Isaias 44:1-28

44  “At ngayon ay makinig ka, O Jacob na aking lingkod,+ at ikaw, O Israel, na aking pinili.+  Ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Maylikha+ at iyong Tagapag-anyo,+ na tumutulong sa iyo mula pa sa tiyan,+ ‘Huwag kang matakot,+ O Jacob na aking lingkod, at ikaw, Jesurun,+ na aking pinili.  Sapagkat bubuhusan ko ng tubig ang nauuhaw,+ at ng mga umaagos na batis ang tuyong dako.+ Ibubuhos ko sa iyong binhi ang aking espiritu,+ at sa iyong mga inapo ang aking pagpapala.  At sisibol nga sila na waring nasa gitna ng luntiang damo,+ tulad ng mga alamo+ sa tabi ng mga estero ng tubig.  Ang isang ito ay magsasabi: “Ako ay kay Jehova.”+ At tatawagin ng isang iyon ang kaniyang sarili ayon sa pangalan ni Jacob,+ at ang isa pa ay susulat sa kaniyang kamay: “Kay Jehova.” At pamamagatan ng isa ang kaniyang sarili ayon sa pangalan ni Israel.’+  “Ito ang sinabi ni Jehova, na Hari ng Israel+ at kaniyang Manunubos,+ si Jehova ng mga hukbo, ‘Ako ang una at ako ang huli,+ at bukod pa sa akin ay walang Diyos.+  At sino ang tulad ko?+ Tumawag siya, upang masabi niya iyon at maiharap iyon sa akin.+ Mula nang itatag ko ang bayan noong sinaunang panahon,+ kapuwa ang mga bagay na dumarating at ang mga bagay na mangyayari ay sabihin nila sa ganang kanila.  Huwag kayong manghilakbot at huwag kayong matulala.+ Hindi ba mula nang panahong iyon ay ipinarinig ko iyon sa iyo nang isahan at ipinahayag ko?+ At kayo ang aking mga saksi.+ May umiiral bang Diyos bukod pa sa akin?+ Wala, walang Bato.+ Wala akong nakikilalang sinuman.’ ”  Silang lahat na mga tagapag-anyo ng inukit na imahen ay kabulaanan,+ at ang kanilang mga irog ay hindi mapakikinabangan;+ at bilang kanilang mga saksi ay wala silang nakikita at wala silang nalalaman,+ upang sila ay mapahiya.+ 10  Sino ang nakapag-anyo ng isang diyos o nakapaghulma ng isang hamak na binubong imahen?+ Hindi iyon napakinabangan sa anumang paraan.+ 11  Narito! Ang lahat ng kaniyang mga kasamahan ay mapapahiya,+ at ang mga bihasang manggagawa ay mula sa mga makalupang tao. Silang lahat ay magtitipon.+ Sila ay titigil. Sila ay manghihilakbot. Sila ay mapapahiyang magkakasama.+ 12  Kung tungkol sa mang-uukit ng bakal sa pamamagitan ng daras, abala siya roon sa mga baga; at sa pamamagitan ng mga martilyo ay inaanyuan niya iyon, at patuloy siyang nagpapakaabala roon sa pamamagitan ng kaniyang malakas na bisig.+ Gayundin, siya ay nagutom, anupat nawalan ng lakas. Hindi siya umiinom ng tubig; kaya napagod siya. 13  Kung tungkol sa mang-uukit ng kahoy, iniunat niya ang pising panukat; tinatandaan niya iyon ng pulang yeso; inaanyuan niya iyon sa pamamagitan ng pait; at sa pamamagitan ng kompas ay patuloy niyang tinatandaan iyon, at iyon ay unti-unti niyang ginagawang tulad ng wangis ng tao,+ tulad ng kagandahan ng mga tao, upang tumahan sa isang bahay.+ 14  May isa na ang kaniyang gawain ay ang pumutol ng mga sedro; at kumukuha siya ng isang uri ng punungkahoy, isa ngang dambuhalang punungkahoy, at pinatitibay niya iyon sa ganang kaniya sa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan.+ Itinanim niya ang puno ng laurel, at patuloy na pinalalaki iyon ng bumubuhos na ulan. 15  At iyon ay naging pampaningas ng apoy para sa tao. Kaya kukunin niya ang isang bahagi niyaon upang makapagpainit siya. Sa katunayan ay nagpapaliyab siya ng apoy at nagluluto nga ng tinapay. Gumagawa rin siya ng isang diyos na mayuyukuran niya.+ Iyon ay ginawa niyang isang inukit na imahen,+ at nagpapatirapa siya roon. 16  Ang kalahati niyaon ay sinusunog nga niya sa apoy. Sa ibabaw ng kalahati niyaon ay iniihaw niyang mabuti ang karne na kakainin niya, at nabubusog siya. Siya rin ay nagpapainit at nagsasabi: “Aha! Ako ay nakapagpainit na. Nakita ko na ang liwanag ng apoy.” 17  Ngunit ang nalalabi roon ay ginagawa nga niyang isang diyos, ang kaniyang inukit na imahen. Siya ay nagpapatirapa roon at yumuyukod at nananalangin doon at nagsasabi: “Iligtas mo ako, sapagkat ikaw ang aking diyos.”+ 18  Hindi sila nakaaalam,+ ni nakauunawa man sila,+ sapagkat ang kanilang mga mata ay pinahiran upang hindi makakita,+ ang kanilang puso upang hindi magkaroon ng kaunawaan.+ 19  At walang sinuman ang nakaaalaala sa kaniyang puso+ o may kaalaman o unawa,+ na nagsasabi: “Ang kalahati niyaon ay sinunog ko sa apoy, at sa ibabaw ng mga baga niyaon ay nagluto rin ako ng tinapay; ako ay nag-ihaw ng karne at kumain. Ngunit ang natira roon ay gagawin ko bang isang hamak na karima-rimarim na bagay?+ Sa tuyong kahoy ba ng isang punungkahoy ay magpapatirapa ako?” 20  Kumakain siya ng abo.+ Iniligaw siya ng kaniyang sariling puso na nadaya.+ At hindi niya inililigtas ang kaniyang kaluluwa, ni sinasabi man niya: “Hindi ba kabulaanan ang nasa aking kanang kamay?”+ 21  “Alalahanin mo ang mga bagay na ito, O Jacob,+ at ikaw, O Israel, sapagkat ikaw ay aking lingkod.+ Inanyuan kita.+ Ikaw ay isang lingkod na aking pag-aari. O Israel, ikaw ay hindi ko kalilimutan.+ 22  Papawiin ko ang iyong mga pagsalansang na gaya ng sa isang ulap,+ at ang iyong mga kasalanan na gaya ng sa isang kaulapan. Manumbalik ka sa akin,+ sapagkat tutubusin kita.+ 23  “Humiyaw kayo nang may kagalakan, kayong mga langit,+ sapagkat si Jehova ay kumilos na!+ Sumigaw kayo nang may pagbubunyi,+ kayong pinakamabababang bahagi ng lupa!+ Magsaya kayo, kayong mga bundok,+ na may hiyaw ng kagalakan, ikaw na kagubatan at lahat kayong mga punungkahoy na nariyan! Sapagkat tinubos ni Jehova ang Jacob, at sa Israel ay ipinakikita niya ang kaniyang kagandahan.”+ 24  Ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Manunubos+ at Tagapag-anyo sa iyo mula sa tiyan: “Ako, si Jehova, ang gumagawa ng lahat ng bagay, na mag-isang nag-uunat ng langit,+ na naglalatag ng lupa.+ Sino ang kasama ko noon? 25  Binibigo ko ang mga tanda ng mga nagsasalita nang walang katuturan, at ako ang Isa na nagpapakilos sa mga manghuhula na parang baliw;+ ang Isa na nagpapaurong sa mga taong marurunong, at ang Isa na nagpapangyaring maging kamangmangan ang kanilang kaalaman;+ 26  ang Isa na nagpapangyaring magkatotoo ang salita ng kaniyang lingkod, at ang Isa na lubusang tumutupad sa panukala ng kaniyang mga mensahero;+ ang Isa na nagsasabi tungkol sa Jerusalem, ‘Siya ay tatahanan,’+ at tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Sila ay muling itatayo,+ at ang kaniyang mga tiwangwang na dako ay ibabangon ko’;+ 27  ang Isa na nagsasabi sa matubig na kalaliman, ‘Maging singaw ka; at ang lahat ng iyong mga ilog ay tutuyuin ko’;+ 28  ang Isa na nagsasabi tungkol kay Ciro,+ ‘Siya ay aking pastol, at ang lahat ng kinalulugdan ko ay lubusan niyang tutuparin’;+ maging sa sinabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Siya ay muling itatayo,’ at tungkol sa templo, ‘Ilalatag ang iyong pundasyon.’ ”+

Talababa