Isaias 20:1-6
20 Nang taóng dumating si Tartan+ sa Asdod,+ nang isugo siya ni Sargon na hari ng Asirya,+ at siya ay nakipagdigma laban sa Asdod at binihag ito;+
2 nang panahong iyon ay nagsalita si Jehova sa pamamagitan ng kamay ni Isaias na anak ni Amoz,+ na sinasabi: “Yumaon ka,+ at kalagin mo ang telang-sako mula sa iyong mga balakang;+ at ang iyong mga sandalyas ay alisin mo mula sa iyong mga paa.”+ At gayon ang ginawa niya, na lumalakad nang hubad at nakatapak.+
3 At si Jehova ay nagsabi: “Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumalakad nang hubad at nakatapak nang tatlong taon bilang isang tanda+ at isang palatandaan laban sa Ehipto+ at laban sa Etiopia,+
4 gayon dadalhin ng hari ng Asirya ang kalipunan ng mga bihag ng Ehipto+ at ang mga tapon ng Etiopia, mga batang lalaki at matatandang lalaki, na hubad at nakatapak, at ang mga pigi ay hinubuan, ang kahubaran ng Ehipto.+
5 At tiyak na masisindak sila at ikahihiya nila ang Etiopia na kanilang pinananaligang pag-asa+ at ang Ehipto na kanilang kagandahan.+
6 At ang tumatahan sa baybaying lupaing ito ay tiyak na magsasabi sa araw na iyon, ‘Gayon ang kalagayan ng ating pinananaligang pag-asa, na patungo roon ay tumakas tayo upang magpatulong, upang maligtas dahil sa hari ng Asirya!+ At paano tayo makatatakas?’ ”