Isaias 51:1-23

51  “Makinig kayo sa akin, kayong mga nagtataguyod ng katuwiran,+ kayong mga humahanap kay Jehova.+ Tumingin kayo sa bato+ na pinagtabasan sa inyo, at sa uka ng hukay na pinaghukayan sa inyo.  Tumingin kayo kay Abraham+ na inyong ama+ at kay Sara+ na nagluwal sa inyo nang may mga kirot ng panganganak. Sapagkat siya ay iisa nang tawagin ko siya,+ at pinagpala ko siya at pinarami.+  Sapagkat aaliwin nga ni Jehova ang Sion.+ Aaliwin nga niya ang lahat ng kaniyang mga wasak na dako,+ at gagawin niyang tulad ng Eden+ ang kaniyang ilang at tulad ng hardin ni Jehova ang kaniyang disyertong kapatagan.+ Ang pagbubunyi at ang pagsasaya ay masusumpungan sa kaniya, ang pasasalamat at ang tinig ng awitin.+  “Magbigay-pansin ka sa akin, O bayan ko; at ikaw na aking liping pambansa,+ ako ay pakinggan mo. Sapagkat mula sa akin ay lalabas ang isang kautusan,+ at ang aking hudisyal na pasiya ay pananatilihin ko bilang liwanag nga sa mga bayan.+  Ang aking katuwiran ay malapit.+ Ang aking pagliligtas+ ay tiyak na lalabas, at ang aking mga bisig ang hahatol sa mga bayan.+ Sa akin ay aasa ang mga pulo,+ at ang aking bisig ay hihintayin nila.+  “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa langit,+ at masdan ninyo ang lupa sa ibaba. Sapagkat ang mismong langit ay mangangalat na gaya ng usok,+ at ang lupa ay maluluma na parang kasuutan,+ at ang mga tumatahan doon ay mamamatay na tulad ng isang hamak na niknik. Ngunit kung tungkol sa aking pagliligtas, iyon ay magiging hanggang sa panahong walang takda,+ at ang aking katuwiran ay hindi masisira.+  “Makinig kayo sa akin, kayong mga nakaaalam ng katuwiran, ang bayan na ang puso ay kinaroroonan ng aking kautusan.+ Huwag ninyong katakutan ang pandurusta ng mga taong mortal, at huwag kayong mangilabot dahil lamang sa kanilang mapang-abusong mga salita.+  Sapagkat uubusin sila ng tangà na parang isang kasuutan, at uubusin sila na parang lana ng tangà sa damit.+ Ngunit kung tungkol sa aking katuwiran, iyon ay magiging hanggang sa panahong walang takda, at ang aking pagliligtas ay hanggang sa di-mabilang na mga salinlahi.”+  Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan,+ O bisig ni Jehova!+ Gumising ka gaya ng mga araw noong sinaunang panahon, gaya noong mga salinlahi ng mga panahong malaon nang nakalipas.+ Hindi ba ikaw ang lumuray sa Rahab,+ na umulos sa dambuhalang hayop-dagat?+ 10  Hindi ba ikaw ang tumuyo sa dagat, ang tubig ng malawak na kalaliman?+ Ang nagpangyaring maging daan ang mga kalaliman ng dagat upang makatawid ang mga tinubos?+ 11  Sa gayon ay babalik ang mga tinubos ni Jehova at paroroon sa Sion na may hiyaw ng kagalakan,+ at ang pagsasaya hanggang sa panahong walang takda ay mapapasakanilang ulo.+ Ang pagbubunyi at ang pagsasaya ay makakamtan nila.+ Ang pamimighati at ang pagbubuntunghininga ay tatakas nga.+ 12  “Ako—ako ang Isa na umaaliw sa inyo.+ “Sino ka na matatakot ka sa taong mortal na mamamatay,+ at sa anak ng sangkatauhan na gagawing gaya lamang ng luntiang damo?+ 13  At na kalilimutan mo si Jehova na iyong Maylikha,+ ang Isa na nag-uunat ng langit+ at naglalatag ng pundasyon ng lupa,+ anupat lagi kang nanghihilakbot sa buong araw dahil sa pagngangalit niyaong gumigipit sa iyo,+ na para bang handang-handa na siyang ipahamak ka?+ At nasaan ang pagngangalit niyaong gumigipit sa iyo?+ 14  “Ang isa na nakayuko na may mga tanikala ay mabilis ngang kakalagan,+ upang hindi siya mamatay patungo sa hukay+ at upang ang kaniyang tinapay ay hindi magkulang.+ 15  “Ngunit ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na pumupukaw sa dagat upang dumaluyong ang mga alon nito.+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.+ 16  At ilalagay ko sa iyong bibig ang aking mga salita,+ at tatakpan kita ng lilim ng aking kamay,+ upang itatag ang langit+ at ilatag ang pundasyon ng lupa+ at sabihin sa Sion, ‘Ikaw ang aking bayan.’+ 17  “Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, O Jerusalem,+ ikaw na uminom mula sa kamay ni Jehova ng kaniyang kopa ng pagngangalit.+ Ang saro, ang kopa na sanhi ng pagsuray-suray, ay ininuman mo, sinaid mo.+ 18  Walang sinuman sa lahat ng mga anak+ na ipinanganak niya ang pumapatnubay sa kaniya, at walang sinuman sa lahat ng mga anak na pinalaki niya ang humahawak sa kaniyang kamay.+ 19  Ang dalawang bagay na iyon ay nangyayari sa iyo.+ Sino ang makikiramay sa iyo?+ Pananamsam at kagibaan, at gutom at tabak!+ Sino ang aaliw sa iyo?+ 20  Ang iyong mga anak ay hinimatay.+ Humiga sila sa bukana ng lahat ng mga lansangan tulad ng maiilap na tupa na nasa lambat,+ gaya niyaong mga puspos ng pagngangalit ni Jehova,+ ng pagsaway ng iyong Diyos.”+ 21  Kaya pakinggan mo ito, pakisuyo, O babaing+ napipighati at lasing, ngunit hindi sa alak.+ 22  Ito ang sinabi ng iyong Panginoon, ni Jehova, ng iyong Diyos nga, na nakikipaglaban+ para sa kaniyang bayan: “Narito! Kukunin ko sa iyong kamay ang kopa na sanhi ng pagsuray-suray.+ Ang saro, ang aking kopa ng pagngangalit—hindi mo na uulitin pa ang pag-inom mula roon.+ 23  At ilalagay ko iyon sa kamay ng mga umiinis sa iyo,+ na nagsabi sa iyong kaluluwa, ‘Yumukod ka upang makatawid kami,’ anupat ginawa mong tulad ng lupa ang iyong likod, at tulad ng lansangan para roon sa mga tumatawid.”+

Talababa