Mateo 14:1-36

14  Nang mismong panahong iyon ay narinig ni Herodes, na tagapamahala ng distrito, ang ulat tungkol kay Jesus+  at nagsabi sa kaniyang mga lingkod: “Ito ay si Juan Bautista. Ibinangon siya mula sa mga patay, at ito ang dahilan kung bakit kumikilos sa kaniya ang makapangyarihang mga gawa.”+  Sapagkat si Herodes ang umaresto kay Juan at naggapos sa kaniya at naglagay sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid.+  Sapagkat sinasabi ni Juan sa kaniya: “Hindi kaayon ng kautusan na mapasaiyo siya.”+  Gayunman, bagaman ibig niya siyang patayin, kinatatakutan niya ang pulutong, sapagkat itinuturing nila siya bilang isang propeta.+  Ngunit nang ipagdiwang ang kaarawan+ ni Herodes ay sumayaw roon ang anak na babae ni Herodias at labis na napalugdan si Herodes  kung kaya nangako siya nang may sumpa na ibibigay sa kaniya ang anumang hingin niya.+  Sa gayon, sa turo ng kaniyang ina ay sinabi niya: “Ibigay mo sa akin dito sa isang bandehado ang ulo ni Juan Bautista.”+  Bagaman napighati siya, ang hari ay nag-utos na ibigay iyon dahil sa kaniyang mga sumpa at dahil doon sa mga nakahilig na kasama niya;+ 10  at nagsugo siya at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. 11  At ang kaniyang ulo ay dinala na nasa isang bandehado at ibinigay sa dalaga, at dinala niya ito sa kaniyang ina.+ 12  Sa wakas ay dumating ang kaniyang mga alagad at inalis ang bangkay at inilibing siya+ at pumaroon at nag-ulat kay Jesus. 13  Sa pagkarinig nito ay umalis si Jesus mula roon sakay ng bangka patungo sa isang liblib na dako upang mapabukod;+ ngunit ang mga pulutong, nang marinig iyon, ay sumunod sa kaniya na naglalakad mula sa mga lunsod. 14  Ngayon nang lumabas siya ay nakita niya ang isang malaking pulutong; at nahabag+ siya sa kanila, at pinagaling niya ang kanilang mga maysakit.+ 15  Ngunit nang sumapit ang gabi ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya at nagsabi: “Ang dako ay liblib at ang oras ay napakalalim na; payaunin mo ang mga pulutong, upang sila ay makaparoon sa mga nayon at makabili ng mga bagay na makakain para sa kanilang sarili.”+ 16  Gayunman, sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi sila kailangang umalis: bigyan ninyo sila ng makakain.”+ 17  Sinabi nila sa kaniya: “Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.”+ 18  Sinabi niya: “Dalhin ninyo rito sa akin ang mga iyon.” 19  Kasunod nito ay inutusan niya ang mga pulutong na humilig sa damuhan at kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, at, pagtingala sa langit, bumigkas siya ng pagpapala+ at, pagkatapos na pagputul-putulin ang mga tinapay, ipinamahagi niya ang mga iyon sa mga alagad, ang mga alagad naman sa mga pulutong.+ 20  Kaya ang lahat ay kumain at nabusog, at tinipon nila ang labis na mga pira-piraso, labindalawang basket na punô.+ 21  Ngunit yaong mga kumain ay mga limang libong lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata.+ 22  Pagkatapos, walang pagpapaliban, pinilit niya ang kaniyang mga alagad na lumulan sa bangka at mauna sa kaniya sa kabilang ibayo, habang pinayayaon niya ang mga pulutong.+ 23  Nang bandang huli, nang mapayaon ang mga pulutong, umahon siya sa bundok nang bukod upang manalangin.+ Bagaman gabi na, naroon siyang mag-isa. 24  Sa ngayon ang bangka ay maraming daang metro na ang layo mula sa lupa, na napahihirapan ng mga alon,+ sapagkat ang hangin ay pasalungat sa kanila. 25  Ngunit nang ikaapat na yugto ng pagbabantay sa gabi ay pumaroon siya sa kanila, na naglalakad sa ibabaw ng dagat.+ 26  Nang makita nila siya na naglalakad sa ibabaw ng dagat, nabagabag ang mga alagad, na sinasabi: “Ito ay isang malikmata!”+ At sumigaw sila dahil sa kanilang takot. 27  Ngunit karaka-rakang sinabi ni Jesus sa kanila ang mga salitang: “Lakasan ninyo ang inyong loob, ako ito;+ huwag kayong matakot.” 28  Bilang tugon ay sinabi ni Pedro sa kaniya: “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo ako na pumunta sa iyo sa ibabaw ng tubig.” 29  Sinabi niya: “Halika!” Sa gayon si Pedro, pagbaba mula sa bangka,+ ay lumakad sa ibabaw ng tubig at pumaroon patungo kay Jesus. 30  Ngunit nang makita ang buhawi, natakot siya at, nang magsimulang lumubog, sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!” 31  Pagkaunat kaagad ng kaniyang kamay ay sinunggaban siya ni Jesus at sinabi sa kaniya: “Ikaw na may kakaunting pananampalataya, bakit ka nagbigay-daan sa pag-aalinlangan?”+ 32  At pagkasampa nila sa bangka, tumigil ang buhawi. 33  Nang magkagayon ay nangayupapa sa kaniya yaong mga nasa bangka, na nagsasabi: “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”+ 34  At sila ay nakatawid at nakarating sa lupain sa Genesaret.+ 35  Nang makilala siya ay nagsugo ang mga lalaki sa dakong iyon sa buong lupaing iyon sa paligid, at dinala sa kaniya ng mga tao ang lahat niyaong mga may karamdaman.+ 36  At namanhik sila sa kaniya na mahipo man lamang nila ang palawit ng kaniyang panlabas na kasuutan;+ at lahat niyaong mga humipo nito ay lubusang napagaling.

Talababa