binabantayan mo” (3)

      • Tunay na kapatawaran mula kay Jehova (4)

      • “Hinihintay ko si Jehova nang may pananabik” (6)

  • 131

    • Kontentong gaya ng batang inawat na sa pagsuso

      • Hindi naghahangad ng napakadakilang mga bagay (1)

  • 132

    • Pinili si David at ang Sion

      • “Huwag mong itakwil ang pinili mo” (10)

      • Dinamtan ng kaligtasan ang mga saserdote ng Sion (16)

  • 133

    • Magkakasama at nagkakaisa

      • Gaya ng langis sa ulo ni Aaron (2)

      • Gaya ng hamog sa Hermon (3)

  • 134

    • Pagpuri sa Diyos kung gabi

      • “Itaas ninyo ang mga kamay ninyo taglay ang kabanalan” (2)

  • 135

    • Purihin si Jah dahil sa kadakilaan niya

      • Mga tanda at himala laban sa Ehipto (8, 9)

      • “Ang pangalan mo ay mananatili magpakailanman” (13)

      • Walang-buhay na mga idolo (15-18)

  • 136

    • Ang tapat na pag-ibig ni Jehova ay walang hanggan

      • Mahusay ang pagkakagawa sa langit at lupa (5, 6)

      • Namatay ang Paraon sa Dagat na Pula (15)

      • Inaalaala ng Diyos ang mga nalugmok (23)

      • Pagkain para sa lahat ng nabubuhay (25)

  • 137

    • Sa tabi ng mga ilog ng Babilonya

      • Hindi kinanta ang mga awit ng Sion (3, 4)

      • Wawasakin ang Babilonya (8)

  • 138

    • Kahit mataas ang Diyos, nagmamalasakit siya

      • ‘Sinagot mo ang panalangin ko’ (3)

      • ‘Sa gitna ng panganib, inililigtas mo ako’ (7)

  • 139

    • Kilalang-kilala ng Diyos ang mga lingkod niya

      • Walang makatatakas sa espiritu ng Diyos (7)

      • “Kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin” (14)

      • ‘Nakita mo ako noong binhi pa lang ako’ (16)

      • “Akayin mo ako sa landas ng walang hanggan” (24)

  • 140

    • Si Jehova ang makapangyarihang Tagapagligtas

      • Ang masasama ay gaya ng ahas (3)

      • Pababagsakin ang mararahas (11)

  • 141

    • Panalangin para sa proteksiyon

      • ‘Ang panalangin ko nawa ay maging gaya ng insenso’ (2)

      • Ang pagsaway ng matuwid ay gaya ng langis (5)

      • Mahuhulog ang masasama sa sarili nilang lambat (10)

  • 142

    • Panalangin para iligtas sa mga mang-uusig

      • “Wala akong matakasan” (4)

      • ‘Ikaw ang tanging pag-asa ko’ (5)

  • 143

    • Uhaw sa Diyos gaya ng tuyong lupain

      • ‘Binubulay-bulay ko ang mga gawa mo’ (5)

      • “Turuan mo akong gawin ang kalooban mo” (10)

      • ‘Patnubayan nawa ako ng mabuti mong espiritu’ (10)

  • 144

    • Panalangin para sa tagumpay

      • ‘Ano ang taong mortal?’ (3)

      • ‘Mangalat nawa ang mga kaaway’ (6)

      • Maligaya ang bayan ni Jehova (15)

  • 145

    • Pagpuri sa Diyos, ang dakilang Hari

      • ‘Ihahayag ko ang kadakilaan ng Diyos’ (6)

      • “Si Jehova ay mabuti sa lahat” (9)

      • “Pupurihin ka ng mga tapat sa iyo” (10)

      • Walang-hanggang paghahari ng Diyos (13)

      • Ibinibigay ng Diyos ang inaasam ng lahat (16)

  • 146

    • Umasa sa Diyos, hindi sa tao

      • Kapag namatay ang tao, naglalaho ang pag-iisip niya (4)

      • Itinatayo ng Diyos ang mga nakayukod (8)

  • 147

    • Pagpuri sa maibigin at makapangyarihang mga gawa ng Diyos

      • Pinagagaling niya ang mga may pusong nasasaktan (3)

      • Tinatawag niya sa pangalan ang lahat ng bituin (4)

      • “Nagsusugo siya ng niyebe na parang lana” (16)

  • 148

    • Pupurihin si Jehova ng lahat ng nilalang

      • “Purihin ninyo siya, kayong lahat na mga anghel niya” (2)

      • ‘Purihin ninyo siya, kayong araw, buwan, at mga bituin’ (3)

      • Pupuri sa Diyos ang bata at matanda (12, 13)

  • 149

    • Awit ng papuri sa tagumpay ng Diyos

      • Nalulugod ang Diyos sa bayan niya (4)

      • Pararangalan ang mga tapat sa Diyos (9)

  • 150

    • Purihin si Jah ng lahat ng humihinga

      • Hallelujah! (1, 6)