Unang Hari 19:1-21
19 Pagkatapos, sinabi ni Ahab+ kay Jezebel+ ang lahat ng ginawa ni Elias, pati ang pagpatay nito sa lahat ng propeta sa pamamagitan ng espada.+
2 Kaya nagpadala si Jezebel ng mensahero kay Elias para sabihin: “Bigyan nawa ako ng mga diyos ng mabigat na parusa kung sa ganitong oras bukas ay hindi kita gagawing gaya ng bawat isa sa kanila!”
3 Natakot si Elias, at tumakas siya para iligtas ang buhay niya.+ Nakarating siya sa Beer-sheba,+ na sakop ng Juda,+ at iniwan niya roon ang tagapaglingkod niya.
4 Pagkatapos, isang araw siyang naglakbay papunta sa ilang. Umupo siya sa ilalim ng isang punong retama at hiniling niya na mamatay na sana siya.* Sinabi niya: “Hindi ko na kaya! O Jehova, kunin mo na ang buhay* ko,+ dahil hindi ako nakahihigit sa mga ninuno ko.”
5 Pagkatapos, humiga siya at nakatulog sa ilalim ng punong retama. Mayamaya, isang anghel ang humipo sa kaniya+ at nagsabi: “Bumangon ka at kumain.”+
6 At nakita niya sa ulunan niya ang isang bilog na tinapay sa ibabaw ng pinainit na mga bato at isang banga ng tubig. Kumain siya at uminom at humiga ulit.
7 Mayamaya, bumalik ang anghel ni Jehova at hinipo siya at sinabi: “Bumangon ka at kumain, dahil mahirap ang gagawin mong paglalakbay.”
8 Kaya bumangon siya at kumain at uminom, at dahil sa pagkaing iyon, nagkaroon siya ng lakas para makapaglakbay nang 40 araw at 40 gabi hanggang sa makarating siya sa Horeb, ang bundok ng tunay na Diyos.+
9 Pumasok siya sa isang kuweba+ at doon nagpalipas ng gabi; at sinabi sa kaniya ni Jehova: “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?”
10 Sumagot siya: “Naglingkod ako nang napakasigasig kay Jehova na Diyos ng mga hukbo;+ dahil tinalikuran ng bayang Israel ang iyong tipan,+ giniba nila ang mga altar mo, at pinatay nila ang mga propeta mo,+ at ako na lang ang natitira. Ngayon ay gusto nila akong patayin.”+
11 Pero sinabi Niya: “Lumabas ka at tumayo sa bundok sa harap ni Jehova.” At dumaan si Jehova,+ at isang napakalakas na hangin ang humati sa mga bundok at bumasag sa malalaking bato sa harap ni Jehova,+ pero si Jehova ay wala sa hangin. Ang hangin ay sinundan ng lindol,+ pero si Jehova ay wala sa lindol.
12 Ang lindol ay sinundan naman ng apoy,+ pero si Jehova ay wala sa apoy. Pagkatapos nito, narinig niya ang isang kalmado at mahinang tinig.+
13 Nang marinig iyon ni Elias, binalot niya ang mukha niya ng kaniyang opisyal na damit,+ at lumabas siya at tumayo sa pasukan ng kuweba. Pagkatapos, may tinig na nagtanong sa kaniya: “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?”
14 Sumagot siya: “Naglingkod ako nang napakasigasig kay Jehova na Diyos ng mga hukbo; dahil tinalikuran ng bayang Israel ang iyong tipan,+ giniba nila ang mga altar mo, at pinatay nila ang mga propeta mo, at ako na lang ang natitira. Ngayon ay gusto nila akong patayin.”+
15 Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Bumalik ka, at pumunta ka sa ilang ng Damasco. Pagdating mo roon, atasan* mo si Hazael+ bilang hari ng Sirya.
16 At atasan* mo si Jehu+ na apo ni Nimsi bilang hari ng Israel, at atasan* mo si Eliseo* na anak ni Sapat mula sa Abel-mehola bilang propeta na kahalili mo.+
17 Sinumang makatatakas sa espada ni Hazael+ ay papatayin ni Jehu;+ at sinumang makatatakas sa espada ni Jehu ay papatayin ni Eliseo.+
18 At mayroon pa akong 7,000 sa Israel+ na hindi lumuhod kay Baal+ at hindi humalik sa kaniya.”+
19 Kaya umalis siya roon at nakita niya si Eliseo na anak ni Sapat habang nag-aararo ito. Nasa unahan ni Eliseo ang 12 pares ng toro, at naroon si Eliseo sa ika-12 pares. Nilapitan siya ni Elias at inihagis sa kaniya ang opisyal na damit nito.+
20 Kaya iniwan niya ang mga toro at hinabol si Elias at sinabi: “Pakisuyo, pahintulutan mo akong humalik sa aking ama at ina. Pagkatapos, susunod ako sa iyo.” Sumagot si Elias: “Sige, umuwi ka; hindi kita pinipigilan.”
21 Kaya umuwi siya at kumuha ng isang pares ng toro at kinatay* ang mga iyon. Ipinanggatong niya ang pang-araro para pakuluan ang karne ng mga toro at ibinigay ito sa mga tao, at kumain sila. Pagkatapos, sumunod siya kay Elias at naglingkod dito.+
Talababa
^ Lit., “pahiran.”
^ Ibig sabihin, “Ang Diyos ay Kaligtasan.”
^ Lit., “pahiran.”
^ Lit., “pahiran.”
^ O “inihandog.”