Ikalawang Cronica 27:1-9

27  Si Jotam+ ay 25 taóng gulang nang maging hari, at 16 na taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Jerusah na anak ni Zadok.+ 2  Patuloy niyang ginawa ang tama sa paningin ni Jehova, gaya ng ginawa ng ama niyang si Uzias,+ maliban sa hindi niya pinasok ang templo ni Jehova.+ Pero ang bayan ay gumagawi pa rin nang kapaha-pahamak. 3  Itinayo niya ang mataas na pintuang-daan ng bahay ni Jehova,+ at pinatibay niya ang pader ng Opel.+ 4  Nagtayo rin siya ng mga lunsod+ sa mabundok na rehiyon ng Juda,+ at nagtayo siya ng mga tanggulan+ at mga tore+ sa mga kakahuyan. 5  Nakipagdigma siya sa hari ng mga Ammonita+ at nang maglaon ay natalo niya sila, kaya ang mga Ammonita ay nagbigay sa kaniya nang taóng iyon ng 100 talento* ng pilak, 10,000 kor* ng trigo, at 10,000 kor ng sebada. Ganito rin ang ibinayad sa kaniya ng mga Ammonita sa ikalawa at ikatlong taon.+ 6  Patuloy na naging makapangyarihan si Jotam, dahil determinado siyang lumakad sa mga daan ng Diyos niyang si Jehova. 7  Ang iba pang nangyari kay Jotam, ang lahat ng kaniyang pakikipagdigma at mga ginawa, ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel at ng Juda.+ 8  Siya ay 25 taóng gulang nang maging hari, at 16 na taon siyang namahala sa Jerusalem.+ 9  Pagkatapos, si Jotam ay namatay,* at inilibing nila siya sa Lunsod ni David.+ At ang anak niyang si Ahaz ang naging hari kapalit niya.+

Talababa

Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang kor ay 220 L. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”

Study Notes

Media