Unang Liham ni Pedro 3:1-22

3  Sa katulad na paraan, kayong mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong asawang lalaki,+ para kung siya ay hindi masunurin sa salita, makumbinsi siya nang walang salita dahil sa paggawi ng asawa niya,+ 2  dahil nakikita niya ang inyong malinis na paggawi+ at matinding paggalang. 3  Ang inyong ganda ay huwag maging sa panlabas—ang pagtitirintas ng buhok at pagsusuot ng mga gintong palamuti+ o magagandang damit— 4  kundi sa panloob na pagkatao,* ang tahimik at mahinahong espiritu, na mga palamuting hindi nasisira+ at napakahalaga sa paningin ng Diyos. 5  Dahil ganiyan ang kagandahan ng banal na mga babae noon na nagtitiwala sa Diyos; nagpapasakop sila sa asawa nila, 6  gaya ng pagsunod ni Sara kay Abraham, na tinatawag niyang panginoon.+ At kayo ay mga anak niya kung patuloy kayong gagawa ng mabuti at hindi magpapadala sa takot.+ 7  Sa katulad na paraan din, kayong mga asawang lalaki, patuloy kayong mamuhay kasama ng inyong asawa at makitungo sa kanila ayon sa kaalaman.* Bigyan ninyo sila ng karangalang+ gaya ng sa mas mahinang sisidlan, na katangian ng mga babae, dahil sila rin ay kasama ninyong magmamana+ ng walang-kapantay na regalong buhay, para hindi mahadlangan ang mga panalangin ninyo. 8  Isa pa, lahat kayo ay magkaisa sa pag-iisip,*+ magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid, maging mahabagin at magiliw,+ at maging mapagpakumbaba.+ 9  Huwag kayong gumanti ng pinsala sa pinsala+ o ng pang-iinsulto sa pang-iinsulto.+ Sa halip, gumanti kayo ng pagpapala,+ dahil tinawag kayo sa landasing ito, para kayo ay magmana ng pagpapala. 10  Dahil “ang sinumang nagpapahalaga sa buhay at gustong magkaroon ng maliligayang araw ay dapat pumigil sa dila niya sa pagsasalita ng masama+ at sa labi niya sa pagsasalita ng panlilinlang. 11  Talikuran niya ang masama+ at gawin ang mabuti;+ hanapin niya ang kapayapaan at itaguyod iyon.+ 12  Dahil ang mga mata ni Jehova* ay nakatingin sa mga matuwid, at ang mga tainga niya ay nakikinig sa kanilang pagsusumamo,+ pero si Jehova* ay laban sa mga gumagawa ng masama.”+ 13  At sino ang makagagawa sa inyo ng masama kung magiging masigasig kayo sa mabuti?+ 14  Pero kung magdusa man kayo alang-alang sa katuwiran, maligaya kayo.+ Gayunman, huwag kayong matakot sa kinatatakutan* nila at huwag kayong maligalig.+ 15  Kundi pabanalin ninyo ang Kristo bilang Panginoon sa mga puso ninyo, na laging handang ipagtanggol ang inyong pag-asa sa harap ng lahat ng humihingi ng paliwanag tungkol dito, pero ginagawa iyon nang mahinahon+ at may matinding paggalang.+ 16  Panatilihin ninyong malinis ang konsensiya ninyo,+ para anuman ang sinasabi nila laban sa inyo, mapahiya sila+ dahil sa mabuti ninyong paggawi bilang mga tagasunod ni Kristo.+ 17  Dahil mas mabuti ang magdusa dahil gumagawa kayo ng mabuti,+ kung kalooban ng Diyos na ipahintulot ito, kaysa magdusa dahil gumagawa kayo ng masama.+ 18  Dahil si Kristo ay namatay nang minsanan para sa mga kasalanan,+ isang taong matuwid para sa mga di-matuwid,+ para maakay kayo sa Diyos.+ Pinatay siya na laman+ pero binuhay bilang espiritu.+ 19  At sa kalagayang ito ay pumunta siya at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,+ 20  na naging masuwayin noong matiyagang naghihintay ang Diyos noong panahon ni Noe,+ habang itinatayo ang arka,+ kung saan iilang tao, walong tao,* ang nakaligtas sa tubig.+ 21  Ang bautismo, na katumbas nito, ay nagliligtas din ngayon sa inyo (hindi sa pamamagitan ng pag-aalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling sa Diyos ng isang malinis na konsensiya),+ sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo. 22  Siya ay nasa kanan ng Diyos,+ dahil umakyat siya sa langit, at ang mga anghel at ang mga awtoridad at ang mga kapangyarihan ay ipinasakop sa kaniya.+

Talababa

O “sa lihim na pagkatao ng puso.”
O “at magpakita ng konsiderasyon sa kanila; at unawain sila.”
O “ay magkasundo sa iniisip.”
Lit., “pero ang mukha ni Jehova.” Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
O posibleng “mga banta.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Study Notes

Media