Isaias 10:1-34

10  Sa aba niyaong mga nagtatatag ng nakapipinsalang mga tuntunin+ at niyaong mga sa palagi nilang pagsulat ay sumusulat ng pawang kabagabagan,  upang itaboy ang mga maralita mula sa usapin sa batas at agawin ang katarungan mula sa mga napipighati sa aking bayan,+ upang ang mga babaing balo ay maging kanilang samsam, at upang mandambong sila ng mga batang lalaking walang ama!+  At ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagtutuon ng pansin+ at sa pagkagiba, kapag dumating iyon mula sa malayo?+ Kanino kayo tatakas upang magpatulong,+ at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian,+  malibang mangyari na ang isa ay yumukod sa ilalim ng mga bilanggo at ang bayan ay patuloy na mabuwal sa ilalim ng mga napatay?+ Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay.+  “Aha, ang Asiryano,+ ang tungkod ng aking galit,+ at ang pamalo na nasa kanilang kamay para sa aking pagtuligsa!  Laban sa isang bansang apostata+ ay isusugo ko siya, at laban sa bayan ng aking poot ay uutusan ko siya,+ na kumuha ng maraming samsam at kumuha ng maraming madarambong at iyon ay gawing isang dakong niyuyurakan na parang luwad sa mga lansangan.+  Bagaman maaaring hindi siya gayon ay nanaisin niya; bagaman maaaring hindi gayon ang kaniyang puso, siya ay magpapakana, sapagkat ang mangwasak ay nasa kaniyang puso,+ at ang manlipol ng hindi kakaunting mga bansa.+  Sapagkat sasabihin niya, ‘Hindi ba ang aking mga prinsipe ay mga hari rin?+  Hindi ba ang Calno+ ay gaya rin ng Carkemis?+ Hindi ba ang Hamat+ ay gaya rin ng Arpad?+ Hindi ba ang Samaria+ ay gaya rin ng Damasco?+ 10  Kailanma’t naabot ng aking kamay ang mga kaharian ng walang-silbing diyos na ang mga nililok na imahen nito ay mas marami kaysa roon sa nasa Jerusalem at nasa Samaria,+ 11  hindi ba mangyayari na kung ano ang gagawin ko sa Samaria at sa kaniyang walang-silbing mga diyos,+ gayon nga ang gagawin ko sa Jerusalem at sa kaniyang mga idolo?’+ 12  “At mangyayari nga na kapag winakasan ni Jehova ang lahat ng kaniyang gawa sa Bundok Sion at sa Jerusalem, ako ay makikipagsulit dahil sa bunga ng kawalang-pakundangan ng puso ng hari ng Asirya at dahil sa kapalaluan ng pagmamataas ng kaniyang mga mata.+ 13  Sapagkat sinabi niya, ‘Sa kapangyarihan ng aking kamay ay tiyak na kikilos ako,+ at sa aking karunungan, sapagkat mayroon nga akong unawa; at aalisin ko ang mga hangganan ng mga bayan,+ at ang kanilang mga bagay na nakaimbak ay tiyak na sasamsamin ko,+ at ibababa ko ang mga tumatahan na gaya ng isang makapangyarihan.+ 14  At parang isang pugad, aabutin ng aking kamay+ ang yaman+ ng mga bayan; at gaya ng pagtitipon ng mga itlog na naiwan, titipunin ko nga ang buong lupa, at tiyak na walang sinumang magpapagaspas ng kaniyang mga pakpak o magbubuka ng kaniyang bibig o huhuni.’ ” 15  Magmamagaling ba ang palakol sa nagsisibak sa pamamagitan nito, o dadakilain ba ng lagari ang sarili nito sa nagpapagalaw niyaon nang paroo’t parito, na para bang ang baston ang siyang nagpapagalaw nang paroo’t parito sa mga nagtataas niyaon, na para bang ang tungkod ang siyang nagtataas sa isa na hindi kahoy?+ 16  Kaya ang tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay patuloy na magpapasapit ng nakagugupong karamdaman sa kaniyang mga taong matataba,+ at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay isang ningas ang patuloy na magniningas na gaya ng ningas ng apoy.+ 17  At ang Liwanag+ ng Israel ay magiging isang apoy,+ at ang kaniyang Banal na Isa ay magiging isang liyab;+ at ito ay lalagablab at lalamunin ang kaniyang mga panirang-damo at ang kaniyang mga tinikang-palumpong+ sa isang araw. 18  At ang kaluwalhatian ng kaniyang kagubatan at ng kaniyang taniman ay Kaniyang pasasapitin sa kawakasan,+ mula nga sa kaluluwa hanggang sa laman, at ito ay magiging gaya ng panlulupaypay ng isang may sakit.+ 19  At ang iba pang punungkahoy sa kaniyang kagubatan—ang kanilang bilang ay magiging gaya niyaong maisusulat ng isang bata lamang.+ 20  At tiyak na mangyayari sa araw na iyon na yaong mga nalalabi ng Israel+ at yaong mga takas ng sambahayan ni Jacob ay hindi na muling sasandig sa isa na nananakit sa kanila,+ at tiyak na sasandig sila kay Jehova, ang Banal ng Israel,+ sa katapatan.+ 21  Isang nalabi lamang ang babalik, ang nalabi ng Jacob, sa Makapangyarihang Diyos.+ 22  Sapagkat bagaman ang iyong bayan, O Israel, ay maging gaya ng mga butil ng buhangin sa dagat,+ isang nalabi lamang mula sa kanila ang babalik.+ Isang paglipol+ na naipasiya ang daragsa ayon sa katuwiran,+ 23  sapagkat isang paglipol+ at isang mahigpit na pasiya ang ilalapat ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupain.+ 24  Kaya ito ang sinabi ng Soberanong+ Panginoon, si Jehova ng mga hukbo: “Huwag kang matakot, O bayan kong nananahanan sa Sion,+ dahil sa Asiryano, na nananakit sa iyo noon sa pamamagitan ng tungkod+ at nagtataas noon ng kaniyang baston laban sa iyo ayon sa paraang ginawa ng Ehipto.+ 25  Sapagkat kaunting-kaunting panahon pa—at ang pagtuligsa+ ay sasapit na sa kawakasan, at ang aking galit, sa kanilang paglalaho.+ 26  At si Jehova ng mga hukbo ay tiyak na magwawasiwas laban sa kaniya ng isang panghagupit+ gaya noong pagkatalo ng Midian sa tabi ng batong Oreb;+ at ang kaniyang baston ay malalagay sa dagat,+ at tiyak na itataas niya iyon ayon sa paraang ginawa niya sa Ehipto.+ 27  “At mangyayari sa araw na iyon na ang kaniyang pasan ay mahihiwalay mula sa iyong balikat,+ at ang kaniyang pamatok mula sa iyong leeg,+ at ang pamatok ay tiyak na masisira+ dahil sa langis.” 28  Dumating siya sa Aiat;+ dumaan siya sa Migron; sa Micmash+ ay inilapag niya ang kaniyang mga kagamitan. 29  Dumaan sila sa tawiran, sa Geba+ ay nagpalipas sila ng gabi, ang Rama+ ay nanginig, ang Gibeah+ ni Saul ay tumakas. 30  Ihiyaw mo ang iyong tinig sa malalakas na sigaw, O anak na babae ng Galim.+ Magbigay-pansin ka, O Laisa. O ikaw na napipighati, Anatot!+ 31  Ang Madmena ay tumakbo. Ang mga tumatahan sa Gebim ay sumilong. 32  Araw pa sa Nob+ upang tumigil na. Ikinakaway niya ang kaniyang kamay nang may pagbabanta laban sa bundok ng anak na babae ng Sion, ang burol ng Jerusalem.+ 33  Narito! Ang tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay tumatagpas ng mga sanga nang may matinding pagbagsak;+ at yaong mga tumubo nang matayog ay pinuputol, at ang matataas ay nagiging mababa.+ 34  At pinutol niya ang mga palumpungan sa kagubatan sa pamamagitan ng isang kasangkapang bakal, at sa pamamagitan ng isang makapangyarihan ay babagsak ang Lebanon.+

Talababa