Isaias 13:1-22

13  Ang kapahayagan laban sa Babilonya+ na nakita ni Isaias na anak ni Amoz+ sa pangitain:  “Sa ibabaw ng bundok ng mga hantad na bato ay magtaas kayo ng isang hudyat.+ Ilakas ninyo sa kanila ang tinig, ikaway ninyo ang kamay,+ upang pumasok sila sa mga pasukan ng mga taong mahal.+  Ako ay nag-utos sa aking mga pinabanal.+ Tinawag ko rin ang aking mga makapangyarihan upang mailabas ang aking galit,+ ang aking mga lubhang nagbubunyi.  Makinig kayo! Isang pulutong na nasa mga bundok, tulad ng isang malaking bayan!+ Makinig kayo! Ang kaguluhan ng mga kaharian, ng mga bansang natitipon!+ Pinipisan ni Jehova ng mga hukbo ang hukbong pandigma.+  Dumarating sila mula sa lupain sa malayo,+ mula sa dulo ng langit, si Jehova at ang mga sandata ng kaniyang pagtuligsa, upang gibain ang buong lupa.+  “Magpalahaw kayo,+ sapagkat ang araw ni Jehova ay malapit na!+ Darating iyon na gaya ng pananamsam mula sa Makapangyarihan-sa-lahat.+  Iyan ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga kamay ay lalaylay, at ang buong puso ng taong mortal ay matutunaw.+  At naligalig ang bayan.+ Ang mga pangingisay at mga kirot ng panganganak ay nanaig; sila ay may mga kirot ng pagdaramdam na gaya ng babaing nanganganak.+ Nagtitinginan sila sa isa’t isa sa pagkamangha. Ang kanilang mga mukha ay nagniningas na mga mukha.+  “Narito! Ang araw ni Jehova ay dumarating, malupit kapuwa sa pagkapoot at sa pag-aapoy ng galit, upang ang lupain ay gawing isang bagay na panggigilalasan,+ at upang malipol nito mula roon ang mga makasalanan sa lupain.+ 10  Sapagkat ang mismong mga bituin sa langit at ang kanilang mga konstelasyon ng Kesil+ ay hindi magpapakislap ng kanilang liwanag; ang araw ay magdidilim nga sa pagsikat nito, at ang buwan ay hindi magpapasinag ng liwanag nito. 11  At tiyak na ibabalik ko sa mabungang lupain ang sariling kasamaan nito,+ at sa mga balakyot ang kanilang sariling kamalian. At paglalahuin ko nga ang pagmamapuri ng mga pangahas, at ang kapalaluan ng mga maniniil ay aking ibababa.+ 12  Ang taong mortal ay gagawin kong higit na bihirang masumpungan kaysa sa dalisay na ginto,+ at ang makalupang tao kaysa sa ginto ng Opir.+ 13  Iyan ang dahilan kung bakit ko liligaligin ang langit,+ at ang lupa ay mauuga mula sa kinaroroonan nito dahil sa poot ni Jehova ng mga hukbo+ at dahil sa araw ng kaniyang nag-aapoy na galit.+ 14  At mangyayari nga, tulad ng isang gasela na itinaboy at tulad ng kawan na hindi tinitipon ninuman,+ sila ay babaling, bawat isa sa kani-kaniyang bayan; at sila ay tatakas, bawat isa patungo sa kani-kaniyang lupain.+ 15  Ang lahat ng masusumpungan ay uulusin, at ang lahat ng mahuhuli ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak;+ 16  at ang kanila mismong mga anak ay pagluluray-lurayin sa kanilang paningin.+ Ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay gagahasain.+ 17  “Narito, pupukawin ko laban sa kanila ang mga Medo,+ na sa kanila ay walang kabuluhan ang pilak at ang ginto naman ay hindi nila kinalulugdan. 18  At pagluluray-lurayin ng kanilang mga busog maging ang mga kabataang lalaki.+ At ang bunga ng tiyan ay hindi nila kahahabagan;+ ang mga anak ay hindi kaaawaan ng kanilang mata. 19  At ang Babilonya, ang kagayakan ng mga kaharian,+ ang kagandahan ng pagmamapuri ng mga Caldeo,+ ay magiging gaya noong gibain ng Diyos ang Sodoma at Gomorra.+ 20  Hindi siya kailanman tatahanan,+ ni mananahanan man siya sa sali’t salinlahi.+ At doon ay hindi magtatayo ng kaniyang tolda ang Arabe, at hindi pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang mga kawan. 21  At doon ay tiyak na hihiga ang mga namamalagi sa mga pook na walang tubig, at ang kanilang mga bahay ay mapupuno ng mga kuwagong agila.+ At doon tatahan ang mga avestruz, at ang hugis-kambing na mga demonyo ay magpapaluksu-lukso roon.+ 22  At ang mga chakal ay magpapalahaw sa kaniyang mga tirahang tore,+ at ang malaking ahas ay mapapasa mga palasyo ng masidhing kaluguran. At ang kapanahunan para sa kaniya ay malapit nang dumating, at ang kaniyang mga araw ay hindi magluluwat.”+

Talababa