Job 4:1-21
4 At si Elipaz+ na Temanita ay tumugon at nagsabi:
2 “Kung may isa na susubok ng salita sa iyo, manghihimagod ka ba?Ngunit sino ang makapipigil ng mga salita?
3 Narito! Nagtuwid ka ng marami,+At ang mahihinang kamay ay dati mong pinalalakas.+
4 Ang sinumang natitisod ay ibinabangon ng iyong mga salita;+At ang mga tuhod na nanlalambot ay iyong pinatatatag.+
5 Ngunit sa pagkakataong ito ay dumarating iyon sa iyo, at nanghihimagod ka;Ginagalaw ka nga niyaon, at ikaw ay naliligalig.
6 Hindi ba ang iyong pagpipitagan ang saligan ng iyong pagtitiwala?Hindi ba ang iyong pag-asa ay ang katapatan+ nga ng iyong mga lakad?
7 Alalahanin mo, pakisuyo: Sinong walang-sala ang namatay?At saan ba nalipol ang mga matuwid?+
8 Ayon sa aking nakita, yaong mga kumakatha ng nakasasakitAt yaong mga naghahasik ng kabagabagan ang mismong aani niyaon.+
9 Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos ay pumapanaw sila,At sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang galit ay sumasapit sila sa kawakasan.
10 May ungal ng isang leon, at tinig ng isang batang leon,Ngunit ang mga ngipin ng mga may-kilíng na batang leon ay nababali rin.
11 Ang isang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng nasila,At ang mga anak ng isang leon ay nagkakahiwa-hiwalay.
12 Sa akin nga ay may salitang inihatid nang patago,At ang aking tainga ay nakarinig ng bulong niyaon,+
13 Sa mga nakababalisang kaisipan dahil sa mga pangitain sa gabi,Kapag ang mahimbing na tulog ay sumasapit sa mga tao.
14 May panghihilakbot na dumating sa akin, at panginginig,At ang karamihan ng aking mga buto ay pinuspos nito ng panghihilakbot.
15 At isang espiritu ang dumaan sa aking mukha;Ang balahibo ng aking laman ay nagsimulang mangalisag.
16 Ito ay tumayong nakatigil,Ngunit hindi ko nakilala ang kaanyuan nito;Isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata;Nagkaroon ng katahimikan, at narinig ko ngayon ang isang tinig:
17 ‘Ang taong mortal—magiging higit na makatarungan kaya siya kaysa sa Diyos?O ang matipunong lalaki kaya ay magiging mas malinis kaysa sa kaniyang sariling Maylikha?’
18 Narito! Sa kaniyang mga lingkod ay wala siyang pananampalataya,At ang kaniyang mga mensahero ay pinararatangan niya ng pagkakamali.
19 Gaano pa kaya roon sa mga tumatahan sa mga bahay na luwad,Na ang pundasyon ay nasa alabok!+Sila ay mas madaling durugin ng isa kaysa sa isang tangà.
20 Mula umaga hanggang gabi ay pinagdudurug-durog sila;Kahit walang sinumang nagsasapuso niyaon ay nalilipol sila magpakailanman.
21 Hindi ba binunot ang kanilang pantoldang panali sa loob nila?Namamatay sila dahil sa kakulangan ng karunungan.