Isaias 18:1-7

18  Aha dahil sa lupain ng mga humihiging na kulisap na may mga pakpak, na nasa pook ng mga ilog ng Etiopia!+  Ito ang nagpapadala ng mga sugo+ na dumaraan sa dagat, at sa pamamagitan ng mga sasakyang papiro sa ibabaw ng tubig, na nagsasabi: “Pumaroon kayo, kayong mga mensaherong matutulin, sa isang bansa na banát at kinís, sa isang bayan na kakila-kilabot sa lahat ng dako, isang bansa na may matinding lakas at yumuyurak, na ang lupain ay inagnas ng mga ilog.”+  Lahat kayong nananahanan sa mabungang lupain+ at kayong tumatahan sa lupa, kayo ay may makikitang gaya ng sa pagtataas ng isang hudyat sa ibabaw ng mga bundok,+ at may maririnig kayong tunog na gaya ng paghihip sa tambuli.+  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Ako ay mananatiling panatag at titingin sa aking tatag na dako,+ tulad ng nakasisilaw na init na kasama ng liwanag,+ tulad ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.+  Sapagkat bago ang pag-aani, kapag ang bulaklak ay sumapit sa kasukdulan at ang bulaklak ay naging ubas na nahihinog, puputulin din ng isa ang mumunting sanga sa pamamagitan ng mga karit na pampungos at aalisin ang mga pangkuyapit, tatagpasin ang mga iyon.+  Ang mga iyon ay maiiwang magkakasama para sa ibong maninila sa mga bundok at para sa hayop sa lupa.+ At doon ay tiyak na magpapalipas ng tag-araw ang ibong maninila, at doon ay magpapalipas ng panahon ng pag-aani maging ang bawat hayop sa lupa.+  “Sa panahong iyon ay may kaloob na dadalhin kay Jehova ng mga hukbo,+ mula sa isang bayan na banát at kinís,+ mula nga sa isang bayan na kakila-kilabot sa lahat ng dako, isang bansa na may matinding lakas at yumuyurak, na ang lupain ay inagnas ng mga ilog, tungo sa dako ng pangalan ni Jehova ng mga hukbo, ang Bundok Sion.”+

Talababa