Job 12:1-25
12 At si Job ay sumagot at nagsabi:
2 “Sa katotohanan ay kayo ang bayan,At sa inyo ay mamamatay ang karunungan!+
3 Ako rin ay may puso+ na gaya ninyo.Hindi ako nakabababa sa inyo,+At sino ang walang mga bagay na tulad ng mga ito?
4 Ako ay naging isang katatawanan sa kaniyang kapuwa,+Isa na tumatawag sa Diyos upang sagutin niya siya.+Isang katatawanan ang isa na matuwid at walang kapintasan.
5 Sa pag-iisip ay hinahamak niyaong malaya sa alalahanin ang pagkalipol;+Iyon ay nakahanda para roon sa may mga paang sumusuray.+
6 Ang mga tolda ng mga mananamsam ay hindi nababahala,+At ang mga nagpapagalit sa Diyos ang may katiwasayanNa para sa isa na nagdala ng isang diyos sa kaniyang kamay.+
7 Gayunman, tanungin mo, pakisuyo, ang maaamong hayop, at tuturuan ka nila;+Gayundin ang mga may-pakpak na nilalang sa langit, at sasabihin nila sa iyo.+
8 O ipakita mo ang iyong pagkabahala sa lupa, at tuturuan ka nito;+At ipahahayag iyon sa iyo ng mga isda sa dagat.+
9 Sino sa lahat ng mga ito ang hindi lubos na nakaaalamNa ang kamay ni Jehova ang gumawa nito,+
10 Na sa kaniyang kamay ay naroon ang kaluluwa+ ng lahat ng may buhayAt ang espiritu ng lahat ng laman ng tao?+
11 Hindi ba sinusubok ng tainga ang mga salita+Kung paanong nilalasahan ng ngalangala+ ang pagkain?
12 Hindi ba may karunungan sa matatanda na+At unawa sa kahabaan ng mga araw?
13 Sa kaniya ay may karunungan at kalakasan;+Siya ay may payo at unawa.+
14 Narito! Siya ay nanggigiba, anupat hindi na maitatayo;+Sinasarhan niya iyon sa tao, anupat hindi na iyon mabubuksan.+
15 Narito! Pinipigil niya ang tubig at ito ay natutuyo;+At isinusugo niya ito, at binabago nito ang lupa.+
16 Sa kaniya ay may lakas at praktikal na karunungan;+Ang gumagawa ng pagkakamali at ang nagliligaw ay sa kaniya;+
17 Pinayayaon niyang nakatapak ang mga tagapayo,+At pinangyayari niyang mabaliw ang mga hukom.
18 Ang mga gapos ng mga hari ay kaniya ngang kinakalag,+At binibigkisan niya ng sinturon ang kanilang mga balakang.
19 Pinalalakad niya nang nakatapak ang mga saserdote,+At ang mga nakaupo nang matatag ay kaniyang iginugupo;+
20 Siya ay nag-aalis ng pananalita mula sa mga tapat,At ang katinuan ng matatandang lalaki ay inaalis niya;
21 Siya ay nagbubuhos ng panghahamak sa mga taong mahal,+At ang pamigkis ng mga makapangyarihan ay kaniya ngang pinahihina;
22 Siya ay naglalantad ng malalalim na bagay mula sa kadiliman,+At dinadala niya sa liwanag ang matinding karimlan;
23 Pinalalaki ang mga bansa, upang mapuksa niya sila;+Pinalalaganap ang mga bansa, upang mailayo niya sila;
24 Inaalis ang puso ng mga pangulo ng bayan ng lupain,Upang mapagala-gala niya sila sa isang dakong ilang,+ kung saan walang daan.
25 Sila ay nag-aapuhap sa kadiliman,+ kung saan walang liwanag,Upang mapagala-gala niya silang tulad ng isang taong lasing.+